Prologue

6.2K 111 7
                                    

PATAKBONG nagpunta si Chiya sa nag-iisang bakanteng mesa na nakita niya pagpasok nila ni Lychee sa McDo. Iyon na lang kasi ang pinakamalapit na kainan mula sa pinuntahan nila ng kaibigan niya.

"Lychee, ikaw na ang um-order. I'm tired," paglalambing niya rito. Napagod siya dahil galing siya sa factory ng C&P – ang shoe line na pag-aari ng pamilya niya.

Ipinaikot nito ang mga mata nito. "Okay, sige. Magpahinga ka muna d'yan."

Minamasahe niya ang nananakit niyang mga balikat nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Nang lumingon siya sa katabing mesa niya sa bandang kaliwa, nagulat pa siya nang isang guwapong mukha ang sumalubong sa kanya.

To say the boy was handsome was an understatement. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay isang anghel ang kaharap niya. Those were the most gentles eyes she had ever looked at in her entire life. Napakaamo ng mukha nito. Napakaputi rin nito na para bang bampira ito.

Hmm... an angelic face with the charisma of a vampire. I like hi –

Bigla siyang nag-iwas ng tingin sa binata. Bakit bigla niyang naisip 'yon gayong iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang lalaking 'yon?

Pero may malakas na puwersang nagtutulak sa kanya para muling lingunin ang lalaki. When she turned to him again, he was no longer looking at her. Abala na ito sa paggising sa binatang kaharap nito.

God! He's so handsome!

Hindi niya alam kung gaano katagal niya itong tinititigan pero mayamaya lang ay muling nagtama ang mga tingin nila. He was looking at her at the side of his eyes as if he wasn't sure if he would turn to her or not.

Pakiramdam niya, natutunaw siya sa tingin nito. Parang unti-unti ring nagbabago ang tibok ng kanyang puso. Ngayon lang niya naramdaman ang gano'ng kalakas na atraskyon sa isang lalaki. Do'n pa sa lalaking nakakatitigan lang niya!

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito nang maramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi.

Pero umatake naman ang artist sa loob niya. She liked taking up pictures of beautiful people and this boy was beyond beautiful! Nakakainis lang dahil naiwan niya ang SLR niya sa kotse niya. Nilabas na lang niya ang cell phone niya na may camera.

Muli niyang nilingon ang lalaki. Nakakatawa dahil sabay silang napalingon sa isa't isa.

Hindi niya napigilan ang mapangiti dahil sa nangyari. If she couldn't turn away her gaze from him, she was hoping he felt the same. Dahil kung hindi ay hindi naman ito lilingon uli sa kanya, 'di ba?

"Kuya, puwede ba kitang kuhanan ng picture?" nakangiting tanong niya rito.

Biglang ngumiti ang lalaki. Ah, now she really believed in angels! Kung guwapo ito no'ng hindi pa ito ngumingiti, mas lalo na ngayong nakangiti ito. Bukod sa kaguwapuhan nito ay agad din niyang nagustuhan ang maganda nitong ngiti.

His smile was probably the brightest smile she had seen in her life. It melted her heart.

Kinagat ng guwapong anghel ang ibabang labi nito, pagkatapos ay nakangiting humarap ito sa kanya na tila ba binibigyan na siya ng permiso na kuhanan niya ito ng litrato.

Hindi na niya sinayang ang pagkakataon at agad niya itong kinunan ng litrato gamit ang camera ng phone niya.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti ng guwapong anghel kahit hindi na ito nakatingin sa kanya. Iba talaga ang epekto ng binata sa kanyang sistema. She was having the urge to scream just for the heck of it. Hindi rin niya masaway ang puso niyang mabilis at malakas na ang tibok. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakagano'n pero isa lang ang sigurado niya.

I love his smile.

At kinikilig siya. Patunay do'n ang di magkandamayaw na paglipad ng mga "paru-paro" sa kanyang tiyan.

"Chiya!"

Napapiksi siya nang marinig ang pagtawag sa kanyang iyon ni Lychee. Nakangiwing hinarap niya ito dahil tiyak na sesermunan na naman siya nito. "Hi, Lychee."

Pinandilatan siya nito ng mga mata. "Umalis na tayo rito. Buti na lang at naisipan kong i-take out na lang 'tong pagkain natin."

Sinimangutan niya ito. "Ang KJ mo talaga."

Mabibigat ang mga paa na sumunod siya kay Lychee. Pero bago pa siya tuluyang lumabas ay muli niyang sinulyapan ang guwapo niyang anghel. Habang tinutunaw niya ito ng tingin ay nag-chant siya ng "spell" sa kanyang isipan.

Lumingon ka. Lumingon ka. Lumingon ka. Please!

Mukhang epektibo nga ang "law of attraction" kaya lumingon nga sa kanya ang guwapo niyang anghel! She smiled at him. And when he smiled back at her, her heart screamed "I love you!"

Malungkot na ngumiti si Chiya matapos sariwain ang ala-alang iyon ngayong pinagmamasdan niya ang binata na tahimik na nakatayo sa harap ng puntod ng ama nito. The pain in his eyes was heartbreaking she felt her own tears falling. Pumikit siya at nag-alay ng taimtim na dasal para sa ama nito.

That boy was PeeCee – the same boy she met at McDo one year ago. Totoong hiniling niya na sana ay muli silang magkita, pero hindi niya inaasahan na sa libing pa ng ama nito. Nagkataon din kasing si PeeCee din ang stepbrother ng best friend niyang si Jaycee. Hindi naman kasi palakuwento si Jaycee at ayaw nitong pinag-uusapan ang bago nitong pamilya kaya ngayon lang niya nakilala si PeeCee.

Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya ay nagmulat siya ng mga mata. She saw PeeCee looking intently at her. Nginitian niya ito. Napansin niyang nangislap ang mga mata nito kasabay ng pagguhit ng magandang ngiti sa mga labi nito.

And that was it. A meeting by chance, an unexpected reunion and one beautiful smile changed the beat of her heart.

My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon