Kabanata 9

88 7 0
                                    

Tinupad mo nga ang pangako mo mahal ko. Naka-usap nga natin ni Sandra ang batang lalaki na iyon na nakilala natin sa parke. Noong ua ay ayaw niya pa sa atin pero dahil wala nga siyang kilala sa lugar natin ay kinilala niya na rin tayo. Sobrang saya namin dahil nakakilala ulit kami ng bagong kaibigan, nadagdagan tayo.

Simula noon ay lagi na tayong magkasamang pat, lagi siyang napunta sa bahay namin at Carlos pala ang kanyang pangalan. Sa bawat punta niya sa bahay ay nakilala natin lalo siya. Kahit naman pala suplado siya noong una ay mabait pa rin siya kapag kinilala mo siyang mabuti.

Kapag walang pasok, magakasama tayong apat nila Sandra. Nanunuod tayo ng paborito natin na palabas sa telebisyon, nagkukulitan at kung ano-ano pa ang ating ginagawa. Madalas ay pinagluluto pa nga tayo ni nanay ng paborito nating meryenda. Sobrang saya lang ng bawat oras na kasama ko kayo, syempre masaya din na kasama kita mahal kong Leonardo.

Dahil nga lagi ko na kayong kasama noon ay naki-usap muna si tatay na kung pwede ay siya muna ang makasama ko sa araw-araw na pasok ko sa eskwela. Hatid sundo niya ako simula noong umuwi na siya sa amin ni nanay. Masasabi kong bumawi talaga siya sa amin at dahil doon ay sobrang saya ko naman. Sinabihan din niya kayo na saka niyo muna ako ligawan kapag nasa tamang panahon na tayo. Sumang-ayon naman tayo nila Carlos doon dahil ayaw natin na masira ang tiwala nila sa atin. Saka makakapaghintay aman kayo hindi ba? Lalo ka na mahal kong Leonardo.

Dumaan ang mga araw na naging masaya tayong lahat, mas lalo ko kayong nakilala at masasabi ko na sa sarili ko kung sino talaga ang sasagutin ko kapag dumating na ang tamang panahon. Wala nang iba iyon kundi ikaw mahal ko.

Dumaan ang ilan pang taon, kaarawan ko na at ako ay labing walong taong gulang na. Isang buwan na lang ang preparasyon para dito. Masaya ang lahat dahil ito na ang panahon kung saan haharapin ko na ang pagiging ganap na dalaga. Masaya din ako dahil doon pero mas masaya ako dahil ngayon ko na balak sabihin sa iyo na ikaw ang mahal ko. Sana ganoon rin ikaw sa akin.

Dumaan ang mga taon at as nakilala ko pa si Carlos, mabuti siyang tao at kung tutuusin nga kapag kasama ko siya ay pakiramdam ko kasama ko din si Sandra. Parehas silang madaming kwento, kaya panigurado ako na bagay naman sila sa isa't isa. Ngunit paano naman iyon? Alam ko naman sa sarili ko na may gusto nga pala sa iyo si Sandra. Kahit gusto ko siyang pigilan na huwag kang mahalin dahil alam ko sa sarili ko na mahal kita ay hinding-hindi ko iyon magagawa.

Paano ko nga ba sasabihin sa iyo na mahal kita? Paano ko nga ba sasabihin na ikaw ang tinitibok ng puso ko sinta? Hindi ko na alam kung nararapat ko pang sabihin dahil alam ko na sa huli ay masasaktan akong tao at iyon ay si Sandra. Ayaw ko naman lagyan ng lamat ang aming pagkakaibigan. Paano na?

Dumating na ang tamang panahon, iyon na ang araw na sasabihin ko sa iyo kung gaano kita kamahal, Leonardo. Alam mo bang matagal kong inipon ang mga salitang gusto kong sabihin sa iyo? Mahal ko, sana iyon ay tanggap mo. Sana sabihin mo sa harapan ko na mahal mo rin ako dahil labis akong masasaktan kung hindi iyon ang maririnig ko sa iyo.

Nagsimula na ang pagtitipon, lahat sila ay magaganda ang suot pero syempre, ako ang pinakamaganda noong gabing iyon. Mahal ko, sana nagustuhan mo ang suot kong iyon. Nagsimula na ang labing walong rosas, sinayaw ako ng mga pinsan at tiyuhin ko. Alam mo ba na sabi ko kay Sandra, dahil siya ang nag-aayos ng lahat para sa kaarawan ko ay sinabi ko sakanya na ikaw ang gusto kong pang labing-pitong sayaw ko. Nagulat na lang ako dahil nagkapalit kayo ng pwesto ni Carlos, mahal ko pasensya ka na dahil hindi ko na nagawan ng paraan para mabago ko pa iyon. Sana huwag mong isipin na siya ang pinili ko sa inyong dalawa at hindi ikaw dahil simula bata pa lamang ay buo na ang puso at aking isipan na ikaw ang aking mahal.

Natapos na ang seremonya, nagsi-uwian na ang mga bisita ko. Tayo na lang nina Sandra ang naiwan. Ang daya-daya mo naman kasi, bakit wala ka man lang regalo sa akin? Sa lahat ng regalo na natanggap ko, alam mo ba na iyong sa iyo ang pinakahihintay kong makita? Bakit naman kung kailan iyon ay ang aking inaasahan ay iyon naman ang wala?

Dahil nakita ako ni Carlos na malungkot ay minabuti na lamang niya na dalhin ako sa isang lugar kung saan marami ang mga bulaklak. Napangiti naman ako dahil doon, kahit konti ay napawi noon ang lungkot sa mga labi ko. Alam nga pala ni Carlos na mahilig ako sa mga bulaklak, naupo kami sa nakita naming upuan doon.

Tahimik lang kaming dalawa ni Carlos doon, nakatingin lang ako sa mga bulaklak habang nakangiti. Sobrang ganda talaga nilang tingnan lalo na sa malapitan mahal kong Leonardo. Sayang lang dahil hindi kita kasama noong mga panahong iyon, hindi mo tuloy nakita ang ganda ng paligid.

Nagulat na lang ako noong biglang nagsalita sa akin si Carlos, tinnaong niya ako kung pwede na ba daw maging kami. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sagot sa tanong niya dahil ayaw ko naman siyang saktan eh. Ngunit mas lalo namang masakit kung hindi ako magpapakatotoo sa sarili ko hindi ba? Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko siya sakanyang noo, pinagtapat ko noon sakanya na ikaw ang mahal ko at hindi na iyon kailan pa magbabago.


Para Kay Leonardo (Completed)Where stories live. Discover now