8th Chapter

1.5K 52 1
                                    

MULA SA lens ng hawak niyang camera ay kitang-kita ni Chiya ang kaguwapuhan ni PeeCee. Nakaupo siya no'n sa gitnang baitang ng grand staircase ng mansiyon nila kung saan ginaganap ang photo shoot. Hindi sa pagmamayabang pero mala-palasyo ang bahay nila kaya tamang-tama ang lokasyon na 'yon.

Simpleng itim na jacket na may puting T-shirt sa ilalim, pantalon na butas-butas sa bandang tuhod at ang sneakers na siya mismo ang nagdisenyo ang suot ni PeeCee.

Bumaba ang camera niya sa sneakers na suot ng binata. Kulay gray iyon at itim naman ang lace. Sa gilid ay nakatatak ang mga letrang: C&P na siya ring logo niyon. Sa kabilang pares naman ng sapatos ay may nakaguhit na pulang apoy.

Napangiti siya nang ang mga sapatos na kinukuhanan niya ng mga litrato ay nasa harapan na niya ngayon.

"Chiya."

Nakangiting nag-angat siya ng tingin kay PeeCee. "Hello, handsome."

Ngumiti lang ito, saka umupo sa tabi niya. "Pasensya ka na kung nahuli ako ng dating. Kinailangan ko lang bantayan 'yong bunso namin."

"Okay lang, PeeCee. Ang mahalaga, nandito ka na. Nasaan na nga pala si Jaycee?"

Kaninang umaga ay si Jaycee ang kasama niya sa photoshoot. Taliwas sa kaswal na suot ni PeeCee ngayon ay naka-formal suit si Jaycee na ipinares sa suot nitong Oxford shoes.

He looked so dashing. Terno ang ayos ni Jaycee sa suot niya ngayong baby blue tube dress and stilleto shoes.

Pero siyempre, bagay din kami ni PeeCee ng buhay ko.

"Siya muna ang nagbantay sa kapatid namin," kaswal na sagot ni PeeCee.

Nilingon niya ito. Maaliwalas na maaliwalas na ang mukha nito. "Himala yata at hindi ka na nagseselos kay Jaycee. Dati, banggitin ko lang ang pangalan niya, nakakunot na 'yang noo mo."

Ngumiti ito. "Wala naman akong dapat ipagselos, 'di ba?"

Tumango siya. "Wala talaga."

Lumingon siya sa paligid. Sila na lamang ni PeeCee ang naiwan sa sala dahil nasa kusina ang lahat ng crew ng photo shoot na 'yon para mag-merienda. Naroon din ang ina niya na marahil ay kausap na naman ang photographer. Gusto kasi ng mommy niya na perpekto ang lahat ng litrato niya kasama sina PeeCee at Jaycee.

Nang masigurong walang ibang taong naroon ng mga sandaling iyon ay pasimpleng umusad siya palapit kay PeeCee. Nagulat pa siya nang sabay silang kumilos. Ibig sabihin, sumiksik din ito sa kanya para lalo silang magkadikit.

PeeCee smiled and put an arm around her shoulders, then, he pulled her closer to him. "I missed you, Chiya," malambing na sabi nito.

Inihilig niya ang ulo niya sa dibdib nito. Kinikilig na naman siya. "Na-miss din kita. Date naman tayo, PeeCee."

Ngumiti ito. "Na-plano ko na kung saan tayo pupunta sa susunod."

Tiningala niya ito. "Talaga? Saan?"

Ngumiti ito saka masuyong pinisil ang kanyang baba. "Secret muna."

She giggled. "Na-excite tuloy lalo ako." Inipit niya ang buhok niya sa likod ng kanyag tainga. No'n niya naalala na nakakulot ang dulo ng mahaba niyang buhok. Napaisip siya. "Teka lang, PeeCee. Wala ka man lang bang sasabihin ngayong iba ang ayos ko ngayon?"

Ngumiti ito na tila nang-aakit. Pagkatapos ay bumulong ito sa kanyang tainga. "You always look beautiful, Chiya. Hindi ko na kailangang sabihin 'yon dahil ke nakaayos ka man o hindi, ikaw pa rin ang pinakamaganda para sa'kin."

Itinakip niya ang mga kamay niya sa mukha niya dahil tiyak na magba-blush siya. Bukod sa kinilig siya, may mainit na bagay din na humaplos sa puso niya. "PeeCee..."

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang tumunog ang cell phone ni PeeCee. Humiwalay siya rito para masagot nito ang tawag. Narinig niyang binanggit nito ang pangalan ni Jaycee.

"What?!" bulalas ni PeeCee.

Napalingon siya rito. Nag-alala siya nang makita ang takot sa mga mata ni PeeCee matapos nitong makipag-usap. Tumayo ito kaya napatayo na rin siya. "Anong problema, PeeCee?"

"I need to go, Chiya. Nawawala ang kapatid kong si KC."

My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon