|| Tula 1 ||

62 8 0
                                    

My life and opinions 1
My first poem ( Tagalog )

Sa ngayon nanlulumo na ang aking mga mata
Sa kakabasa ng bawat pahina
Ngunit para naman ito sa grado
Mga pangarap ay aking matatamo.

Hindi ko na sinusubaybayan ang bawat galaw sa aking paligid
Dahil akoy nandirito't nagsasanay sa gilid
Sana'y maging matagumpay
Makakamit ng may ligaya at saya'y walang-humpay.

Ano nga ba ang aking ini-inom?
Kapeng lasang magnum.
Ito'y malaking tulong,kasabihan ng mga matatanda pati na rin ng aking ina
Mata'y hindi na pipikit, sa gabi'y gising na gising pa.

Alam kong itong aking tula
Ay hindi pang-manggaling na makata
Kadalasa'y walang sukat, walang tugma.

Ngunit alay ko ito sa aking sarili
Sariling nagpupurisigi.
Sa mga araw na hindi mapakali
Kinakailangang lakbayin bawat hakbang na tatahakin upang bituin ay unti-unting masungkit ko nang walang sakit.

Utak ko'y biyaya
Maraming salamat sa May lumikha
Bawat sandali'y pinagpapala.
Kaalaman koy ibinabahagi ko na.

Kaalaman koy ibinabahagi ko na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
StarbornWhere stories live. Discover now