CHAPTER THIRTEEN: An Unusual Request

62.3K 2.2K 669
                                    

ERALD

NAPAKABIHIRANG PAGKAKATAON na sabay kaming mag-almusal ni Madeleine bago kami pumasok sa school. Lagi kasi siyang kumakain ng breakfast sa school canteen. One perk of being a student council officer was the free meal. Kapag umaalis siya nang maaga, malamang ay ina-avail niya ang gano'ng privilege.

For this morning, naghain ang housekeeper namin ng French toast na may kasamang slices ng mangga. Ako na mismo ang nagtimpla ng sarili kong kape. Hindi kasi minsan nakukuha ng kasambahay namin ang timplang gusto ko.

Tahimik kaming kumain na tila mga estrangherong magka-share sa iisang mesa. So sobrang arte, ginamitan niya ng kutsilyo at tinidor ang paghiwa sa tinapay habang ako nama'y kinakain ang toast nang nakakamay. She could eat the bread the way normal people do. Walang ibang tao sa paligid namin kaya bakit pa siya magiging conscious?

The only time that Maddie and I exchanged pleasantries is when our dad joins us at breakfast. Ilang araw siyang nasa Cebu ngayon para sa isang conference ng mga doktor sa buong Pilipinas. At dahil hindi namin siya kasamang kumakain, wala kaming pakialamanan ng ate ko. Wala rin akong interes na malaman kung kumusta na siya sa pagiging student council officer o kung may lalaking nagkamaling pumorma sa kanya.

"I have read this week's issue of Clark Clarion," she spoke after drinking her orange juice. "Your club seems to be getting attention nowadays."

Muntik ko nang maibuga kay Maddie ang mainit na kapeng iniinom ko. May mahiwagang ingredient bang inilagay ang housekeeper sa kinakain naming French toast kaya naisipan ng ate ko na mag-start ng conversation? Napaka-unusual ng ganitong pangyayari sa umaga.

"Kung sasabihin mong dapat akong magpasalamat sa 'yo, huwag mo nang subukan." Pinunasan ko ang aking bibig at kumagat sa paubos kong tinapay. "Kung may dapat akong pasalamatan, 'yon ay ang sarili ko."

Marahan niyang binitawan ang mga kubyertos sa plato at muling uminom ng juice. "Bilib na bilib ka rin sa sarili mo, 'no? Iniisip mo bang kundi dahil sa 'yo, mananatili pa rin sa anino ang QED Club?"

"Parang gano'n na nga," tumango ako bago inubos ang aking kape. If it weren't for my genius, the legacy of our club would have been keep in the dark. I deserve some credit, don't I?

"Sige nga, patunayan mo sa akin na ikaw ang trump card ng inyong club," hamon ni Maddie sabay punas sa kanyang bibig. "Meron akong challenge sa inyo."

Challenge? Napataas ang kilay ko habang pinagmamasdan ang ngiti sa kanyang labi. "'Yon ba ang dahilan kaya sinabayan mo akong mag-almusal? Dahil may gusto kang ipagawa sa akin? At please, huwag mo nang gamiting excuse na gusto mo akong i-challenge. Only a fool would fall for that cheap trick. And I am no fool."

Lalo pang lumawak ang ngiti sa kanyang mukha na lalo pang nakainis sa akin. "Oh... So you can now read between the lines, huh? That's good. Bagay na bagay nga sa iyo ang sumali sa club. But let's put your skills to the test, shall we?"

"Huwag mo na akong bolahin. At huwag kang umasang susunod ako na parang aso sa gusto mong ipagawa," pabalang kong tugon bago ako tumayo. Ang akala niya siguro'y mauutakan niya ako. But no, mali siya ng taong inuuto.

"If you grant my request, I will owe you and your club a favor."

Saktong paliko na ako sa hagdan nang marinig ko ang pahabol na hirit niya. Dahan-dahan akong lumingon at tinitigan siya ng mga naningkit kong mata. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

Maintaining her irritating smile, Maddie nodded. "Yes, as long as I can do it. Kung kailangan n'yo ng extra budget sa club, I can persuade the treasurer to have that request approved. Kung gusto n'yo ng bagong clubroom, I can give it to you in the snap of a finger. Don't underestimate my power as the secretary."

The Enigma of EraldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon