Chapter 4: Doze of Inspiration

426 29 0
                                    

...For you, I'll always be...

[ Shane ]

Weekends passed too quickly. Kahit naman kase siguro kahit 2 days pa lang yun eh namimiss ko na agad ang tropa, well especially ang babaeng laging laman ng puso ko. Lagi akong excited pumasok dahil sa kanya. Lalo na kung nakikita ko ang napakaganda niyang ngiti na maikukumpara mo sa isang anghel. Yung ngiting nagpapabawas sa pressure na dala ng pag-aaral. Yung ngiting nagpapasakit ng dibdib ko. Yung ngiting bumubuo ng araw ko. Yung ngiting nagpapatalon ng sistema ko. Hayz, inlove na talaga ang kuya mo.

I was snapped out of my thoughts nung magsalita ang kapatid ko. "Hala ngingiti-ngiti na naman yung isa diyan. HAHAHAHA"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Eh kung di ka mangengealam ng may buhay ng may buhay dyan? Kumain ka na lang baka malate ka pa" I snapped at him.

"Weh? Sa sarili mo sabihin yan, kase malamang kung di ako nagsalita ikaw ang malelate dyan!" Napatingin ako sa mga plato nila na halos isang subo na lang ay tapos na, kasunod ng pagtingin ko sa pagkain kong wala pang bawas! Damn. Ganun ba ako katindi mag daydreaming?!!? With that nagmamadali akong kumain na ikinatawa nila. Napa-pout ako dahil dun.

"Hay, binata na talaga ang baby boy natin hon" my mom dramatically said as if I'm leaving them na pinaikutan ko kang ng mata.

"Sige, isang ikot pa yang mata mo at dudukutin ko yan at ipapaulam sayo" my mom threatened na ikinibitbalikat ko na lang. As if naman...

Then suddenly my dad spoke "Oo nga eh, ang laki na ng baby boy naten!" Sabay kurot sa pisngi ko.

"Dad!" I exclaimed. "I'm not a baby anymore! Ilang buwan na lang mag 17 na ako! Stop treating me like a child" I deadpanned. Damn.

"My son, kahit ano pang sabihin mo, kayo ng mga kapatid mo will always be our little babies ng mom... Blah blah blah" heto na naman siya sa napakahaba niyang litanya. I mentally groaned at that. Really? Paulit-ulit na lang?!!?

"And you young man!" My mom pointed at my younger brother. "Gayahin mo 'tong kuya mo, laging First Honor, matataas ang grades, ikaw puro ka gala!"

"Yes mom" he replied with so much boredness in his tone. HAHAHAHA. Imba ka talaga baby bro!

"Payes-yes ka pa, wala namang nangyayari" my mom replied. "At ikaw!" Pointing at me. "Bilis-bilisan mo ang kumain at malelate ka na" with that, nagmamadali akong kumain para makapag handa para sa school cause today is our periodical exams.

.....................................

As usual...

"Hi Shane"

"Good morning cutie"

"Shems, pogi pogi talaga ng baby ko"

"Goodluck sa exam mo baby"

"Yummy"

What the f*ck. Nakakakilabot yung mga tingin nilang parang hubad kang naglalakad sa harapan nila, pero wala eh, iba din kaseang pakiramdam ng maraming admirers. Gwapo ko kase!

"Hi yogurt!" What the f? Yogurt?!!? Napatawa na lang ako nung narinig ko yun, na nagpatawa din sa mga estudyanteng narinig yon. HAHAHA. Damn. Napakapanget ng tawag niya saken. Pwede namang baby, angel, munchkins, cutiepie, mr. pogi, hu-

"Hoy! Bilis-bilisan mo naman ang paglalakad mo dyan! Magsisimula na ang exam! Di ka model uy!" I mentally rolled my eyes upon hearing those words. Sino ba yun? Well, sino poa nga ba?!!? Edi ang napakagaling kong bestfriend. Epal masyado.

"Ang aga-aga ang lakas ng boses mo, nasa hallway ka pa man din" I said as I made my way to her.

"Eh kase nga, kung di pa ako nagsalita, malamang naglalakad ka pa din sa buwan hanggang ngayon at aabutin ka na naman ng bukas para makarating dito" I rolled my eyes at her.

"Oo na, oo na" waving my hand as if I'm in surrender. "Daldal mo" binulong ko lang yung huling sinabe ko.

"Anong sinabe mo?!!?" Damn! Narinig ng hinayupak! "Hoy mister! Para sabihin ko sa-"

"Oo na!" I snapped and pull her to our classroom bago pa magtatatalak ng sobra na naman sa hallway. Hay! The nerve of this girl!

...............................

Natahimik ang lahat ng pumasok na sa aming classroom ang aming adviser para ibigay ang periodical exams sa araw na to. I was in a sudden surprise as Samantha approached me at my seat, smiling.

She gently tapped my right cheek, and embarassingly naramdaman kong nag-init ito. Damn! "Hi Shane, I know di ko na kailangang sabihin to, but goodluck ah, galingan mo"

With those words I smiled sweetlty at her, nakangiti ako na masakit na pero wala na akong pake. "Sure" I replied to her, na sinagot niya lang ng matamis na ngiti. For you, I'll always be.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siyang papalapit sa kanyang upuan. Damn! Ang sarap naman nun, mas lalo tuloy akong ginanahan! Lagi na akong gaganahan basta ba galing sa kanya. F*ck. Para na akong fangirl pero wala na akong pake.

"Pssh" napabaling ang ulo ko sa aking kanan ng marinig ko yun. Ayun, nakabusangot ng bestfriend ko. Nu na naman kayang problema nito? Ang weird ng hinayupak. "Sagot muna ng exams bago landi" dugtong niya.

"Grabe ka naman saken beshie" pagdadrama ko na kunwari'y nasaktan sa sinabi niya. HAHAHA. Lakas trip di ba? At ang walanghiya, di man lang ako pinansin. Problema nito?

"Naku Shane, wag mo na lang yan pansinin, wala kaseng lablayf yan eh" sabi ni Michael na nagpahalakhak sa aming magtotropa. Sinamaan siya ng tingin nito na nagpatikom naman ng bibig niya.

Sinundot ko siya sa tagiliran na nagpaliyad sa kanya. Napahagikgik ako dito. HAHA. Anlakas talaga ng kiliti nito dun. "Ano bang problema mo?!!?" Bulyaw niya saken na nagpabaling ng atensyon ng aming mga kaklase sa kanya.

Ikinatawa ko na lang ang reaksyon niya. "HAHAHA. Bat ka ba nagkakaganyan? Nu bang problema mo?" She was about to say something pero di na niya tinuloy. Ikinibit-balikat ko na lang yun. "Goodluck" I said to her as the test papers were distributed throughout the class.

.......................

Two days of periodical exams just passed so quickly. Well, wala naman akong doubt alam ko namang halos perfect ko lahat ng exams na yon. HAHAHAHA. Yabang!

I was on my way to my car at the parking area when Lizzie approached me. "Hey remember yung sinabe ko sayo nung saturday?" Huh? Ano ba yung pinagsasa- oh wait! Naaalala ko.

"Oo, san tayo pupunta?"

"Bukas! Sa bahay" She excitedly stated na nagpanganga saken.

"Oh ano namang gagawin natin dun?" Pagtataka ko na nagpakunit ng noo niya.

"Birthday ko remember?!!? I mean birthday namen" oh shit damn! Oo nga pla. How could I forget?!!? "Mag iinuman tayo, besides buong klase ang invited, ilan lang sa ibang sections ang nandun"

"Ummm Lizzie, you very well know na hindi ako umiinom, di ba nung last birhday niyo wala namang inuman? Mapapatay ako ni mommy kung malaman niya"

Inikutan niya ako ng mata. Abat ampu- "Nuon yun! Iba na ngayon! Kargo kita! Ako bahala sayo! Chillax!"

"Ummm..."

"Please, please, please...." Her saying with those puppy eyes. Damn.

I sighed. "Ok ok, pero konti lang ah! Bawal ako malasing!"

"Yes!" She squeek excitedly. "Ok tomorrow, 7 PM. Itetext ko sayo yung address ng hotel na nirentahan namen ok?" Damn this rich woman! "Bye!" Then she kissed me on my cheek then skedadle. What a girl!

I sighed opening my car, and exhaustedly I take a seat. Damn! I got exhausted by just talking with her.
______________________________
Waaahhhhh. Ampanget! Huhuhuhuhu. 😣😣😣

BxB Series. Blue Eyes: Milk and HoneyWhere stories live. Discover now