Kabanata 8

85 7 0
                                    

Nagyakapan tayong dalawa, umiiyak tayo dahil sa tuwa. Sa wakas ay bati na rin tayo. Hindi naman kita matitiis, mahal kong Leonardo. Kahit kailan at kahit saan, hindi ko kayang iwan o balewalain ka lamang.   

Dumaan ang apat na taon, labing-apat na taong gulang na tayo noon. Nagbibinata ka na at nagdadalaga na ako, iyon ang oras na hindi na tayo pwedeng maglaro na tayo na lamang dalawa dahil sabi nila, lumalaki na raw tayo. Bakit ba nila tayo pinagbabawalan? Wala naman tayong ginagawang masama, nag-aaral naman tayo ng mabuti at pagkatapos ng eskwela ay nanunuod na tayo ng telebisyon, kumakain sa kusin o di kaya naman ay naglalaro tayo ng paborito nating bidyo game.

Wala naman tayong magagawa dahil iyon ang sabi sa atin ng ating mga magulang. Hindi ba lagi kong sinasabi sa iyo noon na magulang natin sila at kailangan natin silang sundin kahit hindi natin gusto. Alam naman kasi natin na para sa atin kaya nila sinasabi iyon. Alam mo ba na sabi ng nanay ko na isa ka raw sa mga dahilan kung bakit siya panatag sa araw-araw? Iyon daw ay dahil alam niyang mababantayan mo akong maigi, hindi ka tulad ng ibang bata. 

Ito na rin yata ang pinakasamasayang araw ko, bumalik na kasi galing ibang bansa si tatay. Sa wakas ay makakasama ko na siya ulit, walang mapaglagyan ang puso ko dahil sa saya na nararamdaman ko. Matagal din siyang nawala sa amin at ngayon mapapatunayan ko na kay Sonia na hindi naman talaga kami iniwan ng tatay ko. Alam kong masaya ka din para sa akin dahil ikaw rin ay hinihintay mo ang pag-uwi niya.

Nasabi na rin sa akin ni Sandra na malapit na pala iyong batang lalaki na nakabangga sa akin dati. Tanda mo pa ba iyon? Iyong naging dahilan ng pagtatampuhan natin noon. Hindi ko pa kaagad sinasabi sa iyo na alam ko na dahil iisipin mo nanaman na pinipili ko siya kaysa sa iyo, baka magtampo ka nanaman at magkulong sa kwarto.

Nagulat na lang ako na ikaw ay parang balisa sa kinauupuan mo habang ikaw ay bumibisita sa amin, agad kitang tinanong kung ano ang meron at parang hindi ka mapalagay pero umiling ka at sinabi mo sa akin na wala lang iyon kaya hindi na kita pinilit pa na magsalita.  Mahal ko, alam mo na kaya na andito ang batang lalaking iyon kaya ka nagkakaganyan?

Huwag ka mag-alala, hindi naman ako magkakagusto sakanya. Para sa akin, ikaw pa rin ang pinakagwapo sa lahat. Alam ko naman na ako ang pinakamaganda sa mata mo hindi ba? Biro lang mahal ko, naalala ko nga pala na hindi lang pala ako ang nagmamahal sa iyo noong mga panahong iyon.

Habang nag-aayos kami ng gamit ni tatay dahil nga bumalik na siya sa Pilipinas ay agad naman tayong sinalubong ni Sandra, ano naman kaya ang meron at nandito siya sa bahay? Nandyan na kaya ang lalaking iyon na kinikwento niya?

Agad siyang lumapit sa akin at ako ay binulungan, tama nga ako nandyan na ang batang lalaking pinagselosan mo noong bata pa tayo. Ano kaya ang magiging reaksyon mo ngayon na alam mo na kapitbahay na natin siya? Panigurado ako na magseeselos ka nanaman sakanya tulad ng dati. Haynaku, kung alam mo lang na noon pa lang naman ay ikaw na ang tinitibok ng puso kong ito.

Ngumiti na lamang ako para malaman ni Sandra na masaya ako sa binalita niya sa akin. Niyaya niya tayo na salubungin ang bago nating kapitbahay, syempre ayaw ko naman siyang tanggihan dahil alam ko na kapag ginawa ko iyon ay magtatampo rin siya sa akin. Lumabas na tayo at sumunod kay Sandra.

Napangiti ako dahil alam ko na may madadagdag sa ating tatlo, sana mabait siyang bata katulad natin. Sana ay hindi siya suplado dahil mahirap naman kung ganoon siya dahil malapit lang naman ang bahay natin sakanila, mahirap naman ang hindi nagpapansinan ang magkapitbahay hindi ba?

Hinihintay natin na makababa ang buong pamilya niya sa kotse nila, halatang-halata na masaya si Sandra dahil sa wakas ay madadagdag sa ating pamilya. Hindi ko naman maipinta ang mukha mo, parang ikaw ay may problema pero gusto mong hindi na lang magsalita ukol doon. Ano ba ang gumugulo sa isipan mo mahal kong Leonardo?

Akala ko ay mabait na bata siya pero nagkamali ako dahil hindi naman pala. Pumunta tayo malapit sakanya para tayo ay magpakilala. Wala naman sigurong masama doon hindi ba? Iyon naman ang lagi nating ginagawa kahit na kanino basta bago dito sa ating lugar ay binabati aga natin ng ngiti sa ating mga labi.

Pagkababa niya sa kotse ay hindi niya tayo pinansing tatlo. Para bang hangin lang tayo na dinaan lang niya, parang bula na para sakanya ay wala lang. Akala ko pa naman ay mabait siya, sayang naman. Nalungkot kaming dalawa ni Sandra, ang saya namin kanina ay nabalot ng kalungkutan.

Tumakbo na lang kami pabalik sa bahay, dahil nga hindi ako sanay sa mga ganoong tao ay napaluha na lang ako. Agad naman akong binigyan ni Sandra ng tuwalya para maipunas ko iyon sa mga luha ko.  Lumapit ka naman sa akin noong mga panahong iyon, pinangako mo sa akin na magiging maayos din ang lahat at makakausap at makikila rin natin ang batang lalaki na iyon, baka nga lang hindi noong mga panahon na iyon.

Bigla na lamang lumiwanag ang mukha ko, sobrang saya ko dahil gagawin mo ang lahat para sa akin. Alam mo naman na iilan lamang ang tao sa lugar natin at gusto ko rin naman na may makilala pang ibang bata tulad natin. Maraming salamat mahal kong Leonardo, hayaan mo hindi naman kita ipagpapalit doon sa batang lalaki na iyon dito sa puso ko.



Para Kay Leonardo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon