Twenty Four

13.3K 283 6
                                    

"Aba, ang babaeng akala namin ay nilamon na ng lupa heto't nagpakita na!" sigaw ni Deej na siyang dahilan kung bakit napalingon ang mga customers ng restaurant sa kanya, kabilang ako.

Nahiya ako ng very slight pero binalewala ko na lang gawa ng matinding pagka-miss ko sa mga ito. Sobrang toxic ng work environment ko na pakiramdam ko ngayon lamang akong nakahingang malalim.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at isa-isa naman silang lumapit sa akin at umakap.

"Mamshie! Na-miss ka namin!" tugon ni Cyn, ang huling umakap bago kami nagsi-upo.

"Pasensya na kayo ngayon ko lang kayo nayaya lumabas tapos lunch break pa. Sobrang busy ko kasi lately. Alam niyo naman, adjustment period." Sambit ko ng natapos na kaming mag-order.

"Nako, Mommy Lex! Kahit 15 minutes break pa 'yan. Papatusin namin, ano! Parang pakiramdam namin 1 year ka na naming 'di nakikita." Cath said with a chuckle.

I smiled at her, almost teary-eyed. Ito 'yong na-mi-miss ko sa kabila. The light atmosphere and the feeling of home these people give me. Pero sabi nga nila, sacrifices are needed if you want to succeed in life. Kaya kahit ang pangit ng environment sa kabila tinitiis ko. Well, not until this morning na nasabi ko na kay Gio lahat.

"Kamusta naman kayo?" I asked.

Nagkatinginan silang apat, parang may gustong tanungin pero parang walang gustong gumawa. Hanggang sa napairap at buntong-hininga si Aldrin.

"Okay, fine. Ako na nga magtatanong. Mga baklang 'to!" I looked at him. His eyes shifted from happy to worried. "Mommy Lex, may naririnig kasi kaming mga bali-balita sa kabila. But please remember na hindi kami naniniwala. Pero bilang kaibigan mo syempre nag-aalala rin kami."

"Kulang na nga lang hampasin ko ng heels ko mga bibig ng pangit na chismosa sa office eh!" gigil na sapaw ni Deej. "Mga echoserang froglet!"

"A-ano bang kumakalat doon?"

"Marami, eh." Sagot naman agad ni Aldrin. "Wala ka raw kaibigan doon kasi nagmamagaling ka raw. Mga ganon ba."

More like wala akong kaibigan kasi ayaw ko silang maging kaibigan doon. Ang to-toxic ng ugali eh.

I let out a sarcastic chuckle, "Wala akong kaibigan kasi pangit ugali nila."

"Pero 'yong isang kinainit ng ulo namin, na halos maging rason ng pagka-suspend ni Deej – "

"Suspend?" agad kong putol sa sinabi ni Cyn. I looked at Deejay but he just shrugged at me maintaining that smug smile on his face, na para bang achievement ang kamuntikang ma-suspend.

"'Yong sinabi nung inggiterang Maricar na 'yon na kabit ka raw ng isa sa mga boss na ka-tie up ni Sir Ferris kaya ka na-promote." Pagtatapos ni Cyn.

I wanted to cry. Bakit parang sobrang daming may violent reaction sa pagka-promote ko? I mean, I've been in line for over a year. Matagal naman ng sinabi sa akin ito, sa amin ito.

People are really out there to get you when you started to grow. Bakit may ganoong mentalidad ang mga tao?

I felt someone touching my hand. Hindi ko napansin na nakayuko na pala ako.

"Lexy, we're here, okay? 'Di naman kami naniniwala sa sinasabi ng mga ungas na 'yon no." Cynthia said after giving my hand a tight squeeze.

"Sabi ko sa inyo, eh! Dapat sinungalngal ko talaga 'yong Maricar na 'yon ng natuto." Deej said making us all laugh.

When the laughter died down and the food were being served. Aldrin faced me; his face filled with comfort.

"Mommy Lex, so ano nga ba ang ganap?"

Stonehearts 6: AlexandriteWhere stories live. Discover now