Kabanata 14

154 6 0
                                    

Pagkagising ko ay nandoon si Carlos at Sandra sa aking tabi. Animo ay gulat na gulat sila dahil ang pangalan mo ang aking sinigaw. Nagkatinginan silang dalawa ni Sandra pero ako ay tumahimk na lang. Akala ko talaga ay totoo na ang panaginip ko noon, masaya na sana kaso hindi pala. 

Gusto kitang hanapin noong mga panahong iyon dahil gusto na kitang kausapin at magtapat na ako sa iyo na ikaw ang totoong mahal ko at malakas na ang loob ko para ipagsigawan iyon sa mundo. Hindi na ako matatakot na baka kung anong sabihin nila bagkus ay magpapakatotoo na ako sa sarili ko dahil iyon ang nararapat. Hindi dapat kita isuko dahil kung mahal mo ang isang tao ay ipaglalaban mo siya at hindi susukuan kahit ano man ang mangyari sa buhay.

Lumabas muna noon si Sandra para makapag-usap muna raw kami ni Carlos na kami lang dalawa, sobra ang kaba ko noong mga oras na iyon. Parang may natalon sa puso ko, ni hindi ko alam ang unang mga salitang lalabas sa aking bibig. Paano ko ba sasabihin kay Carlos na ikaw Leonardo ang totoong tinitibok ng puso kong ito?

"Bakit si Leonardo ang tinawag mo imbes na ako mahal ko?" ito ang tanong na ayaw kong sagutin ngunit narinig ko iyon mula kay Carlos. Halos manigas ako sa kinauupuan ko noon habang tinatanong niya ako. Lumapit siya sa kama kung saan ako nakahiga at hinipo ang ulo ko, tinanong niya kung ayos na raw ba ang pakiramdam ko dahil nga nawalan raw ako ng malay sa pinuntahan natin. 

Walang ibang pumapasok sa isip ko noon kundi ikaw lang, gusto na kita makita at makasama. Para bang walang boses si Carlos habang nagtatanong siya sa akin. Para bang gusto ko nang tumakbo papunta sa labas para habulin ka pero hindi ko pa rin magawa.

"Ayos lang naman ako Carlos, huwag ka na mag-alala sa akin. Pasensya ka na kung pangalan ni Leonardo ang nasabi ko, nasa panaginip ko kasi siya kanina kaya ganoon na lang ang reaksyon ko pagkagising ko." iyon ang sagot ko sakanya noon at tumango naman siya sa akin bilang tugon, lalabas na  sana siya ng kwarto ko dala-dala ang basong tubig na ginamit ko kanina para uminom ng gamot ngunit agad ko siyang tinawag kaya naman bumalik siya sa kama ko at umupo ulit

"Pwede bang dito ka muna Carlos? May sasabihin kasi ako sa iyo at kailangan mo na malaman ito." iyon ang sabi ko sakanya at agad siyang ngumiti sa akin, nilapag niya ang baso ko na may tubig malapit sa kama at hinarap na niya ako, ito na ang pagkakataon ko para sabihin sakanya ang lahat, alam kong masasaktan ko siya pero mas masasaktan ko siya kapag pinatagal ko pa ang panloloko sakanya at syempre sa sarili ko na din.

"Alam mo naman na kahit ano pa iyan, makikinig ako sa iyo dahil mahal na mahal kita. Ano ba iyon, prinsesa ko? Pangako, makikinig ako sa bawat sasabihin mo." iyon ang sinambit niya habang nakangiti, hindi ko yata kayang sirain ang ngiti niyang iyon, naguguluhan na ako, Leonardo.

"Ang totoo kasi niyan, Carlos, si Leonardo ay" bigla akong natigilan dahil inisip ko ulit kung dapat ko bang sabihin ito sakanya, ngunit naisip ko rin na naumpisahan ko na ito kaya dapat ko ring tapusin. Isa pa, hindi naman siguro masamang maging totoo sa sarili kahit paminsan-minsan? Ayaw ko na rin naman siyang saktan pa.

"Ay? Ano? Ituloy mo Cristina, pangako ay hinding-hindi naman ako magagalit sa iyo" sabi niya iyon, bigla naman akong nagtaka dahil sa tono ng boses niya ay parang alam na niya ang sasabihin ko. Alam a niya kayang ikaw ang mahal ko simula pa lamang Leonardo? Ngunit paano niya naman masasabi iyon eh lagi naman kaming magkasama.

"Si Leonardo ang totoong mahal ko. Pasensya ka na kung sa tingin mo ay niloko kita at hindi agad nasabi ang totoo sa iyo. Sinubukan ko naman na mahalin ka, mahal kita Carlos pero hindi tulad ng pagmamahal ko kay Leonardo." iyon na ang lumabas sa bibig ko, nagulat na lamang ako sa mga sumunod na nangyari sa kwartong iyon, ngumiti sa akin si Carlos at niyakap lamang ako. Mukhang alam na nga niya ang sasabihin ko, ngunit paano niya kaya nalaman?

"Alam ko. Simula bata, alam ko na kayo talaga ang para sa isa't isa pero sumubok pa rin ako. Natalo ako ni Leonardo, dahil kapag kasama kita ay alam ko sa sarili kong siya naman ang laman ng puso mo.  Nagkaroon lang ako ng pag-asa noong sinabi ng magulang ko na ikakasal tayong dalawa sa takdang panahon." iyon ang sagot sa akin ni Carlos, napangiti na lamang ako at niyakap ko din siya pabalik, sobrang saya ko dahil tinanggap niya ang desisyon ko.

"Nasaan na nga ba si Leonardo, Carlos? Gusto ko sana siyang makausap ng masinsinan at gusto ko na rin masabi sakanya ang katotohanan. Pwede mo ba akong samahan sakanya?" iyon agad ang sinabi ko kay Carlos at masaya naman siyang nagsabi sa akin na handa siyang tumulong kahit sa anong paraan. Mas lalo akong naging masaya dahil sa sinabi niyang iyon, mahal kong Leonardo.

Agad-agad kaming pumunta sa bahay niyo noon, dala-dala ko ang malaking ngiti sa aking mga labi at ang katotohanan na sinsigaw ng aking puso. Papasok na sana kami ni Carlos noon sa bahay niyo pero narinig namin ang nanay mo na sinisigaw ang pangalan mo. Lumabas siya roon at tinanong namin siya kung ano ang nangyayari. 

Biglang nadurog ang puso ko noon sinabi ng nanay mo na nawawala ka raw at dala-dala mo pa si Marco. Mahal kong Leonardo, ano na ba ang nangyayari sa iyo? Saan kita hahanapin? Bakit ka nawala kung kailan aamin na ako sa iyo na ikaw ang mahal ko?

Para Kay Leonardo (Completed)Where stories live. Discover now