11th Chapter

1.7K 53 1
                                    


"CHIYA, I want you to meet my mother. Mom, this is Chiya... my girl."

Napangiti si PeeCee nang namula ang buong mukha ni Chiya dahil sa sinabi niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa damuhan paharap sa puntod ng kanyang ina. May isang bungkos ng mga sariwang bulaklak sa ibabaw niyon na binili nila bago sila nagtungo sa sementeryo.

"Ito ba 'yong sinasabi mo noon na gusto mong puntahan natin?" tanong ni Chiya mayamaya matapos nilang mag-alay ng dasal sa kanyang ina.

"Oo, ito nga 'yon. Gusto kasi kitang ipakilala kay Mommy."

Napangiti ang dalaga. "I'm happy to meet your mom."

"I know she's glad to meet a very wonderful girl like you. I'll bring you to Dad's grave next time."

Hinawakan niya ang kamay ni Chiya at tiningnan ito ng diretso sa mga mata nito. "Chiya, nakita mo kung anong klase ng buhay meron ako sa bago kong pamilya ngayon. The truth is, I didn't want you to know that side of me."

Bumakas ang sakit sa mga mata nito. "Talaga bang iniisip mo na hindi kita maiintindihan?"

"Inaamin kong mali ako nang isipin ko 'yon. Pero may isang dahilan ang higit pa ro'n." Idinampi niya ang kamay nito sa pisngi niya. "I love you, Chiya. Ayokong kaawaan mo ko. Ang gusto ko, maging masaya ka kapag kasama mo ko, hindi 'yong parati mo na lang uunahin ang kapakanan ko dahil alam mo ang problema ko sa pamilya. I'm insecure, Chiya."

Matagal bago ito sumagot. Hindi niya alam kung ang diretsang pagtatapat ba niya ng pag-ibig ang dahilan nang pagkagulat nito o ang ginawa niyang pag-amin sa kahinaan niya.

"I can see that, PeeCee. Pero wala ka namang dapat ikahiya sa sarili mo. You're beautiful, smart and very gentle. You should be proud of yourself. 'Wag mong maliitin ang sarili mo dahil lang sa maraming kulang sa buhay mo ngayon. You can always work hard to get everything you want and need, but none amount of hardwork could give you self-esteem. It should come from you – from your willingness to embrace your strength and accept your weaknesses and turn them into your advantage someday. Love yourself the way I love you, PeeCee."

He almost broke into tears. Sinabi ni Chiya ang mga bagay na matagal na niyang hinihintay marinig mula sa isang tao. Sa wakas, nakatagpo rin siya ng taong makakatanggap sa buong pagkatao niya – kasama na ang kahinaan at kapintasan niya. His heart swelled.

"I'm not perfect, Chiya. Pero pinapangako ko sa'yo, I'll be the best man for you. I will work hard to become a better person, so someday, you can be proud of me," pangako niya rito.

Napahikbi ito. "Ngayon pa lang, proud na ko sa'yo. Masaya akong binahagi mo sa'kin ang mga kahinaan mo. 'Kita mo? Hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa'yo, ah. Lalo pa ngang tumaas ang respeto ko sa'yo."

He chuckled. "I'm sorry. Natakot lang ako na ayawan mo ko kapag nalaman mo ang mga kahinaan ko. Only now did I realize that no matter how tough I think I am, I'm still a child inside. 'Scared of being left alone again."

Niyakap nito ang braso niya saka inihilig ang ulo nito do'n. "Hindi kita iiwan kahit magsawa ka na sa'kin."

"Don't say that. That won't happen," saway niya rito. Bumungisngis lang ito. Dinukot niya mula sa bulsa niya ang golden pocket watch niya at pinakita iyon sa dalaga. "Look at this, Chiya. This is the pocket watch Mom gave me before she passed away."

Nangislap ang mga mata nito. "Beautiful! Pahawak naman, please?"

Inabot niya rito ang orasan. "Sayang nga lang at hindi na 'yan gumagana. Ang ganda niya, 'di ba? Ang sabi ni Mommy, sa Luna Ville daw galing 'yan. Ibinigay daw sa kanya ng isang kaibigan noong bata pa siya."

My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon