24th Chapter

1.9K 50 1
                                    

"BABY, where are you?" malambing na tanong ni PeeCee kay Chiya habang kausap niya ito sa cell phone.

"Nandito pa ko sa opisina. But I'll be at Eura's boutique later. Isusukat ko kasi ang gown na gagamitin ko para sa company anniversary next week. Na-miss mo ko?"

Natawa siya. "Hindi kita nami-miss."

"What?!"

Kinagat niya ang ibabang labi niya. "Kasi parati ka namang nasa isip ko."

"Aww. That's so sweet, baby."

Pinaikot-ikot niya ang ballpen sa mesa. "Chiya, I'll pick you up at your office. Ihahatid na kita sa boutique na pupuntahan mo, then we can have dinner later."

"Oh, sure. I'll be waiting for you."

"I love you, baby."

"I love you, too, PeeCee."

Pagkatapos nilang mag-usap ni Chiya ay tumawag naman siya sa paborito niyang restaurant para magpa-reserve ng mesa. Nang matahimik siya ay bigla naman niya naisip ang nawawala niyang pocket watch. Mahalaga pa naman sa kanya 'yon dahil regalo iyon ng namayapa niyang ina sa kanya.

Saan ko kaya nawala 'yon?

Iyon ang iniisip niya nang sumilip si Umi – ang nakababatang kapatid ni Primo – sa loob ng opisina niya.

"May bisita ka, Engineer Illustre," imporma nito sa kanya.

"Oh, papasukin mo siya, Architect Velarosa. Pero hindi naman kailangang ikaw pa ang maghatid sa bisita ko," nahihiyang sabi niya. Aside from being an architect, she also had the second-highest position in the company! She was his boss!

Nagulat siya nang pagbukas ni Umi ng pinto ay pumasok si Jaycee. Hindi niya inaasahan ang pagbisita nito.

"Ako na ang naghatid sa kanya tutal ay papunta rin naman ako sa'yo," paliwanag ni Umi saka inabot sa kanya ang isang blue print. Kapagkuwan ay bumulong ito sa kanya. "If you don't want your stepbrother here, just tell me. Akong bahala sa'yo."

Nginitian niya ito. "No need, Umi. I can handle this. Thank you."

Tumango lang ito, kapagkuwan ay nagpaalam na sa kanila. Tumayo siya at umupo sa mahogany table niya.

"Wow. What a surprise, Jaycee. Ni hindi ka nag-abalang tumulong sa paghahanap kay KC, pero ngayon, nagawa mong bumisita sa opisina ko. Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" sarkastikong tanong niya rito. Galit siya kay Jaycee dahil ito lang ang hindi nagpakita ng concern nang mawala si KC. Umuuwi ng Pilipinas si Jaycee pero hindi naman ito tumutulong sa paghahanap kay KC. Sa tingin nga niya ay napipilitan lang itong umuwi para hindi mahalata ni Chiya na wala itong ginagawa para hanapin ang kapatid nila.

"Kuya, hiwalayan mo si Chiya."

"What?"

Bumakas ang matinding sakit sa mga mata nito. "I need her, Kuya. You're stronger than I am. You can live without her. I can't."

Naikuyom niya ang mga kamay niya. Kapag tinatawag siyang kuya ni PeeCee noon, may hihilingin itong pabor sa kanya. That trick wouldn't work on him now.

"Noon pa man, hindi ko nagawang ipaubaya si Chiya sa'yo. Anong pumasok sa isip mo para hilingin pa sa'kin ngayon 'yan?"

Tumulo ang mga luha ni Jaycee. "I'm going to die without her. I love her!"

Bumuga siya ng hangin. "That's not love, Jaycee! That's obsession! Hindi na siya ang batang babae na naging sandalan mo no'ng bata ka! Stop depending on her!"

My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon