Kabanata 10

94 7 0
                                    

Pagkatapos naming maglakad-lakad ni Carlos ay umuwi na rin kami dahil gabi na rin noon, pagod na ako at kailangan ko na rin magpahinga. Gusto pa sana kitang tawagan noong mga panahong iyon para makipag-ayos sa iyo at umamin na sa totoong nararamdaman ko sa iyo pero hindi ko na nagawa mahal ko dahil kinain na ako ng pagod.

Pagkatapos ng kaarawan ko ay kaarawan mo naman kaya masayang-masaya ako dahil iyon na ang araw na sasabihin ko sana sa iyo na mahal na mahal kita at sana ganoon ka rin. Ngunit nawala ang lahat ng iyon mahal ko dahil nalaman ko sa nanay mo na may inuwi ka raw na babae sa bahay niyo. Sino naman iyon mahal ko? Bakit mo naman dinurog ang puso ko sa ganitong paraan?

Nangako pa naman ako sa sarili ko na sa iyo ko lang ibibigay ang lahat-lahat sa akin. Nangako ako na tayo ang magiging para sa isa't isa, pero bakit naglaho ang lahat ng iyon sa isang gabi lamang? Ito na ba ang regalo mo sa akin? Ang ipakita mo na iba kang babaeng kasiping? Mahal ko, mahal na mahal kita pero bakit ganoon na lamang kasakit ang lahat ng ginawa mo sa akin?

Pinuntahan agad kita noon sa bahay niyo, hindi ko akalain na ganoon pala ang madadatnan ko sa kwarto mo. Iyong babae, nakayakap sa iyo. Maganda naman siya, maputi at maganda ang pangangatawanan. Alam mo bang bagay na bagay kayo mahal kong Leonardo? Ngunit, masakit pa rin sa akin ang ginawa mo. Nagtaksil ka sa akin, nagtaksil ka sa isang babae na ang hiling lamang naman ay mahalin mo lamang.

Noong nakita ko kayo, hindi ko na lamang napigilan ang luha ko. Ang lalaking pinangarap kong makasama at ang lalaking pinagdasal ko sa Diyos na sana aking makasama ay kasama na ngayon ng iba. Hindi ko alam paano na lamang nagbago ang lahat, hindi mo man lang nakekwento sa akin na may natitipuhan ka na pala. Paano na tayong dalawa? Paano na kapag nalaman ito ni Sandra? Panigurado ako na labis siyang masasaktan kapag nalaman niya ito, pero kung may sobrang nasaktan sa ginawa mo walang iba na iyon kundi ako mahal ko.

Pinuntahan ko agad noon si Carlos, walang tinig siyang narinig mula sa akin. Bigla ko na lamang siyang niyakap ng mahigpit. Gusto kong sumigaw noon na malakas, iyong boses ko lamang ang problema dahil walang lumalabas mula rito, tanging luha lang ang napatak sa mga mata ko.

Tinanong ako ni Carlos kung bakit ako labis na umiiyak, ilang minuto pa ang lumipas bago ko nahimasmasan at nakapagsalita sakanya, bawat salita na lumabas sa bibig ko ay iyon din ang bilang ng kirot ng puso ko mahal kong Leonardo.

Noong unang beses niyang narinig iyon ay galit na galit siya sa iyo, Leonardo. halos gusto ka na niyang puntahan noong mga oras na iyon pero labis ko siyang pinigilan dahil ayaw ko kayong magkasakitan dahil lang sa akin. Alam ko naman na gusto niya lamang akong protektahan sa sakit na naramdaman ko pero syempre, ako naman ay gusto kitang protektahan sa sakit na mararamdaman mo kapag siya ay nagalit na sa iyo, magkaibigan pa rin naman tayo kaya ayaw kong malagyan ng lamat ang mga iyon.

Niyakap na lamang niya ako noong mga sandaling iyon at sinabi niya sa akin na nandoon naman siya sa tabi ko para maprotektahan niya ako ngunit hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ikaw pa rin ang tinitibo ng puso at ikaw rin ang laman ng isip ko noong mga panahon na iyon.

Dumaan ang ilang araw, nalaman ko na na gusto pala ako ng pamilya ni Carlos para sakanya at balak nila na ipakasal na rin kami sa lalong madaling panahon. Hindi ko alam sa sarili ko pero iyon ang naisip kong paraan para sandaling makalimutan kita mahal ko. Sinubukan kong mahalin si Carlos, may pinagsamahan naman kami kaya hindi na mahirap pa sa akin na kilalanin siya.

Lagi kaming nakain sa labas, minsan sinasama ka pa nga niya dahil nasaa din noon si Sandra sa amin, para daw may kapareha si Sandra ay kailangan mong sumama. Natutunan ko namang mahalin si Carlos kahit papaano, maalaga naman siya at lagi niya naman akong pinapasaya, hindi niya hinahayaan na hindi maging masaya sa piling niya.

Ngunit minsan, hindi ko pa rin maiwasan na hindi kita maisip mahal kong Leonardo, alam kong isang kataksilan iyon kay Carlos pero hindi mo naman ako masisisi dahil ikaw naman talaga ang una kong minahal at hindi naman agad mawawala ang pagmamahal ko para sa iyo, alam ko sa sarili ko na kahit kailan man at kahit ano man ang gawin ko ay ikaw pa rin ang tinitibok nitong puso ko. Pangako, ikaw lang mahal kong Leonardo.

Dumaan ang isang taon, sobrang maayos ang lahat para sa atin. Kami pa rin ni Carlos pero hindi ko ikakaila na kahit papaano ay parang nagbago na siya ng pakikitungo sa akin. Ang masasayang araw at gabi namin ay nabalot ng lungkot at pagdududa sa isa't isa. Ngunit hindi ko pa rin siya hinihiwalayan dahil nakapangako na nga kami ni Carlos sa mga magulang namin na kai ay ikakasal na sa nakatakdang panahon.

Nagulat na lang kaming lahat nang may biglang kumatok habang nakain tayo noon, isang babae na may dala-dalang bata. Pamilyar ang kanyang mukha sa akin, hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita. Mas nagulat ako sakanyang sinabi, ang batang dala-dala raw niya ay ang inyong anak. Tama, nakita ko na nga siya noon. Siya ang babaeng nakasiping mo noong isang taon. Bakit ganoon mahal ko? Ang sakit sakit naman noong narinig ko mula sa babaeng iyon, para bang biglang gumuho ang mundo ko.                                             

Para Kay Leonardo (Completed)Where stories live. Discover now