Twenty

17.1K 375 26
                                    

Nakiusap kami kay Mina na bantayan sandali si Clyde sa sasakyan habang naghahakot kami ng gamit ni Gio. Syempre sa sitwasyon ngayon, hindi ako hahayaan ni Gio na magpunta sa apartment namin na mag-isa.

Our place was indeed turned upside down. Sobrang gulo, may mga basag-basag na gamit sa sahig. Ultimo school bag ni Clyde hindi pinatawad dahil lahat ng laman non nakakalat. Sa kwarto naman, mukhang wala silang hindi nasuyod. Naka-open lahat ng drawers, 'yong ibang mga damit namin nasa sahig.

Nanlumo ako sa nakita ko. Hindi na ko nag-aksaya ng panahon para i-check 'yong pera at natitirang alahas ko na regalo pa nila Deej sa may maliit na box na nasa drawer ko. Sira na kasi ang lock non.

Napaupo ako sa kama at binaon ang mukha ko sa mga palad ko. I let all my tears gush out like falls. Sobrang daming tumatakbo sa isipan ko hindi ko na alam ang uunahin ko.

Mayamaya pa't naramdaman kong lumundo ang tabi ko saka pumulpot ang mga braso ni Gio sa akin.

"Just let it all out. Take your time, wifey."

We stayed like that for a few minutes. Iniiyak ko ang pwede kong iiyak bago ko naalala na may Clyde palang naghihintay sa amin sa sasakyan.

Nagpunas ako ng luha saka muling luminga sa paligid.

Wala naman ng magagawa ang pag-iyak ko.

"Mag-ayos na tayo." I croaked.

Gio looked at me for a while before he held the back of my head and planted a soft kiss on my forehead. I let myself savor the moment as I clutch on his shirt.

Unknowingly, he's become he source of my strength; him and my Clyde.

When I let go, he stood up and started folding the scattered clothes on the floor.

"Do you have a bag or a suitcase where we can fit all your clothes?"

Ilang beses akong kumurap habang pinapanood ko siyang ilabas sa cabinet ang mga damit ni Clyde. Siguro, napansin niyang wala pa ako sa sarili.

Nanginginig pa kasi ako sa takot at sa daang-daang katanungan sa isipan ko.

Hininto niya ang ginagawa niya saka ako tinabihan sa kama na kinauupuan ko. He held my hand in his before pressing a hard kiss at the back of my hand.

"It's going to be alright, wifey. I got you, okay?"

All I did was to nod. Gusto ko sanang tanungin kung paano ang magiging set-up namin. Kung magbabayad ba ako, ay tatanggapin niya? Hanggang kailan niya kami hahayaan ni Clyde sa bahay niya?

"A-ako na dito, Gio. I have to pack my intimates din kasi. 'Yong gamit na lang sa sala ang ayusin mo. Mga gamit ni Clyde sa school, photo albums niya, mga sapatos. 'Yon na lang siguro. May malalaking plastic bag sa ilalim ng lababo sa kusina, 'yon na lang ang paglagyan mo."

"Okay, I'll be back." he said before leaving with a kiss.

We worked silently apart. Iniwan ko na ang ilan sa mga damit ko na hindi ko naman na ginagamit. Mostly, damit ni Clyde ang naimpake ko. Pinag-isipan ko pa nga kung magdadala pa ba ako ng tuwalya kila Gio at kung pati kobrekama at punda ay dadalhin ko.

Sa huli, pinagdesisyunan kong magdala dahil hindi naman nawawala sa choices na hindi kami permanente ni Clyde sa bahay ni Gio.

Sinilip ko ang mga drawer ko at mukhang nalimas nga lahat ng pupwedeng maibenta at kunin. Buti na lang lagi kong suot itong relo na bigay ni Claire sa akin bago siya mamatay. Pitong libo ang laman ng safe box ko kasama ang isang pares ng gintong hikaw at isang ginto necklace na regalo sa akin.

Wala naman akong masyadong alahas dahil bukod sa hindi ako mahilig, hindi ko rin kasi priority ang mga ganoong bagay. Mas luho ko ang mga sapatos.

Isinara ko ang pangalawa at huling maleta saka ako tumayo. Inilagay ko na lamang sa plastic bags ang iba sa mga gamit na hindi nagkasya sa mga bag.

"Gio, tapos na ako." tawag ko.

Nakarinig ako ng ingay sumunod ang mga yabag niya napapalapit sa akin.

Agad ko naman siyang nilingon at nakitang hawak niya ang isa sa mga album ni Clyde.

"Wala kang picture na buntis sa kanya, ano?" he asked without raising his head to look at me.

Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Sa dinami-dami ng iniisip ko dumagdag pa ito.

"Ah-eh. O-oo."

Naglipat siya muli ng pahina saka iyon sinara. Nagtaas siya ng tingin saka ako nginitian, "Sayang, gusto ko sanang makita kung anong itsura mo ng buntis."

"Ha? Bakit naman?"

"Basta." maikli niyang sagot.

Umiling na lang ako, "Kakasya ba lahat ng inimpake natin sa sasakyan mo?" pag-iiba ko sa usapan.

"Unahin na lang siguro natin ang mga damit saka gamit ni Clyde. Pwede namang nating balikan 'yong iba bukas. I'll bring my Chevy Suburban tomorrow, kasya lahat ng ito roon."

Napairap na lang ako sa kanya. Of course, marami nga pala siyang sasakyan. Natawa na lang siya bago bumalik sa may sala, sinundan ko lang siya ng tingin.

Inilagay niya sa loob ng plastic bag ang photo album na hawak niya saka iyon binuhol. Pinagtabi-tabi niya ang mga naimpake niya sa sofa bago niya binitbit ang bag ni Clyde.

"May tanong pala ako." he suddenly said, na para bang bigla niya lang talagang naalala.

Hinatak ko ang dalawang maleta na iniayos ko palabas ng sala.

"Sino 'to? Naka-ipit kasi sa isa mga photo albums ni Clyde." saka niya iniabot sa akin ang isang litrato.

Nanuyo ang lalamunan ko ng nakita ko kung sino.

Si Claire.

Nakatitig lang ako roon ng matagal. Hindi alam ang isasagot. Hindi pa kasi ako ready na sabihin sa kanya. Hindi ko pa napag-practisan ang mga dapat kong ilathala.

Matamis ang ngiti ni Claire sa picture na 'yon. Kung tama ako, ito ang huling Christmas ni Claire sa piling ng pamilya, bago siya nabuntis at itinakwil.

"Wifey?" biglang tawag ni Gio kaya ako napatingin sa kanya.

Nakakunot na ang noo at mukhang nag-aalala, "Hindi mo naman kailangan sagutin kung ayaw mo. Na-curious lang kasi ako dahil 'yan lang ang natatanging picture niya sa mga albums niyo."

Umiling ako saka ko ibinulsa ang picture na 'yon.

Sorry, Claire.

"Umm-wala. Kaibigan ko lang nang College na nag-migrate sa ibang bansa ng first year kami."

Napatango siya, "Ready ka na? Baka nainip na rin si Mina mag-antay sa atin sa baba." nakangiting sambit niya.

Nilingon ko ang mga bag na akay-akay ko saka ko ibinalik ang mga titig ko sa kanya, "Yes. I'm ready."

Nasilayan ko ang matamis niyang ngiti, "Then let me take my wifey and son home."

---

I'm back!!!! Feeling a bit gloomy these past few days, kaya iniiwasan kong magsulat kasi baka hindi maayos ang kakalabasan. Hehehe

Anyway, I got my new glasses and boyyyyy, hirap mag-adjust sa bagong grado, but the up side is that I see a lot clearer than before :) Plusssss, narecover ko na ang file ko ng Fall Back To You so matutuloy ko na siya, a big YAY for meeeeee.

-- b <3

Stonehearts 6: AlexandriteWhere stories live. Discover now