Kabanata 12

98 9 0
                                    

Alam kong nandyan naman para sa akin si Carlos pero iba pa rin ang saya na naidudulot sa akin kapag ikaw ang kasama ko. Ngunit alam ko rin naman sa sarili ko na sasaya ka sa iba kaya pinipilit ko na iwaglit sa isip ko na mahal kita. Minsan, sinubukan ko na rin namang tumingin sa iba, pero bumabalik pa rin talaga ako sa iyo. Ganoon nga siguro kapag totoong mahal mo ang isang tao ano? Lahat ng iisipin mo ay ang mga bagay na makakapagpasaya lamang sakanya, iyong hindi siya kailanman masasaktan. Iyong kahit ikaw na lang ang masaktan, huwag lang siya ay ayos ka na.

Bakit nga ba kahit kailan ay wala kang pinakilalang nobya mo sa amin? Maliban kay Sonia na hindi mo naman minahal, nagsimula naman ang kwento niyo dahil sa isang gabing pagkakamali mo. Natatawa na nga lang ako sa nanay mo dahil kung minsan ay napagkakamalan ka na niyang bading dahil wala ka pa ring ipinakikilala sa amin. Sa tuwing iyon ang usapan natin ay naiwas ka. Hindi ko alam kung bakit, wala namang masama kung sabihin mo sa amin kung sino ang totoo mong minamahal pero mahal kong Leonardo alam mo ba na labis akong masasaktan kapag nanggaling sa iyo na iba ang iyong mahal at hindi ako?

Nalaman ko na lang na gusto pala ng nanay mo na ikaw ay hanapan niya ng mamahalin. Todo pilit ka sakanya noon na huwag ka ng hanapan. Napa-isip naman ako kung bakit ganoon na lang ang reaksyon mo sa desisyon ng nanay mo. Iyon pala kaya ayaw mo noong hanapan ka niya ng minamahal ay dahil may mahal ka na.

Sinabi mo rin sa akin noon na ayaw mo na mag-asawa, nais mo na lang mahalin at alagaan ang iyong anak na si Marco, saludo naman ako sa desisyon mong iyon mahal ko dahil doon ko nakita na tunay kang ama sa anak mo, alam mo ba na dahil doon ay mas lalo kitang minahal, Leonardo? Si Marco na ang naging sentro ng buhay mo. Habang lumalaki siya ay nagiging kamukha mo na, sana kapag lumaki pa siya lalo ay maging ka-ugali mo rin siya, panigurado ako na kapag nangyari iyon ay marami ang magmamahal sakanya.

Dumaan ang dalawang taon, bente uno na tayo nito. Nalaman ko na lang na iniwan na kayo ni Sonia dahil may nakilala naman siyang lalaki sa internet. Ano naman kaya ang nakain ng babae na iyon at nakaya niyang gawin iyon sa anak niya? Alam mo bang iniisip ko pa lang ay hindi ko na maisip kung ano ang maganda at katanggap-tanggap na dahilan para gawin niya iyon sa inyong mag-ina. Halos ibinigay mo naman ang pangangailangan ni Marco, minsan nga inaalala mo pa ang sasabihin ni Sona bago ka pa makapagdesisyon para sa bata. Wala ka namang ginawang masama sakanya pero ito ang iginanti niya sa iyo mahal ko. Napakawalang puso ni Sonia dahil natitiis niya ang kanyang anak nang ganoon na lamang. Hayaan mo mahal ko, nandito naman ako para samahan kayong dalawa ni Marco.

Naaalala ko pa tuwing umaga ay nilalakad natin si Marco sa labas para siya ay makalanghap ng sariwang hangin doon. Ako rin ang nagtuturo sakanya kung paano magbasa at magsulat, halos akala ng lahat ay ako ang nanay niya dahil sobrang lapit namin sa isa't isa tila ba parang ayaw na naming mahiwalay sa isa't isa. Kapag nawala siguro ang abta sa aking paligid ay hahanap-hanapin ko siya dahil minahal ko na rin siya at tinurin na parang akin. Pansin mo naman siguro iyon diba? Nagseselos na nga si Carlos sa bata pero lagi kong sinasabi na huwag dahil hindi naman dapat.

Isang araw ay niyaya tayo ni Carlos na lumabas kasama syempre si Sandra. Hindi naman iyon nawawala, isa pa gusto ka niyang makita at makasama kaya kahit saan namin siya dalhin basta kasama ka ay ayos lang sakanya. Iniisip na nga rin niya noon kung bakit wala ka pa ngang ipinakikilala sa amin na nobya o nililigawan mo eh. ilang beses na siyang nag-isip kung totoo ka bang lalaki o hindi, lagi ko naman sinasabi sakanya na huwag ganoon mag-isip dahil masama ang panghuhusga sa kapwa. Hindi ba? Kahit ano pa man ang tao nararapat lang na sila ay respetuhin at mahalin ng lipunan. Tao rin naman sila na ginawa ng Diyos at pinahintulutan niyang mabuhay sa mundong ito.

Habang naglalakad kaming dalawa ni Sandra ay puro kwento lamang siya tungkol sa iyo, Leonardo. Simula noong ikaw ay hindi pa niya nagugustuhan hanggang noong nalaman niya na ikaw pala ang tinitibok ng kanyang puso. Marami siyang naikwento noon pero hindi napapansin ni Sandra na paulit-ulit naman ang kanyang kwento tungkol sa pagmamahal niya sa iyo, ganoon pa man ay ayaw ko nang sabihin pa iyon at pinapabayaan ko na lamang siya sa kanyang gusto. Ayaw ko naman na masaktan siya sa sasabihin ko.

Nakita ko kayong nag-uusap noon ni Carlos, mukhang mahalaga ang pinag-uusapan niyo noon. Hindi na nga mapinta ang mukha mo, samantalang si Carlos naman ay sobrang nakangiti habang may pinapakita siya sa iyo. Ano ba iyon mahal ko at hindi ka mapakali sa nangyayari? 

Habang pabalik kami ni Sandra kung nasaan kayo ni Carlos ay bigla naman sumakit ang ulo ko, hindi ko alam kung bakit. Marahil dahil sa dami ng tao sa ating pinuntahan. Ang huli kong nakita noon ay tinungalan niyo ako ni Carlos. Si Sandra naman ay nagmamadali na alalayan ako. 




Para Kay Leonardo (Completed)Where stories live. Discover now