10th Chapter

1.7K 57 0
                                    

"PASENSYA ka na, Mina, kung na-delay ang photo shoot nang dahil sa mga anak ko."

"Oh, don't worry about it, Julianna. Marami pa namang oras na natitira bago i-launch ang photo magazine. Kumusta na nga pala si Paul Christian?"

"Ah, his fever has gone down. He'll be fully recovered soon."

Mapait na ngumiti si Chiya. "Really, Tita Julianna? Ang galing mo sigurong mag-alaga kaya mabilis gumaling si PeeCee. You must be one great mother," sarkastikong sabi niya.

Napansin niyang natigilan sa paghihiwa ng steak nito si Tita Julianna. Hindi naman nakahalata ang kanyang ina sa sarkastikong tono na ginamit niya. Sa gilid naman ng mga mata niya ay nakita niya si Jaycee na tinapunan siya ng masamang tingin.

Nagtungo sila ng mommy niya sa restaurant na 'yon dahil may importante raw itong sasabihin sa kanya. Pero hindi iyon natuloy dahil sa pagdating ni Tita Julianna at ni Jaycee. Tuloy ay nakasama pa nila ang mag-ina sa pagkain.

Ever since the night she saw Tita Julianna beating PeeCee, she started to hate her. Napagtanto niyang peke ang lahat ng kabutihang pinapakita nito sa kanila ng ina niya. Kung mabuti itong tao, hindi nito sasaktan si PeeCee kahit ano pa ang nagawa ng binata. Hindi siya makapaniwalang halos walong taon siyang napaniwala ni Tita Julianna na mabait ito.

Tita Julianna flashed her cold smile again. "Kahit hindi ko kadugo si Paul Christian, tunay na anak pa rin ang turing ko sa kanya."

Isang pekeng ngiti lang ang itinugon niya rito kahit ang totoo ay gustung-gusto na niya itong komprontahin dahil sa nakita niyang ginawa nito kay PeeCee. Nananatili lang siyang tahimik dahil nakiusap si PeeCee sa kanya na huwag nang palakihin ang nangyari.

Magalang na nagpaalam siya sa ina niya na gagamit lang ng CR. Sa loob ay nagtititili lang siya para maalis ang sama ng loob niya. Masakit para sa kanya na makitang sinasaktan si PeeCee ng sarili nitong pamilya, kahit pa hindi nito kadugo ang mga 'yon.

Bakit ba ngayon lang niya napansin na sa likod ng magagandang ngiti ni PeeCee ay nagkukubli ang kalungkutan? Obviously, his new family was not treating him right. It must have been hard for him to lose both of his parents and to be left alone in the hands of his wicked stepmother.

Oh, PeeCee. I promise I will never leave you.

No'n din niya nakumpirma na nahuhulog na ang loob niya kay PeeCee. Hindi dahil naaawa siya rito kundi dahil mahal niya 'to. Gano'n kasimple.

Paglabas niya ng CR ay nagulat pa siya nang makita si Jaycee na nakasandal sa pader na tila ba hinihintay siya.

"Chiya, I'll appreciate it if you'll stop being sarcastic towards my mother. Kahit may issue ako sa mommy ko, ayoko pa rin na binabastos siya lalo na sa harap ko," galit na sabi ni Jaycee.

Tumawa siya ng pagak. "Wow. Ang lakas ng loob mong sabihin 'yan. It was you, right? Ikaw ang nakawala kay KC pero hinayaan mong si PeeCee ang umako ng lahat ng kasalanan at tumanggap sa hindi makatarungang parusa ng nanay mo. I'll appreciate it if you'll stop being cruel towards your stepbrother," mataray na panggagaya niya sa linya nito bago ito nilagpasan.

Naiirita talaga siya sa mag-inang Tita Julianna at Jaycee. Both of them were very cruel!


***

"I'M SORRY."

Nanatiling nakasimangot si Chiya at nagpanggap na hindi naririnig si Jaycee.

Bigla na lang kasi itong dumating sa bahay nila kanina at nagprisintang ihatid siya sa West Bridge University. Nakulitan siya rito kaya pumayag na rin siya.

My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon