Kabanata 1

1.1K 20 1
                                    

Para sa pinakamamahal kong si Leonardo,

Nabasa ko na ang liham mo para sa akin at hayaan mo naman ako na ilahad ang lahat sa iyo. Marami kang dapat malaman at marami akong tanong sa aking isipan na gusto na ng katotohanan. 

Hayaan mong umpisahan ko sa una, ikekwento ko sa iyo ang lahat. Wala akong itatago, wala akong hindi sasagutin sa mga tanong sa iyong isipan. Mahal na mahal kita Leonardo, mula noon hanggang ngayon na sinusulat ko itong liham ko para sa iyo. 

Hayaan mo akong umpisahan ko simula noong tayo ay bata pa lamang. Simula noong nakilala kita sa ospital at aking nasilayan ang iyong mukha na noon pa lamang ay alam ko nang palangiti, masiyahin at ang makakasama ko sa aking pagtanda. Noon pa lamang ay iniisip ko na baka nga tayo na ang tinakda.

Lumipas ang mga araw, nagkasalubong ang ating mga magulang sa canteen ng nasabing ospital, karga-karga ka ng iyong ina at napangiti siya sa akin noong una niya akong makita. Ang galing ko ba? Napamangha ko agad ang nanay mo sa aking mga ngiti.

Magkasunod tayong pinanganak, ang galing ng Diyos sapagkat pinahintulutan niya na magkita agad tayo. Pasensya ka na kung sa tingin mo ay madaya ako mahal ko ah. Nauna kasi akong umuwi kaysa sa iyo. Ang sakitin mo kasi noong mga panahong iyon, payat ka pa at parang hindi nakakain ng masustansya. Sabi pa raw yata ng doktor ay kulang ka sa timbang kaya kailangan ka nilang tingnan pa sa ospital.

Sa dalawang linggo na wala ka pa sa bahay niyo, lahat sila ay naghihintay sa iyo. Sobrang saya nila dahil sa wakas ay may bata na sa kanilang paligid. Hindi na muling malulungkot pa ang bawat isa dahil papasayahin na natin sila. Akala raw nila ay sabay tayong uuwi pero nalungkot sila dahil hindi.

Pinaghanda na ako ng aking pamilya, mistulang piyesta ang handa nila para sa akin.  Lahat ay masaya dahil may anghel na raw na dumating sa buhay nila. Pakiramdam ko, noon pa lamang ay maganda na ako kaya sila natuwa sa akin. Pinakapaborito kong apo, maligayang pagdating!" sabi ni lolo at lola. Nagtawanan ang lahat dahil alam nila na ako ang una nilang apo pero pinakapaborito na.

Hindi ko nga alam bakit ako naunang umuwi, sayang kasi hindi natin nagawang sabay na tumapak sa mga bahay natin. Siguro, nalulungkot na aji noong mga panahon na iyon sapagkat wala ka pa sa piling ko. 

Pagkatapos ng dalawang linggo, dumating ka na sa bahay niyo. Mas lalong naging maingay ang paligid, pinaghanda ka din ng pamilya mo ng masasarap na pagkain. Napakabait nila sapagkat niyaya din nila ang aking pamilya na makihalubilo sa kanila. Hindi sila madamot o isnabero sa kapwa, hiniling ni nanay na sana ganoon ka din kapag lumaki ka na.

Katulad ko, una ka ring apo ng mga lolo at lola mo. Kaya naman pala ganoon na lang ang pagsalubong nila sa ating dalawa. Alam na agad ng mga magulang natin na mapupuno ng pagmamahal ang bawat isa. 

Habang nag-aayos si Mama ng aking gamit, naupo siya sa kama.  Pagod na pagod kaya naisipan nilang magpahinga muna. Ngunit putol-putol naman dahil wala akong tigil sa kakaiiyak. Gutom ba ako o hinahanap na kita noon pa lang? Hirap na hirap si Mama sa pagpapatahan sa akin noon, pati siya ay naluluha na raw dahil noon niya raw napagtanto kung gaano kahirap ang maging ina, ginawa niya na raw ang lahat para lang mapatahan ako pero nabigo raw siya.

Isang araw, bigla na lang may bumisita sa bahay namin. Iyon raw ang lola mo, gusto raw ako niya akong makita dahil nga baago kami rito. Sinabi rin niya sa nanay ko na meron siyang apo at gusto rin niyang ipakilala iyon sa nanay ko. Hindi naman nagpapigil ang nanay ko dahil gusto rin niyang may bago siyang makilala na kaibigan niya.

  "Ito iyong bata na nakasalubong ko sa ospital."  sabi ng nanay mo sa nanay ko. Bigla raw nabuhayan ang nanay ko sapagkat sa wakas ay may magiging kalaro na ako at may magiging bago na siyang kaibigan. Todo raw ang kanilang pagngiti sa isa't isa at nagkwentuhan na rin raw sila. 

Doon na nalaman ng nanay ko na magkasunod pala tayo Leo kaya mas lalo silang natuwa. Pinagloloko pa nga nila tayo na baka raw tayo ay kambal, nauna lang ang isa  sa atin ng isang araw.  

 Lagi raw nagke-kwentuhan ang mga magulang natin tuwing hapon kapag tulog tayo sa sari-sarili nating kuna, ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? Ang makasal tayo sa isa't isa pagtanda? Baka sa sobrang saya nila ayusin na nila ang ating kasal kahit bata pa lamang tayo. Ayos lang naman sa akin sapagkat naniniwala rin ako na ikaw ang para sa akin.

  Dumaan pa ang ilang buwan at naging mas kilala nila Mama ang mga magulang mo. Hindi naman raw mahirap pakisamahan ang pamilya mo. Tulad ko, panganay na anak at apo ka rin kaya nasasabik rin ang lahat sa pagdating mo. Malay mo, sabik na ako noon pa lang na masilayan kita. Nalalapit na raw ang kaarawan nating dalawa, kaya silang lahat ay punong abala sa pag-iisip kung paano maidaraos ang kaarawan natin. Napagdesisyunan na pagsabayin na lang ang selebrasyon tutal naman ay magkasunod na araw iyon. 

Simula raw noon ay nangako na ang magulang natin sa isa't isa na kung nasaan ang isa ay kailangan na andoon rin ang isa para maging gabay sa paglaki nating dalawa. Hiniling rin nila na sana tulad nila, lumaki tayo na magkasangga sa lahat ng bagay, maliit man o malaki iyan. Mukhang hindi naman sila mabibigo sapagkat tutuparin natin iyon para sakanila. 

Para Kay Leonardo (Completed)Where stories live. Discover now