CHAPTER SEVEN: The Higher Castellan

127K 3.4K 1.8K
                                    

ERALD

THINKING THAT the dust has already settled, I decided to go back to the clubroom. Mahigit tatlong oras na rin ang lumipas kaya palagay ko, nakapag-calm down na si Charlotte.

Dapat ba akong humingi ng paumanhin sa kanya? I did nothing wrong earlier except tell a joke. Hindi ko inakalang seseryosohin nila. At saka kundi dahil sa 'kin — kahit na peke ang bomba — posibleng nasa kabilang buhay na kami.

Teka, teka. Bakit ba ine-entertain ng isip ko ang gano'ng posibilidad? Dapat nga, wala akong pakialam sa kung ano ang sasabihin o mararamdaman nila sa 'kin. I wasn't born to get their approval.

As usual, walang masyadong dumaraan sa hallway ng third floor, lalo na sa bandang dulo. Huminga muna ako nang malalim bago kumatok at pihitin ang doorknob.

Pagpasok ko sa aming opisina, bumungad sa 'kin ang nakangiting club president. She was writing down something in her notebook while occasionally glancing at her digital camera.

Aba, parang walang nangyari kanina, ah. Back to normal na ba ang lahat?

"He-Hello," nauutal kong bati na sinamahan ko pa ng tinatamad na kaway.

"Hi, Erald! Where have you been?" May tono ng pag-aalala sa tanong niya. Ni hindi ko maramdaman na sarcastic ang kanyang pagkakasabi, parang natural talaga. "Kanina pa kita hinihintay. I thought you got involved in an accident."

Umupo ako sa monobloc chair na nakapuwesto sa tapat niya. I expected that she would greet me by swinging her camera at my face. Nagpapanggap ba siyang okay na ang lahat?

"By the way, hiniram mo ba ang camera ko? You have photos here habang may pinaglalaruan kang kahon."

Ipinakita niya sa akin ang isang litrato kung saan sinusuri ko ang bomba kanina. Hindi niya ba matandaan na hindi isang ordinaryong kahon ang kinakalikot ko? How long would she pretend that nothing happened?

"And I have search history about Morse code in my phone." Sunod niyang ipinakita sa 'kin ang Google page ng Morse code alphabet. "Did you also borrow my phone? Oh, what happened to your face? Bakit namumula? Are you okay? Did someone hit you or something?"

Napatulala ako sa inosenteng mukha ni Charlotte na may halong pagkabahala. At first, I thought she was faking her concern on me and she would pull a prank. Instead, her hand gently caressed my cheek. I flinched the moment she touched me.

Hindi ako makapaniwala sa nakita at narinig ko. Anong nangyayari? Bakit parang wala siyang natatandaan tungkol sa insidente? Teka, baka niloloko na naman niya ako at nagpapanggap lang siyang walang naaalala?

But that would be too much. Kung galit siya sa 'kin, imposibleng magawa niyang magbiro ng ganito.

"Ma-Madam President, talaga bang hindi mo alam kung sino ang kumuha ng picture na 'yan o kaya 'yung nag-search sa Google gamit ang phone mo? Pati ang taong naglagay ng pulang markang ito sa mukha ko?"

Tumingin siya sa kisame at idinampi ang hintuturo sa kanyang labi, tila napaisip sa sinabi ko. She looked cuter on that pose. "All I can remember is that I gave you canned tomato juice for our trick. Nakatulog yata ako rito sa office kaya na-miss ko ang club fair. I was looking for you earlier para itanong kung anong nangyari. May na-recruit ba tayong new members?"

Nakita ko sa kanyang mga mata na walang halong pagsisinungaling o pagkukunwari ang mga sinabi niya. Kung gano'n, talaga ngang nakalimutan niya ang nangyari kanina. Either that or she knew how to act well.

What's wrong with her?

TOK! TOK! TOK!

We were in the middle of a serious scenario when someone interrupted. Muntikan na akong napatalon sa gulat nang marinig ang pagkatok sa pinto.

The Enigma of EraldWhere stories live. Discover now