Kabanata 11

93 8 0
                                    

Noong una ay ayaw mo pang sabihin sa akin ang katotohanan na anak mo ang dala-dala noong babaeng iyon pero ang hindi mo alam na sinabi na sa akin iyon ng nanay mo noon pa man lang. Dahil nga lagi na siyang nasa bahay ninyo noon ay agad na kitang tinanong kung bakit doon na siya nakatira sa inyo. Hindi ko sinabi agad na alam ko na noon pa ang katotohanan, gusto ko kasi na marinig mula sa iyo ang sagot, akala ko ba magiging tapat tayo para sa isa't isa? Bakit parang hindi na yata iyon ang nangyayari mahal kong Leonardo?

Masakit para sa akin ang malaman na may anak ka na sa ibang babae, para bang nagtaksil ka na sa akin noong mga panahong iyon. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para harapin ka, nasasaktan ako sa ginawa mo dahil naniniwala pa rin ako na para sa akin ka kahit hindi naman tayo. Mahal na mahal kita at kahit kailan hindi na yata iyon magbabago pa. Nagtataka naman ako kung bakit kung kailan isang taon na ang bata ay saka naman nagpakita sa atin? Hindi man lang niya naisip na imbitahan tayo sa unang kaarawan o binyag man lang noong bata.

Masakit para sa akin ang ginawa mo pero nandyan na ang bata, wala na akong magagawa at isa pa, hindi naman kasalanan noong bata iyong kasalanan niyo noong babae na iyon. Napag-alamanan ko pa na ang babae na iyon ay ang kaklase natin noong elementarya, si Sonia. Kaya naman pala pamilyar sa akin ang mukha niya sa akin.

Pinangako ko na lamang sa sarili ko noon na sasamahan kita sa baeat araw, aalagaan natin ang batang si Marco. Kung kinikailangan na maging nanay ako para sa iyong anak ay gagawin ko. Marunong naman akong mag-alaga ng mga bata dahil naturuan naman ako ng aking nanay dahil sa mga pamangkin ko.

Sinabi ko sa iyo noon na magpaka-ama ka  sa batang iyon dahil iyon ang nararapat. Alam ko naman na kaya mo iyong gampanan dahil mabait at maayos kang tao. Alam kong hindi mo naman papabayaan ang anak mo kahit sabihin pa natin na hindi mo naman talaga siya nakakasama pa dahil ngayon lang siya pinakilala sa iyo ni Sonia.

Noong nakikita ko si Sonia araw-araw sa inyo ay bumalot na ang takot sa puso ko. Paano kung sa pamamagitan noon ay yayain mo siyang magpakasal para sa bata? Paano na ang ating naudlot na pangako sa isa't isa mahal ko? Alam kong buo na ang isip mo na si Carlos na ang laman ng puso at isip ko pero doon ka nagkakamali, Leonardo. Ikaw pa rin naman ang mahal ko hanggang sa dulo.

Masaya akong makita si Marco, lagi na akong napunta sa inyo noon para sakanya. Lagi na ngang nagtataka si Sonia kung bakit ko ginagawa iyon sa anak ninyo pero hindi ko siya sinasagot. Gusto ko lang alagaan ang bata dahil pakiramdam ko ay akin siya kahit papaano. 

Noong una ay maalaga pa si Sonia sa anak niyo pero hindi naglaon ay nagbago na siya. Minsan ay inaabot na siya ng gabi kung umuwi, minsan lasing pa siya. Naisip ko noon na kung ganoong klaseng ina ang magiging ina ni Marco ay hindi magiging mabuting ehemplo para sakanya iyon. Kung sa akin lang sana binigay ng Diyos si Marco, alam ko na magiging mabuti akong ina sakanya. 

Napaisip  ako, paano na lang kung sakaling ikasal kayong dalawa ni Sonia? Paano ka na lang at iyong bata? Sana wala talaga kayong balak na magpakasal dahil kung alam mo lang mahal ko, iyon ang dudurog dito sa puso ko.

Si Sandra ay nagulat din noong nalaman niya na may anak ka na sa ibang babae, masakit din para sakanya noong una pero paunti-unti ay natanggap na niya ang lahat. Mahal na mahal ka pa rin niya kahit ganoon ang nangyari sa inyo ni Sonia, aalagaan din raw niya ang anak mo kung kinikailangan ang tulong niya. 

Hindi ko alam pero kahit nagkamali ka, tanggap ka pa rin namin Leonardo. Hindi naman ibigsabihin ng isang pagkakamali ay puro pagkakamali na ang mga susunod na gagawin niya. Sa palagay ko naman na kahit papaano, may natutunan ka sa pagkakamali mong ito mahal ko.

Masaya ako sa nalaman ko, napagdesisyunan niyo pala ni Sonia na hindi kayo magpapakasal dahil may nobyo siya malapit sakanila at kung minsan nga ay nauwi siya roon. Pinakilala lang niya talaga si Marco sa iyo at sinabi na gusto lang naman niya na makuha ng bata ang apelyido mo. Pumayag ka naman doon dahil karapatan iyon ng bata. Bahagya naman akong nakahinga dahil sa nalaman kong iyon,  kahit naman sino siguro ay ayaw mapunta ang kaibigan nila sa ganoong klaseng tao.

Pinangako ko pati sa aking sarili na ikaw ang gusto kong pakasalan, hindi pa naman huli ang lahat hindi ba? Alam mo bang gusto ko na sabihin kay Carlos na ayaw ko na magpakasal sakanya dahil aaminin na ako na ikaw ang mahal ko? Hindi ko man alam kung paano ko iyon sasabihin sakanya pero iipon muna ako ng lakas ng loob para sabihin sakanya ang lahat. 

Lagi kong naikekwento sa iyo na parati na kaming nag-aaway na dalawa at dahil iyon sa lagi kong pinupuntahan ang anak mong si Marco. Wala naman tayong ginagawang masam kaya wala siyang dapat ikaselos, alam ko naman na nirerespeto mo pa din ang relasyon namin at abala ka sa anak mo. Kung pwede lang na lumayas na lang ako dito ay gagawin ko.

Mahal ko, bakit nga ba lagi tayong pinagkakaitan na mahalin ang isa't isa? Hindi ko alam sa ngayon ang dahilan ng Diyos pero sa takdang panahon ay alam kong mapapakita rin Niya sa akin ang mga sagot sa aking mga tanong. 


Para Kay Leonardo (Completed)Where stories live. Discover now