Chapter 19: Better Days

359 22 0
                                    

...and here I am about to believe again...

[ Shane ]

Ang init. Ang init. Ito yung init na masarap sa pakiramdam. Ramdam ko din ang malaking bagay sa nakadantay sa bandang bewang ko. Ang nakalapat na malapad na bagay sa mukha ko. Ang bango.

Teka. Kailan pa nagkaroon nang ganitong bagay sa kwarto ko? At bak-

Nahinto ang pag-iisip ko nang maalala ang mga nangyari. Biglaang napamulagat ako nang mata.

Shit. Nakasubsob ako sa dibdib niya. Unti-unti akong nag-angat nang tingin masalubong ang maamo noyang mukha. Namula ang buong mukha ko, nag-init ang katawan ko.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay naitulak ko siya sa higaan dahilan nang pagbagsak niya mula dito.

'Thud'

"Aray naman! Bakit ba?" Pagtatanong niya saken. Shit. Ang gwa- no! Erase erase! Tang ina lang! Di siya gwapo pag bagong gising! Pupungas-pungas siya nang bago muling bumalik sa higaan.

"Anong bakit?!" Sigaw ko pabalik.

"Pwede bang wag kang sumigaw? Ang aga-aga eh" Kalmado niyang pagkakasabi.

Shit! Paano ako kakalma?!

"Uuwi na ako."

"Ang aga pa, mamaya na." Pagpupunilit niya.

"Papasok pa ako! Alas sais na!" Sigaw ko sa kanya.

"Okay! Kalma! Kalma! Ang aga aga eh. Ihahatid kita" Nagmumog lang siya at inaya niya na akong umuwi. Seriously?!

Paglabas nang kwarto ay nakasalubong kaming babae. Maganda siya kahit alam mong may edad na. Gulat itong napatingin sakin. Di ko inaasahan ang susunod na nangyari.

'Pak!!'

Yes. Sampal. Atasakit na sampal with that. Napahawak ako sa aking pisngi at maluha-luhang napatingin dito.

"What's this faggot doing here?!" Bulyaw niya. Namula ang mukha ko sa narinig ko. Sa labis na pagkapahiya.

"Mom! Stop it!" Pagpigil ni Brandon sa kanya. So nanay niya pala.

"Paalisin mo yang bakla dito! Di ba binaboy ka niyan?!" Pandidiring sabi sakin nang kanyang ina. Ang sakit. Sobrang bigat.

Di ko na nakayanan nang magmadali akong tumakbo palabas ng bahay. Ang sakit sakit.

[ Brandon ]

"Would you please stop mom?!" Muli kong pagpigil sa kanya.

"Anong stop ang sinasabe mo?! Di mo ba nakikilala ang baklang yun?!" Dun na nagpanting ang tenga ko.

"Mom I said shut up!" Napipilan siyang saglit bago  nagsalita ulit.

"You're dad should know this and how dare you shout at me?!"

"Try telling dad at di mo magugustuhan ang paninirang gagawin ko sa pangalan nang family naten!" Damn. Di ko kayang sigawan ang parents ko nang ganito but it's just too much. Nasasaktan ako sa pinagsasabi niya kay Shane.

Muli siyang natigilan kasama ang tinging nagtatanong. "But-"

"No bits mom" Seryoso kong sagot sa kanya. "Aayusin kong isa to and I don't need your help!" Di ko mapigilan malangkapan nang galit ang mga katagang binanggit ko. Simula nang mga pakikialam sa mga desisyong gagawin ko.

BxB Series. Blue Eyes: Milk and HoneyWhere stories live. Discover now