25th Chapter (Finale)

3.1K 96 7
                                    

ENIX HOTEL.

Kinakabahan si Chiya. Isang oras nang huli si PeeCee sa usapan nila. Ang sabi nito, pagdating nito sa hotel ay tatakas na siya. Kanina pa rin nito hindi sinasagot ang tawag niya.

"Chiya."

Nagulat siya nang nakita niya si Jaycee na nakatuntong sa improvised stage sa gitna ng events hall kung saan kasalukuyang ginaganap ang anniversary party ng Fuentenella Corporation. Tumigil ang nakakaindak na musika at tumutok ang lahat ng spotlight sa binata. Maging ang mga bisita ay dito na nakatuon ang atensyon ngayon.

"We've been together since we were kids. I guess everyone already knew how I feel for you. I love you," pagtatapat ni Jaycee sa sinserong boses. "And because I love you, even though every fiber of my being ached to be with you, ayokong ipilit ang sarili ko sa'yo. Naisip ko kasi ang nangyari sa daddy ko. Ayokong matulad sa kanya. At lalong ayokong matulad ka kay mommy – ang makulong sa isang lalaking hindi mo mahal. Kaya ngayon, sa huling pagkakataon, gusto kong marinig ang sagot mo."

Bumaba ng entablado si Jaycee. Sinundan pa rin ito ng spotlight at nagbigay-daan naman ang mga bisita para makalapit ang binata sa kanya. Now, all the spotlights were on them. The guests who didn't know anything cheered.

Nilibot niya ang tingin niya sa mga bisita. Si Lychee na matalik niyang kaibigan at si Janis na nakababatang kapatid ni Jaycee ay pareho nang umiiyak ng tahimik. Alam ng dalawa kung ano ang isasagot niya sa binata. They probably pitied him so they were crying for him.

Tumingin siya kay Tita Julianna. Kasama nito si KC na nag-iisang inosenteng nilalang sa lugar na 'yon. Tita Julianna's eyes were full of hurt. Pero tumango ito sa kanya na tila ba sinesenyasan siyang gawin ang dapat niyang gawin.

Lumuhod si Jaycee sa harap niya at binuksan ang maliit na kaheta. "Will you marry me, Chiya?"

Mabilis at tahimik na pumatak ang mga luha niya. Sa kabila ng suot niyang damit ay yumuko pa rin siya kay Jaycee at hinalikan ito sa noo. Pagkatapos ay bumulong siya sa tapat ng tainga nito. "You'll always have a special place in my heart, Jaycee. But I can't marry you. I'm sorry. Find the girl worth your love, and when you do, don't own her like you tried to do to me. Good bye, Jaycee."

Nadurog ang puso niya nang tahimik na naglandas ang mga luha ni Jaycee, pero hindi na niya puwedeng kunsistihin ang pagiging makasarili at isip-bata nito. If breaking his heart was the only way for him to grow up, so be it.

Pagkatapos niyon ay tumakbo na siya palabas ng hotel. Dumiretso siya sa parking lot, sumakay sa kotse niya at pinaharurot iyon. Pupunta na lang siya sa lugar na sinabi ni PeeCee na pupuntahan nila pagkatapos nila sa party.

Akmang tatawagan pa lang niya si PeeCee nang tumunog ang phone niya. Pinasak niya ang earphones sa tainga niya bago sinagot ang tawag nito.

"Chiya, where are you?" tila natatarantang tanong ni PeeCee.

"May nangyari kasi sa party kaya umalis na ko ro'n. Mauuna na ko sa park kung saan tayo dapat magkikita."

"What? Go back to the hotel now, Chiya!"

Kumunot ang noo niya. "Why? Malapit na ko sa park, Jaycee. Ano bang nangyayari?"

May sinabi ito pero hindi na niya naintindihan dahil biglang namatay ang phone niya. Her phone was dead batt. Bigla na lang ay may kakaibang panlalamig siyang naramdaman at bigla ring pumasok sa isip niya ang nakangiting mukha ng kanyang ina na tila tinatawag siya.

Mommy?


***

"FUCK!" Nahampas ni PeeCee ang manibela ng kotse niya nang bigla iyong tumirik. Ilang metro na lang ang layo niya sa parke pero mas mapapabilis pa rin siya kung naka-sasakyan siya.

My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon