Kabanata 4

102 7 0
                                    

Dumaan ang mga araw, pumunta ako sa bahay niyo dahil nalaman ko na aalis na pala ang tatay ko papuna sa ibang bansa para makahanap ng trabaho. Iyak ako nang iyak noon dahil ayaw kong umalis si tatay sa tabi ko pero wala na yata akong magagawa dahil buo na ang kanilang desisyon na siya ay magsasakripisyo para sa aming pamilya.

Alam ko noon na ikaw lang ang matatakbuhan ko kaya naman hindi na ako nag-isip pa na pumunta sa bahay ninyo. Paano na ang paglaki ko mahal ko? Ayaw kong mawala sa akin ang tatay ko pero ayaw ko din naman mabaon kami sa utang dahil wala siyang trabaho.  Kailangan ko rin bang magsakripisyo para sa ikakabuti ng pamilya ko?

Kinausap mo ako noon at naging malinaw sa akin ang lahat. Hindi talaga ako nagkamali na ikaw dapat ang lapitan ko, alam ko na kapag ikaw ang nagsabi ay kakalma ako at tama ka naman dahil nandyan pa rin naman kayo kahit wala na ang tatay ko sa aking tabi.

Hindi naglaon ay umalis na nga ang tatay ko papuntang ibang bansa, sinamahan niyo kami papunta sa airport. Masaya naman ako dahil hanggang doon ay hindi mo ako iniwan, para sa akin talaga ay isa kang tunay na kaibigan. Kahit ganoon ay hindi pa rin natigil ang aking mga luha sa pag-iyak tuwing naiisip ko na mawawala na si tatay at medyo matatagalan bago ko ulit siya makikita. 

Paano kung may mangyari sakanya na hindi maganda doon sa pupuntahan niya? Paano kung iwan na lang niya kami kung may mahanap siya na ibang babae doon? Iyan ang mga katanungan ko sa aking sarili noon. Para sa akin kasi ay gusto ko pa rin naman na buo kaming pamilya lalo na kapag pasko o kaarawan ko.

Gustong-gusto ko nang sumama sakanya noong mga oras na iyon, nakahawak lang ako sakanya habang hinihintay natin ang eroplano na sasakyan niya. Noong nandoon na ang eroplano na sasakyan ni tatay ay nagsimula na akong magwala kahit alam ko sa sarili ko na napakadaming taong nakapalibot sa amin. Hindi na ako nahihiya, ang mahalaga lang sa akin ay ang hindi umalis ang aking ama.

Umuwi na tayo noon sa atin, bahagya akong natigil sa pag-iyak dahil sa pag-alis ni tatay pero umiyak nanaman ako dahil nakita ko ang larawan niya sa ating sala. Umiyak na rin ang nanay ko sa aking tabi, hindi rin naman madali para sakanya ang malayo sa pinakamamahal niya pero kailangan niya ang magsakripisyo dahil mahal niya ang kanyang pamilya at ayaw niya kaming mapabayaan na lang. Naiintindihan ko naman siya pero masakit pa rin para sa akin ang mawala sa tatay. Alam ko naman na naiintindihan mo ako doon at alam ko rin na hindi mo ako iiwan lalo na sa mga gnitong pagkakataon. Maraming salamat dahil nandyan ka sa aking tabi lagi, alam ko ring nangako kay tatay na ikaw muna ang mag-aalaga sa akin habang wala pa siya sa Pilipinas.

Noong nawala si tatay, doon ko nalaman na ang pagmamahal ay may kasamang sakrispiyo. Simula noon ay wala na akong kinausap sakanila, lagi lang akong nasa kwarto at ayaw ko na ring pumasok sa eskwela. Nawala ang aking sigla, lagi lang nakasara ang pintuan ko dahil ayaw kong marinig nila ang mga hikbi ko na sobrang lakas na nakakabingi na.

Nabahala na siguro si nanay sa aking ikinikilos, malaki rin ang kasalanan ko sakanya dahil hindi ko naisip noon na nandoon pa rin pala siya para sa akin noong mga oras na iyon pero hindi ko man lang siya nabigyan ng pansin, hindi ko na siya naalagaan tulad ng pangako ko sa tatay ko. Alam ko naman na naiintindihan niya ako sa naging reaksyon ko sa pagkawala ni tatay sa tabi namin.

Siguro dahil nga sa labis na siyang nabahala ay hindi na niya natiis na hindi ka papuntahin sa bahay namin. Alam niya siguro na isa ka sa magpapakalma sa akin. ikaw ang kaibigan ko kaya alam niya na ikaw rin isa sa magpapalakas sa akin. Tama siya dahil kausap ang kailangan ko noong mga panahong iyon. Masaya naman ako dahil nandoon ka sa tabi ko, hindi mo ako binigo.

Pumasok ka sa kwarto ko, sabay tayong umiyak dahil ikwinento ko sa iyo ang lahat. Alam ko naman sa sarili ko na kahit papaano ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko sa puso ko sapagkat nasabi ko na sa iyo ang lahat. Kumalma na ako pero syempre, hindi pa rin agad mawawala ang lungkot sa puso ko.

Noong medyo maayos na ang pakiramdam ko, lumabas tayong dalawa dahil tinawag tayo ng nanay ko para makakain ng merienda. Ang saya-saya ko dahil kasama kita ngayon at makakakain ako ng paborito kong banana cue. Alam mo ba na ito ang laging pasalubong ng tatay ko noong maliit pa ako kaya naging paborito ko ito?

Sobra ang ngiti ko noong nakita ko ang banana cue, hindi ko tuloy alam kung naaawa ka pa ba sa akin dahil a pag-iyak ko o natatawa ka na lang dahil nalaman mong pagkain lang pala ang katapat sa kalungkutan kong ito. 

Pagkatapos nating kumain noon, nilabas mo ako para makapaglaro tayo. Masaya naman ako dahil sa wakas ay nakalabas na ulit ako at nakita ko na ulit ang ganda ng paligid. Pasensya ka na kung pansamantala kong nakalimutan na meron pa palang nagmamahal sa akin at walang iba iyon kundi kayo. Pangako ko na simula noon, babawasan ko na ang lungkot at iisipin ko na lang na lilipas din ang panahon. Makikita ko rin ang tatay ko at mabubuo ulit kaming pamilya tulad ng pangako niya sa amin ni nanay.



Para Kay Leonardo (Completed)Where stories live. Discover now