Finale: For The Last Time

413 23 1
                                    

...fated...

[ Shane ]

"San pupunta yun?" Pagtatanong sa amin nang tropa ko.

"Iihi daw eh." Pagsagot ko naman dito.

"Ah. Sige pupunta lang akong cafeteria, gutom ako eh. Hehe. May papasabay ba kayo?"

"Wala naman" Sagot ko na ginantihan niya lang nang tungo.

"Ay Michael!" Pagtawag sa kanya pabalik ni Lizzie. "Bili mo naman ako nang Fruit Shake tsaka cheesecake. Salamat!"

"Okay. Okay."

"Ang takaw mo talaga" Pangangantyaw ko kay Lizzie. "Kaya ang taba-taba mo eh!" Dagdag ko pa na dahilan nang parang mababali niyang leeg sa pagpihit nang ulo niya saken. Umuusok ang kanyang ilong. "Aray! Hahahahah." Nang kurutin niya ako sa tagiliran.

"Hoy Mr. Laxamana! FYI! Kahit kumain man ako nang madami di ako tumataba!" Pag-aangal niya kasama nang namumulang mga pisngi. Ang cute talaga niya.

"Oo na. Hahaha. Payat ka na!"

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. Nakita ko ang mumunting butil na mga luha sa lanyang mga mata. Pinunasan ko iyon.  "Masaya lang ako kasi ok ka na. Na i-to nakakapag-bir-o ka na ulit sakin"

Napangiti ako sa mga sinabi niya. Well, sino nga ba ang makakapagsabi na mauuwi sa ganito ang pagtatapos ng junior high ko. "Hays. Masaya ako dahil nandito ka. Hindi mo ko iniwan. Siguro kung wala kayo nang mga panahong yun baka di ko na kinaya" Buong puso kong pagbigkas sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya ulit akong yakapin. Yinakap ko siya pabalik. Di niya alam kung gaano ako kaswerte dahil naging kaibigan ko siya. "O siya siya tama na ang pagdadrama! Gagraduate na tayo in two days! Proud ako sa'yo kase HIGHER HONOR ka!" Pagbabago ko nang mood.

Bigla siyang bumitaw sa yakap ko, and changed to her signature taray look sabay punas nang basang pisngi dahil sa pag-iyak. Hahahaha. Love this girl.

"Kunsabagay tama ka! Masisira lang ang beauty ko sa kadramahan naten. Kaimbyerna"

"Hoy. Ikaw lang ang madrama. Hahaha. Aray" Nang muli niya akong kurutin dahil sa sinabi ko. At sa huli'y nag-ngitian kami.

"Oh. Mukhang nagkakasayahan kayo dyan ah! Oh ito na shake mo at cake mo." Saktong pagdating ni Michael.

"Thank you." Pagpapasalamat ni Lizzie nang inabot niya ang pinasabay niya dito.

Nagkakatuwaan kami nang biglang itigil ang palabas sa stage.

"Good afternoon students. Sorry sa pagcut nang screening. May isang estudyante ang nag-abot nang sarili niyang video para sa tribute sa ating paaralan. Nais niyang ibahagi ang makulay na taong ito nang ating junior high school journey. Wala nang paligoy-ligoy pa, simulan na natin." Pag-aanunsiyo nang isa sa faculty staff nang school.

Nagkatinginan kaming tatlo. Di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang hindi ko magugustuhan ang palabas. Parang may masmaang mangyayari. Mamasa-masa ang palad ko. Di ako mapakali.

Hanggang sa tuluyan nang magplay ang video...

Playing Video

Sa simula nang video ay may pinakitang dalawang lalaking mukhang seryosong nag-uusap. Teka. Parang namumukhaan ko ang mga suot nila ah.

Nakumpirma ko nga ang hinala ko na silang dalawa nga yun. Si James at Brandon.

Nagulat ako sa pag-uusap nilang dalawa.

"So anong meron sa inyo ni Shane?" Pagtatanong ni James.

Bahagya mahahalata ang pagkagulat sa mukha ni Brandon na agad niya namang binawi. "Anong pinagsasabi mo bro?"

BxB Series. Blue Eyes: Milk and HoneyWhere stories live. Discover now