Chapter 14: Always Here

357 23 0
                                    

...just thinking of it makes me winced...

[ Shane ]

Since that day, mas lalong nawalan ako ng ganang pumasok sa school. Unang dahilan ay takot na takot ako. Everytime na papasok ako o magpapark ay otomatikong pipihit ang ulo ko pakaliwa o pakanan kung may kahina-hinala mang tao na nasa paligid. Ilang araw na din ang nakalipas at hindi ko na nakikita ang mga estudyanteng yun na binalak akong pagsamantalahan.

All those past days, awang-awa ako sa sarili ko. Maging ang parents ko ay nagtataka dahil marahil na din sa pagbabago ko. I can't blame them, tuluyan na nga akong  nagbago.

Sa tuwing nagtatanong sila kung ano ang dahilan. I can't utter an answer to say. Ang hirap. Di ko kayang malaman nila ang pinagdadaanan ko.

Kung meron mang miyembro nang pamilya nang may alam ng nararanasan kong ito, yun ay ang kuya ko. Yes you heard it right. Si kuya Shawn lang ang may alam.

Nalaman niya to nung mashare ko sa kanya dahil sa sobrang kailangan ko nang makakausap. Galit na galit siya. Gusto  iyang umuwi at huntingin si Brandon, pero masyado siyang busy sa college. He is 21 years old. Yeah siya si kuyang tangkad sagad, ikaw ba naman 6'2 ang height. Napangiti ako ng mapait sa mga naaalala ko.

Gustung-gusto niya umuwi nun, pero pinigilan ko siya. Saying na kakayanin ko. Ilang beses na din pinilit ako na sabihin kila mommy, pero pinigilan ko siya. May araw nga na gusto niyang sabihin kila mommy pero pinigilan ko. Hindi ko kaya.

Buti naman at napilit ko siya. Ramdam ko ang awa niya saken ng sa tuwing tumatawag siya saken. Like gustong-gusto niya akong puntahan at bubugbugin niya si Brandon at lahat ng ginago ako. Pinangako niya din na kukunin niya ako at dadalhin sa Ireland.

You see. Blessed pa din ako dahil may kuya akong kagaya niya.

Nasira ang pagmumuni-muni ko ng marinig kong may tumatawag sa telepono. Napangiti ako. Si kuya Shawn, tumatawag.

"Hi kuya" I tried to be as lively as I can, ayong madamay siya sa lungkot ko.

"Hi baby, kamusta ka?"

"Kuya naman eh! Please stop calling me baby!" Pagmamaktol ko.

"Hahahahaha. Eh sa baby ko kayo ni Sky eh. May magagawa ka ba? Atska bat iniiba mo ang usapan? Ang sabi ko eh kung okay ka lang ba?" Naalala ko ulit ang muntikan nang pambababoy saken ng mga estudyanteng yun. Napakagat labi ako. "Hey" Muling tugon ni kuya ng di ako sumagot.

"Okay lang naman ako kuya" Pagsisinungaling ko.

"Hmmm?" He is not convinced.

"Ok lang nga ako kuya" Trying to sound okay. How can I bare talking about it, when just thinking of it makes me winced.

"I'm not convinced" Napakagat labi ako sa sagot niya. Gusto ko mang sabihin sa kanya ay hindi ko kaya.

"I'm reallt fine kuya. By the way. Bat ka pala napatawag?"

"Well, kinukumusta ka lang. I bought things for you and Sky. Mga pasalubong ko sa inyo. I'll be there before you're graduation. I wanna be there to listen to your valedictory speech" Proud niyang pagkakasabi.

Napangiti ako. How I aam lucky really to have him a my brother. "Wow. Salamat kuya. Hihintayin ko yan ah" Trying to be lively.

"You don't sound really happy"

"I am happy kuya"

"Not genuinely" Napakagatlabi labi ako sa sagot niya. Ganun ba talaga kahalata kahit sa boses.

"Si kuya naman kung anu-ano pinagsasabe. Basta masaya ako and excited at the same time kase uuwi ka. Once a year ka lang nauwi eh" May halong tampong sabi ko.

"Hays, sorry na baby. Alam mo namang busy ang pogi mong kuya di ba? Bumabawi naman ako eh"

Napangiti ako sa pagdadrama niya. "Ok, basta gagala tayo ng gagala pagpunta mo dito ah?

" Sure."

At madami pa kaming napag-usapan about schoolworks, at kung anu-ano pa. Napaisip tuloy ako. Siguro kung kasingtangkad ko lang si kuya, di ako maaapi ng ganito, mapoprotektahan ko ang sarili ko. Kaso parang malabong mangyari pa. Konting panahon na lang naman at matatapos na to. Konting-konti na lang.

Kaya mo to Shane!

[ Brandon ]

Weekends na naman. Nasanay na akong ganito. Nakakulong sa kwarto at may malalim na iniisip. Magulong-magulong pag-iisip. Sobrang gulo dahil sa kanya. Sino pa ba?

Ilang araw akong nagbulagbulagan sa bawat sakit na nakikita ko sa mga mata niya. Sa mga sakit na tumutusok sa kaloob-looban ko. Sa mga sakit sa bawat araw na kitang kita kong nahihirapan siya.

Damn! Di talaga ako makapag-isip ng matino dahil sa kanya!

Pababa na ako ng hagdan nang makasalubong ko si Lizzie with her angry look. Tinging parang papatay nang tao. Naglampasan kami, napatigil ako nang bigla siyang magsalita.

"Just wanna let you know, the other day, muntik nang ma-rape si Shane. Siguro naman masaya ka na" Wai- what?!?

Agad akong napatalikod para harapin siya. "What?!"

With her teary eyes, nagsalita siya. "Buti na lang naabutan ko pa habang wala pa silang nagagawa sa kanya. It was almost, I am so thankful I made it in time." Kasama ng pagsigok.

Shit. I am so shocked. Kasabay ng tiim bagang na galit. Who would dare to do that?

"Bakit ngayok mo lang to sinabe?!" Di ko maiwasang mapasigaw sa dahil na rin sa galit na nararamdaman ko.

"Would you care?" Pabalik tanong niya. Napipilan ako. Di ko alam ang isasagot. Nalagot ako ng hininga nang muli siyang magsalita. "Dapat nga magcelebrate kayo eh. Di ba? Kase successful ang plano niyo. Nanira lang naman kayo ng buhay nang tao" Fuck! Sobrang sakit ng sinabe niya. Napayuko ako. Napadaklot sa dibdib ko. It was all my fault!

Akmang papasok na siya nang magtanong ako. "Sino ang gumawa sa kanya nun?"

Tiningnan niya lang ako at dire-direstong pumasok sa kwarto niya.

I am fuming with anger.
Magbabayad kung sino man silang gumawa nito.
----------------------------------------------

Ang ikli! 😢😢😢
Hope you still like it.

BxB Series. Blue Eyes: Milk and HoneyWhere stories live. Discover now