Chapter 20: Academic Year Ender Event

347 22 0
                                    

...I'm doing this for you... my friend....

[ James ]

Fuck! Who cares about this event?! Di ako mapakali. Sino ba kaseng nagsabi na magsagawa ng event ang school na to. Nagsagawa daw nang Academic Year Ender Event. Taena. Don't get me wrong! Hindi ako sa event galit! Ah basta bahala na!

Bakit ba hindi talaga ako mapakali? Ano ba ang dahilan? Kilala ko kung ano ang dahilan... hindi ano... kung sino.

Sila. Sila ang dahilan nang di ko mapalagay na pakiramdam.

Malayo sa kinauupuan ko ay ang dalawang taong nagpapagulo nang emosyon at nang buhay ko. Oo sila nga. Di ko alam kung bakit ganito ang nagiging reaksyon ko sa t'wing makikita ko silang nag-uusap at kung minsan ay nagpapalitan pa nang ngiti.

Tanda ko pa nung araw na yun nang sinabi niya saking ayaw niya kay Shane. Tang ina. Nagbago na ba ang ihip nang hangin?!

Parang ang bilis naman. Pati kaming mga kaibigan niya ang

Naiinis ako sa di malamang dahilan. Para akong siraulong nagseselos dito. Selos? No way! Hindi ako bakla. Ano lang.. ah.. basta di ako nagseselos. Naiinis lang akong makita silang magkalapit. Oo yun lang yun. Naiinis lang ako.

Di ko na napigilan pa ang sarili ko na maglakad papunta sa kanila. Rinig ko pa ang mabining tawanan nila na llalo pang nagpainis sakin. Shit! What's happening to me.

"Pre" Pagtawag pansin ko sa kanya. Napaangat siya nang tingin saken.

"Bakit bro?" Pagtatanong niya. Maging si Shane ay napatingin sa akin.

"Can we talk?"

"Sure. What is it?" Pagtatanong niya.

"Not here" Napatingin siya sakin nang may pagtataka.

"Okaay? Sige sige" Agad siyang tumayo para sundan ako. "Shane, usap lang kami ah?" Abat nagpaalam pa. The nerve!

"Sige lang" Sagot ni Shane. Shit. Nakakainis.

Naglakad na ako habang nakasunod siya.

"Ano bang pag-uusapan natin?!" Pagtatanong niyang may kasamang inis.

"Basta. Maghintay ka lang pwede?" Inis ding sagot ko sa kanya.

"Tsk" Pinang-ikutan ko na lang nang mata ang sinagot niya.

I led him at the back of the Senior High Department. "So anong meron sa inyo ni Shane?" Tila napapitlag siya sa aking katanungan. Namutla na para bang nakakita nang multo. Ako ma'y naguluhan sa reaksyong pinakita niya.

[ Shane ]

Sinundan ko lang silang dalawa nang tingin habang papalayo kung san man sila mag-uusap. Ano kayang problema nang dalawang yun. Sana wala naman.

"Uy. Ihi lang ako" Pagpapaalam ng tropa ko samin.

"Sige lang" Pagsagot ni Lizzie dito at niyukuan ko lang.

[ Unknown's POV ]

Puta! Ihing-ihi na ako! Di ko na kaya! Tang ina sasabog na ang pantog ko! Shit. Nagmamadali akong maglakad at puputok na talaga.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko silang dalawa. Anong ginagawa nang dalawang to. Magkasunod silang naglalakad.

Iba ang kutob ko dito ah. Waring umurong ang ihi ko ah. I am with so much anticipation. Patulog ko lang silang sinusundan hanggang sa pumunta sila sa tagong likod ng Senior High Department. Pumwesto ako sa tagong lugar nang malapit sa kanila. Buti di nila ako nahalata. Nakatago ako ngayon sa mga halaman pero mau espasyo ito kung saan kitang kita ko sila sa butas na iyon. Seryoso ang kanilang mukha. Mukhang seryoso to ah.

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko ang videohan sila. Nilabas ko ang telepono ko sa bulsa at itinutok ito sa kanila. Namamawis na ako sa pinag-gagawa ko sa totoo lang.
.....................................................

Sa buong durasyon nang pagbi-video ko ay tangis nang galit sa aking kalooban. Akala ko demonyo sila. Mas masahol pa pala sila sa demonyo. Paano nila nagagawa itong. Ang sama sama nila.

Gusto ko silang sugurin. Pagsusuntukin pero pinigilan ko ang aking sarili. Guato kong malaman ang lahat. Nangiginig ang aking mga kamay habang nakahawak sa cellphone kong nakatututok sa kanila.

Nakaalis na sila pero natulala ako sa aking nalaman. Bakit sa kaniya pa nila nagawa ang ganitong bagay? Dinamay pa nila sa kawalang-hiyaan nila ang kaibigan ko. Sobrang bait nun. He did not deserve this.

With so much anger I stood. Don't worry my friend. Sa malalaman mo, maaaring masaktan ka. Ayoko man kitang saktan.

Truth might hurt, but I am doing this for you. My friend.

Dire-diretso kong tinungo ang nag-oorganize nang projector para sa live screening. I wanted all to see.

"Kuya, pwede mo bang i-play to?"

"Anu ba yan sir?" Balik tanong niya. "May abiso ba ng management nang event?" Dagdag pa niya.

"No. I wanted it to be a surprise for the school" Sagot ko. "This will serve as a memory about how this became a wonderful year for this school" Napasamid ako sa mga katagang aking nasambit. Tiningnan niya ako na wari'y inaalisa ako. Hanggang sa marinig ko siyang bumuntong hinga.

"Ok sir." At inabot ang aking memory card.

Bago ako umalis, bumaling ulit ako sa kanya. "Whatever happens, wag mong ihihinto ang video" Sabay iaabot sa kanya ang malaking halagang binunot ko mula sa wallet ko.

Napapitlag siya sa inaabot ko. "Ano po bang laman nito sir?" Kinakabahang tanong niya.

Napangiti ako nang mapait. Kusang tumulo ang aking luha. "It's for my friend" Napayuko siya sa aking sagot, at tuluyan ko na siyajg iniwan.

Shane this is for you. Magbabayad sila sa ginawa nila sa'yo, kahit man lang dito maipagtanggol kita.

Malalaman nila ang baho niyo. Kulang pa ang magiging kabayaran nito sa walang awang ginawa niyo sa kaibigan ko. Magbabayad kayo.

Let this wonderful show, begin.
-------------------------------------------

THE END

Dejk.

False. Di pa pala ito ang last chapter. 😥😥😥

Last Chapter to go.

BxB Series. Blue Eyes: Milk and HoneyWhere stories live. Discover now