2nd Chapter

2.5K 67 0
                                    

PADAPANG humiga si Chiya sa mahabang sofa sa sala. It had been a long day for her. Kaunting-kaunti na lang ay matatapos na ang preparation para sa kanyang debut. Call her introvert but she hated parties, much more organizing them.

She didn't like socializing with other people, she didn't inherit her mother's elegance and her father's talent in managing a business and she was... well, she didn't know what she really wanted in life.

She almost got everything in life. Wealth, fame, family, and friends. Magtunog-mayabang man pero nabiyayaan din naman siya ng talino at ganda. Halos wala na siyang mahihiling pa. Pero siguro nga, kahit meron na ang lahat sa isang tao, may hahanapin at hahanapin pa rin ito.

Just like her. She felt a hole in her heart.

Ipipikit na sana niya ang mga mata nang may marinig siyang ingay na tila ba may nabasag na kung ano. Agad siyang napabangon at tinungo ang pinanggalingan ng ingay– sa kusina.

Nagtataka siya dahil pagdating niya ro'n ay sumalubong sa kanya ang ilang basag na piraso ng plato at ang mga magulang niya na tila... nagtatalo? Mahina ang boses ng mga ito at halatang nagpipigil lang magsigawan pero base sa nakikita niya sa mukha ng mga ito ay nag-aaway ang mga ito.

"Mom? Dad?" kunot-noong untag niya sa mga ito.

Natigilan ang kanyang mga magulang at sabay na napatingin sa kanya. Halatang nagulat ang mga ito pero mabilis rin nakabawi ang mga ito. Bumuntong-hininga ang kanyang ina habang nakapamaywang. Sinuklay naman ng ama niya ang mga daliri nito sa buhok nito.

"Yes, sweetheart?" nakangiting tanong ng kanyang ina pero napansin niyang pilit lang ang ngiti nito.

Nagpapalit-palit siya ng tingin sa kanyang mga magulang. "May problema ba kayo, Mommy? Daddy?"

Umiling ang kanyang ama. "Wala naman, anak. Itong mommy mo kasi. Sinabi ko nang 'wag nang maghugas ng pinggan pero nagpumilit pa rin. Hayan tuloy, nakabasag."

Nakahinga siya ng maluwag. Sa totoo lang, inisip niyang nag-aaway ang mga magulang niya at nagbabatuhan na ng mga kasangkapan ang mga ito. Natakot at kinabahan siya. "Akala ko, nag-aaway na kayo. Kinabahan ako ng slight," biro niya.

"Anak, ang party mo na lang ang intindihin mo. Si Jaycee ang magiging escort mo kaya behave, ha? Ayokong idamay mo sa kalokohan mo si Jaycee at ayokong mapahiya kay Julianna," sabi ng kanyang ina.

"Oh, sure, 'My. Are you sure nothing is wrong?" paniniguro niya.

Natawa lang ang mga magulang niya. Nakampante na siya no'n. Then, they kissed her goodnight. Siya naman ay dumiretso na sa kanyang kuwarto para ro'n ipagpatuloy ang naudlot niyang pagtulog sa sala kanina. Pahiga na sana siya sa kama nang mapansing nakabukas pa ang laptop niya sa ibabaw ng study table niya.

Biglang dumaan sa isip niya si PeeCee.

"Baka nag-reply na siya!"

Dali-dali niyang hinalungkat sa bag niya ang cell phone niya. Impit siyang napatili nang mabasa ang sagot nito.

All right. Let's play a game. Tingnan natin kung magkikita pa rin tayo sa labas ng university at bahay namin.

Kinuha niya ang unan niya at tinakpan niyon ang mukha niya habang tumitili siya. Hindi na rin niya napigilang ihampas sa kama ang isa niyang kamay. Kapag hindi siya tumili, tiyak na mamamatay na siya sa sobrang kilig!

Okay, fine. Siguro nga sa ibang tao ay napaka-ordinaryo lang ng mensahe na 'yon. Pero dahil kay PeeCee galing 'yon, 'yon na ang pinakamatamis na mensaheng natanggap niya.

My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon