4th Chapter

1.8K 66 1
                                    

GUSTO nang mamatay ni Chiya sa sobrang kahihiyan. Sa kadaldalan niya ay nasabi niya kay PeeCee na gusto niya ito. Siguro ay na-turn off na ito sa kanya. Hindi na niya hinintay ang reaksyon nito dahil baka sabihin nitong ayaw nito sa babaeng tulad niya na walang kahihiyan.

Narinig niyang bumuntong-hininga si Lychee matapos niyang ikuwento rito ang nangyari. "Chiya, totoo ang nararamdaman mo para kay PeeCee kaya 'wag mo 'yong ikahiya."

Niyakap niya ito. "Sabi ko na nga ba at kaibigan kita!"

Nagkatawanan na lang silang magkaibigan. Kahit pa'no ay gumaang na ang loob niya. Palabas na sila ng building nila nang mapansin nilang nagkukumpulan ang mga estudyante sa exit. Hindi tuloy sila makalabas.

"Chiya!"

Nalingunan niya si Zul-chan, ang kaklase nila. Half-Japanese ito. "O, anong meron, Zul-chan?"

Himbis na sumagot ay hinila lang siya nito. Nakipagsiksikan sila sa dagat ng mga estudyante at nang makalagpas na sila sa mga ito, isang guwapong anghel ang sumalubong sa kanya – si PeeCee! Napansin din niya na nakapaligid ang halos lahat ng estudyante sa binata.

Mukhang hindi pa siya nakikita ni PeeCee dahil hindi ito nakatingin sa kanya. Mukhang hinihingal ito. Mayamaya ay humugot ito ng malalim na hininga.

Hala! Anong nangyayari?

"I like you, Chiya!" malakas na sigaw ni PeeCee na sumagot sa katanungan sa isip niya.

Nagulantang ang isip at puso niya sa sinabi nito. Minsan nang nasabi ni PeeCee na gusto siya nito pero ngayon lang nito ipinagsigawan 'yon. Sa harap pa ng buong unibersidad!

"Kanina pa sinisigaw ni PeeCee na gusto ka niya," kinikilig na sabi ni Zul-chan.

"OMG!" bulalas na lamang niya.

"I really, really, really like you, Chiya!" sigaw uli ni PeeCee pero sa pagkakataong iyon ay nakatingin na ito sa kanya.

Impit na nagtilian ang mga babae sa paligid na halatang kinikilig kay PeeCee. Siya man ay kinilig din. Hindi na niya napigilan ang sarili niyang lumapit dito. Lalong nagtilian ang mga estudyante sa paligid.

Hinawakan niya sa kamay si PeeCee at hinila ito palayo. Nasa labas na sila ng unibersidad nang sa wakas ay makatakas sila mula sa panunukso ng mga kaeskwela nila.

"PeeCee, bakit mo ginawa 'yon? Kapag nakarating 'to sa dean niyo, baka ma-reprimand ka. Kahit ga'no mo pa ko kagusto, hindi na kailangang malaman ng lahat 'yon," natatarantang sabi niya.

"I don't care. I really like you, Chiya. Gusto ko sanang sabihin sa'yo 'yon no'ng nakaraang gabi pero tinakbuhan mo ko. Hindi rin kita makita dito sa school. Pinagtataguan mo ba ko?"

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito. "Oo. Nahihiya kasi ako sa'yo. Iniisip ko rin ngayon na kaya mo lang ginawa 'yon ay dahil sinabi kong gusto kita at para hindi ako mapahiya sa ibang tao."

Kumunot ang noo nito, halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya. "Kung gano'n akong tipo ng lalaki, eh di sana madami na kong girlfriends ngayon."

Napangiti siya dahil nakuha niya ang implikasyon ng mga sinabi nito. "'Yabang."

Napangiti na rin ito. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya at pinisil 'yon. "I like you," he said sincerely, his eyes filled with so much adoration.

Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang sariling tumili. Finally! PeeCee and her confessed to each other! She felt like their love story was being sewn beautifully by fairies and alike.

My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon