Chapter 7: Uneasy-ness

393 26 3
                                    

...the more I think about it... the more my head throbs...

[ Shane ]

Ting!

Ting!

Ting!

Ting!

Waaaahhhh!! Potah nakakabingi na! Yan ang walang katapusang tunog ng phone ko dahil sa mga texts nang tatlong ulupong na yun.

Damn! Anong oras na?!!? Di pa din ako mapakali. Di ko alam kung anong isasagot ko sa mga tanong nila! Damn!

"Huy tol. San ka? Di ka namen makita kagabi."

"Bakit bigla kang nawala kagabi?" Tang ina nio! Kung di nio ko iniwan kagabi di mangyayari saken to.

"Bes! Ano ba?!!? Sumagot ka nga!" Isa ka pa. Ina ka.

Lalo akong kinakabahan kase di ko talaga alam kung ano ang sasagot ko sa kanila

Potah! Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pillit kong iniisip ang lahat. Ano ba talaga ang nangyari kagabi? Tang ina! Sumasakit na ang ulo ko kakaisip about dun! Bakit kami magkatabi? Bakit nakasando lang siya? Paano kami napunta sa kwartong yun?

Damn! The more I think about it, the more my head throbs... Bakit ganito, I feel that something's wrong. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Di ako mapakali, masyadong nagpapawis ang noo ko, tumitibok ang sintido ko, ang hirap huminga.

It felt...  uneasy...

Teeeeet!! Teeeeeet!!!

Potah! Napapapadyak ako sa sa sobrang gulat ng marinig kong tumunog ang phone ko. Tang ina.  Muntikan ko pang masipa xbox ko! Hayup! Sino ab tong natawag na to. Kinakabahan na nga ako eh, tatawag pa! Napatingin ako kung sino ang natawag. Ang sarap sapak-

Oh. Si Lizzie pala ang natawag...

Tang ina. Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko. Sasagutin ko ba? Anu naman sasabihin ko? Persistent tong hinayupak na to. Pipilitin at pipilitin ako nitong sagutin mga tanong niya... Damn!

Teeeet! Teeeet!!

Trembling, I reached for my phone, shit! Di ko alam ang gagawin ko. Sasagutin ko pa ba to?  Tang ina!

Teeeet! Teeeet!!

Waaaaah! Shit shit shit! Inhale... Exhale... Inhale... Exhale... Inhale... Exhale...

I calmed my nerves. Di ko alam bat kailangan king kabahan ng ganito kung sasagutin ko lang naman ang tawag niya. Ssshhhheeeeeeet!!

The moment I tapped the answer button, kasabay ng paglayo ko ng phone sa aking tenga. Damn! Lumulunok ba to ng microphone to babaeng to?!!?

"Hoooy lalaki! Bat ngayon mo lang sinagot tong tawag ko?!!?  Alam mo bang kagabi pa kami nag-aalala sayo?!!? San ka galing?!? Anung ginawa mo?!!? Kung saan saan ka namin hinanap! Mangiyak-ngiyak ako kagabi habang hinahanap kka! I tred reaching your phone di ka naman sumasagot! Akala namen kung napaano ka na! We called tita kung nandyan ka na sa inyo! Lalo kaming nag-alala kaya gumawa kaagad kami nang alibi sa mommy mo na binibiro lang namen siya! Nagtanong-tanong kami sa mga taon nasa party kagabi lahat sila hindi nila alam kung nasan ka! Di mo alam ang pakiramdam ng nag-aalala!!" De f*ck at di siya huminga sa pinagsasabe niya ah. Damn, I can feel her anger through those words na sinabe niya. F*ck! With those words she just said, di ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, ang pagtatahimik ko ang mas lalo pang nagpagalit sa kanya. "Hoy anu ba? Di ka ba talaga sasagot?!!? Sumagot ka! Di yung parang tanga ako dito!!" Grabe yung lalim ng paghinga niya. Galit na galit nga talaga siya... pero ano naman ang sasabihin ko?!!?

"Ummm.. Ka-ka-kas-e..."

"Hoy! Anong sagot yan? Nirerape ka ba?!? Umayos ka nga!"  Ina mo! Di mo alam kung ano ang nararamdam ko ngayon!

"Wa-wala... " Damn! I can't help not to stutter.

"Anong wala?!? San ka ba galing kagabi?!!? Inabot kami ng madaling araw kakahanap sayo!!" Sorry okay? Sorry!!

"Umm... Medyo nahilo lang kase ako eh... Kailangan ko lang ngg sariwang hangin... Naglakad-lakad lang..." Shit shit shit! I hate to lie!  Pero sana kagatin mo...

"Naglakad-lakad?!? Di ka man lang nagpaalam sa kahit isa sa amin?!!? At kung naglakad-lakad ka lang bakit di ka na bumalik?!?" Shit! What to do?!!?

"Umm... Na-nakatulog ako sa isang park kagabi! O-oo yun nga! Napalayo kase ang nalakad ko kaya nung inantok ako, dun na ako nakatulog... Hi-hilong hilo na din kase ako eh..." Crossfinger... Crossfinger...

"Edi sana man lang nagsabi ka kahit na sino samen! Dapat nasamahan ka namen! Pano kung may nangyaring masama sayo! Bestfriend kita! Kargo kita!" Rinig ko ang hikbi sa bawat salitang binitawan niya. Damn. Ang swerte ko talaga bilang bestfriend niya. I felt bad for her. Di niya deserve mag-alala ng ganito para saken...

"I'm sorry... I'm sorry okay? Ayaw ko lang kasi kayong istorbohin sa pagsasaya niyo kagabi... Sorry na..." Rinig ko pa din ang hikbi niya sa kabilang linya na nagpabigat ng dibdib ko. "Lizzie... Sorry na... Di ko na uulitin pramis.."

Unti-unting tumigil ang mga hikbi niya. Buti naman. "Ummm..." Hmmmm? May sasabihin ba siya? "Buti na lang di ka napahamak, wag ko nang uulitin yun ah?!!?" Napangiti ako sa mga sinabe niya. I'm indeed a lucky man to have her as a friend.

And one more thing. I made up my mind. Iiwasan ko na siya, magmukha man akong tanga. Iiwasan ko na siya.

[ Brandon ]

"What?!!?" Bulyaw ko sa mga taong nasa harapan ko. Tang ina! Gusto kong manapak! "Pano nawala dito yung phone ko! Ano magsalita kayo!" Pucha. Nangangati ang kamao ko. Gusto ko sapakin isa-isa tong mga staff na to. Aaarrrggg!!

"Bro. Kalma lang. Baka kung ano gawin mo dito" pagpapakalma saken ni James. F*cker! Panu ako kakalma?!?

"Shut the fuck up!" Bulyaw ko sa kanyang sagot.

"I'm sorry po Mr. Valderama" panimula ng manager. "Wag po kayong mag-alala sir, hahanapin mo namin yun. We'll contact you right away po kung mahanap po namen. Sorry po talaga sir."

With that him being said, tiningnan ko siya ng masama na nagpalunok sa kanya. You better be f*cker. Di mo magugustuhan magagawa ko sa inyo. "Siguraduhin niyo lang! Hinding-hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko"

I can hear his nervousness in his trembling voice. "O-opo sir"

Galit na galit ko silang tinalikuran para lumabas ng hotel.

"Brando-" James trying to talk to me, but I cut him off.

"Shut up!"

Nagulat siya sa inasal ko. "Kalma lang bro. Lalong lalala problema mo pag ganyan"

"Tingin mo kakalma pa ako sa nangyari ha?!!?" Napayukyok siya sa sinabe ko. Galit ko siyang tinitigan at pumasok sa sasakyan ko.

-----------------------------------

Shit! Ampangit talaga neto. Huhuhuhuhu.

BxB Series. Blue Eyes: Milk and HoneyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora