Kabanata 2

227 9 1
                                    

  Naniniwala ako, nagkatotoo ang lahat ng pinagsdasal ng mga magulang natin, para sa atin. Apat na taon tayo noon, ganoon pa rin, sabay tayong nagdidiwang ng kaarawan natin, kung minsan ay napagkakamalan na nga tayong kambal dahil bukod sa sabay tayo, sabi nila dahil nga lagi tayong magkasama, madalas ay magkamukha na raw tayong dalawa. Wag ka nang aangal pa, maganda ako kaya ibigsabihin lang noon ay gwapo ka.    Nagsimula na tayong pumasok sa eskwelahan, sino pa nga ba ang katabi ko sa upuan. Siyempre, wala nang iba kundi ikaw lamang. Tandang tanda ko pa noon, unang araw natin bilang mga estusdyante, iyak raw ako ng iyak sapagkat ayaw kong mawala sa paningin ko ang mga magulang ko. Habang ikaw naman ay  sayang-saya sa mga nakikita kong laruan sa paligid mo. Hindi mo na raw naalintana na wala na pala ang mga magulang mo sa paligid. 

Natatandaan mo pa ba, unang araw din natin sa eskwelahan noon pero umiyak ka nanaman noong nasa canteen tayo. Natatandaan mo ba kung bakit? Inagaw kasi noong kaklase nating si Sandra ang binili kong pagkain, agad-agad naman siyang pinagsabihan noong guro natin para ibalik sa'yo angaking  pagkain ngunit nakagatan na niya ito at nasipsip na rin niya ang inumin na dapat ay sa akin rin.  Nakita iyon ng mga magulang ko pero hindi na lamang nila ito pinalaki. Para sa kanila ay away bata lang naman iyon, hindi na dapat pang patulan. Binili na lang nila ako ulit ng bago at nakita mo ang saya sa mga mata ko noong oras na iyon. Walang mapaglagyan ang ngiti ko, sa sobrang saya ko ay inalok pa kita ng pagkain ko. Humindi ka at itinuro ko na may baon naman ikaw, sumimangot ang mukha ko, wala kang nagawa kundi kumuha na lang at tanggapin ang alok ko.

Pagkauwi natin, agad tayong nagpalit ng damit. Lumabas agad tayo at naglaro sa may bakuran. Animo'y hindi napagod sa eskwelahan, pinapatulog nga tayo ng magulang natin noon pero umiyak tayong dalawa, wala silang nagawa kundi payagan na lang tayo para tumahan na lang sa pag-iyak. Kasabwat nga kita sa lahat ng bagay. Pati sa kalokohan ay sinasamahan mo ako. Takbo tayo ng takbo, walang kapaguran. Hanggang nadapa  ako sa isang bato, dumugo ang tuhod ko Agad kang pumunta sa bahay namin upang humingi ng tulong sa magulang mo. Pinagsabihan nila tayo huwag na raw maglaro sa bakuran, kung gusting maglaro ay sa loob ng bahay na lang.

Pumasok ako sa bahay namin habang naiyak, ginamot ng tatay ko ang aking sugat sa tuhod. Pinagalitan nila ako dahil hindi raw tayo nag-iingat, iningatan mo naman ako hindi ba? Sadyang ako lang itong makulit at ayaw kong magpapigil kaya lagi tayong napapamahamak sa mga lugar kung saan tayo napunta. Pasensya ka na mahal ko, gulo lagi ang dulot ko sa iyo. Sa sobrang gusto ko na magawa ang mga bagay, lagi kitang nadadamay sa gulo.

Dumaan ang ilang linggo at ayos na ang sugat ko sa aking tuhod. kaarawan ng lolo ko kaya naman abala sila na mag-ayos ng mga gamit at magluto ng iba't ibang pagkain. Animo'y piyesta nanaman dito sa amin. 

Niyaya kitang lumabas ng bahay papunta sa ating kapitbahay na sina Aling Brenda at Mang Bruno. Pinaupo nila tayo at pinakain. Walang anak sina Aling Brenda at at Mang Bruno, kaya ganoon na lang ang pagkasabik nila sa tuwing makikita nila tayong dalawa.

Pagkatapos nating kumain, pinaupo nila tayo sa sala at sinabing manatili muna tayo roon dahil meron pa silang aasikasuhin.   Hindi ako mapakali, lumabas ako ng bahay nila Aling Brenda at Mang Bruno. May alaga silang aso, takbo tayo ng takbo kaya sinundan tayo ng aso. Ako dapat ang kakagatin nito ngunit hinarangan mo kaya naman ikaw ang kinagat noong aso. Mahal ko, pasensya ka na. Napahamak ka nanaman dahil sa akin, hindi ko na alam kung paano pa ako magpapasalamat sa dami ng nagawa mo na para sa akin.

Isinugod ka sa ospital mahal ko. iyak ako ng iyak noon dahil akala ko ay mawawala ka na sa akin. Ayaw ko namang mangyari iyon dahil pangako ko sa sarili ko na tatanda pa tayo na magkasama hindi ba? Hindi ko pati kakayanin kapag nawala ka sa akin, ikaw ang kasama ko sa lahat kaya mahirap kapag hindi na kita makakasama. Sinisisi ko ang sarili ko, kung hindi ako naging makulit noon ay hindi ka sana mapapahamak.

Maaayos rin daw ang lahat sabi ng nanay ko sa akin, pero hindi pa rin ako mapakali sa pwesto ko. Binantayan lang kita sa ospital, hawak-hawak ko ang iyong kamay habang nahikbi ako. Sabi ko sa mga magulang ko noon ay hindi ako uuwi hangga't hindi kita nakikitang magaling na. Pinagbigyan naman nila ako at pumunta agad ako sa silid mo sa ospital, naiiyak ka sa sakit noong kagat ng aso pero naiyak din ako kasi nalagay nanaman sa piligro ang buhay nating dalawa dahil sa kagustuhan kong maglaro. Ang kulit-kulit ko talaga noon at wala akong pinapakinggan kaya naman lagi tayong nasa piligro.

Pagkalipas ng mga araw, bumalik ang sigla sa aking mga mata dahil nalaman ko na babalik ka na raw sa atin. Noong nakauwi ka na, agad akong pumunta sa bahay niyo at dala-dala ko ang ilang papel at krayola ko. Itinuro ko sa iyo ang mga bagay na natutunan ko habang wala ka sa eskwela. Alam mo ba noong lumiban ka sa eskwel ay parang nawalan ako ng ganang pumasok? Para bang sinasabi ng utak ko na kulang ako kapag wala ka sa tabi ko. Hayaan mo mahal ko, susubukan kong tulungan kang ibalik ang sigla ng katawan mo.



Para Kay Leonardo (Completed)Where stories live. Discover now