Chapter 13: Protect You

376 25 2
                                    

...the feeling of you just want to be a thin air, and be gone...

[ Shane ]

Ganun pa din everday ang buhay ko. Well, since that day. Para akong paranoid kapag napasok ng room. Whenever I saw students laughing pakiramdam ko ako ang pinagtatawanan nila. Most of the time ako naman talaga ang pinagtatawanan nila. Dalawang buwan na lang eh moving up na. Matatapos din to. Konting tiis na lang Shane. Kaya mo to. Konting tiis na lang.

Araw-araw na lang ganito. Ang bibigat ng mga paa kong pumasok. Parang ayoko na, pero pinipilit ko pa din. Kasabay ng araw-araw na pakiramdam na yun eh paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko kung bakit nangyari to. Masama mang humiling sa ikasasama ng iba, kaso di ko mapigilan. Bakit ako? Mabuting anak naman ako. Mabuting kaibigan. Mabuting estduyante. Wala naman akong inagrabyadong tao pero bakit ako. Madami naman dyang lubos na masasama pero bakit sakin tumapon ang kapalarang to.

Minsan naiisip ko na lang na mawala sa tuwing kukutyain nila ako. The feeling of you just want to be a thin air, and be gone. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, pero alam kong walang mangyayari. They had a proof, proof na minsan di ko naaalalang nangyari.

Siguro nga araw-araw na lang ako lulukubin ng nakakamatay na pakiramdam ko. Mabuti nandyan ang mga kaibigan ko, siguro kung wala sila, baka matagal na akong bumigay sa dinadala kong to. Pero sabi ko nga, konting tiis na lang Shane. Konti na lang. Kahit minsan pisikal na silang nakakapanakit, konting tiis na lang. Kaya mo to Shane. Kaya mo to.

Napatigil ako sa aking pag-iisip ng mag biglang tumamang papel sa mukha ko. "Oh bakla! Perfect score ka! Alam mo crush pa naman sana kita, kaso lalaki din pala hana-"

Natigil siya nang biglang magsalita si Lizzie na katabi ko lang. "Gusto mong sampalin ko yang pagmumukha mo? O ihampas ko sa pagmumukha mo yang mga papel na hawak mo ng sabay-sabay?!" Bulyaw ni Lizzie na ikinagulat at ikinatalot ng itsura ni Shaira, isa sa mga kaklase ko.

"Ah eh-"

"May sinabe ba akong sumagot ka? Gusto mo maging impyerno yang buhay mo?!" Napayuko ako dahil dun. Napakagat labi ako. Awang awa sa sarili. Buti na lang nandyan siya lagi para saken. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.

Napansin ko siyang nagmamadaling umalis sa harap namin. Kahit kailan ka talaga Lizzie.

"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong niya saken ng malumanay kaya napatingin ako dito. Tanging tango lang ang sinagot ko sa kanya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya marahil sa frustration ng tugon ko sa tanong niya. You can't blame me right. What I'm feeling now is hell. And I can't do anything about it.

Maya-maya ay nagpaalam akong umihi. Di ko na talaga kase matiis. Ayaw ko mang lumabas pero di ko na talaga kaya.

"Pre gusto mo samahan kita?" Nag-aallalang tanong ni Peter saken.

Ngintian ko lang siya. "Hindi na pre, kaya ko naman mag-isa" Isang pilit na ngiti.

"Sigurado ka ba pre?" Paniniguro niya.

"Oo. Ok lang ako" Tanging tango lang ang sinagot niya.

Pagkalabas ko sa classroom ay ang pagsalubong sa mga nakakasakit na tingin nila. Mga tinging nanlalait, nanghuhusga and worst nandidiri. Yun pang may biglang sisipol pag dadaan ako dahilan upang magtawanan ang mga nakakarinig at pagbulungan ako. Ang sakit, nakakabastos. Kaya iniyuko ko na lang ang ulo ko habang naglalakad para di ko sila mapansin. Hoping na sana bigla na lang silang maglaho.

Natatakot akong kantyawan kaya humanap ako ng lugar kung saan pwede akong magbawas. Naalala ko ang lumang building. Tinahak ko ang daan na yun dahil hindi ko na talaga kaya.

BxB Series. Blue Eyes: Milk and HoneyWhere stories live. Discover now