21st Chapter

1.8K 49 1
                                    

NAGISING si Chiya na masakit ang ulo. Masama ang pakiramdam niya. Marahil ay nakuha niya 'yon dahil sa pagkabasa niya kagabi sa ilog gayong malamig ang panahon.

Nag-init ang magkabila niyang pisngi nang maalala niya kung ilang beses silang naghalikan no'n ni PeeCee. Kung hindi pa yata siya nabahing ay hindi pa nito maaalala na kailangan nilang bumalik sa inn at magpalit ng damit. Kasama niya ito kagabi, pero wala silang ibang ginawa kundi ang matulog. Siya, natulog agad dahil masama na ang pakiramdam niya. Alam niyang binantayan siya nito buong magdamag dahil kumapit ang pabango nito sa unan niya. The space beside her was still warm, too.

Kumirot ang sentido niya. Puwede sanang si Sword na lang ang utusan niyang kumuha ng gamot para sa kanya tutal ay nasa kabilang kuwarto lang naman ito, pero gusto niyang makita si PeeCee para mapag-usapan nila ang tungkol sa kanila.

Umakyat siya sa ikalawang palapag ng inn kung nasaan ang kuwarto ni PeeCee. Alam niya ang room number nito dahil sinabi nito iyon sa kanya kagabi. Nagtaka siya nang makitang bukas ang pinto ng kuwarto nito. Sumilip muna sa awang ng pinto, na sana ay hindi niya ginawa.

Nakatalikod sa kanya si PeeCee, samantalang nakaharap naman sa kanya ang babaeng kausap nito. Dumako ang tingin sa kanya ng babae. Kikilos sana siya para magtago pero tila natigilan siya sa sumunod na nangyari. The beautiful woman kissed PeeCee – on the lips.

No'n na nakisama sa kanya ang katawan niya. She walked away as fast as she could, her heart thumping loudly against her chest. Kilala niya ang babaeng 'yon!

That was Janis right? Jaycee's younger sister... and PeeCee's stepsister!


***

NAKATULALA lang si Chiya habang pinapanood si Sword na ilagay ang mga maleta niya sa compartment ng kotse niya. Nakaupo siya no'n sa mahabang bangko sa tapat ng inn.

Nagpasya siyang bumalik na sa Maynila. Babalik naman siya sa Bulan para kuhanin ang kapatid niyang si Rosalia. Masyadong malaki ang bahay niya para sa kanyang mag-isa lang.

Hihintayin niya lang na matapos ni Rosalia ang semestre sa ekswelahang pinapasukan nito ngayon bago niya ito ilipat sa pribadong paaralan. Siya na ang susuporta sa dalagita dahil responsibilidad niya 'yon bilang kapatid nito. Mabuti na lang at nakumbinsi niya ang daddy niya at si Tita Rosa sa gusto niya, pero tumanggi na ang dalawa ng alukin niyang tumira na rin ang mga ito kasama nila ni Rosalia.

Ayaw daw pumisan ng mga ito sa kanya, at hindi na raw maiiwan ng mga ito ang kabuhayan ng mga ito sa Bulan. They seemed to prefer the rural life, and she respected that.

"Hello, Chiya."

Nalingunan niya si Janis. Ngayong nakatayo ito malapit sa kanya, nakumpirma niyang ito nga ang nakita niyang kahalikan ni PeeCee kanina sa kuwarto ng binata. Napansin niyang mas lalong gumanda si Janis. She was just twenty one years old and she just graduated from college but she looked more matured for her age. She looked classy, unlike the "girly" look young girls her age had.

"Hi," malamig na bati niya rito.

"'Mind if I sit beside you?"

Nagkibit-balikat lang siya. Janis took it as a yes and sat next to her. Wala siyang balak kibuin ito kaya binalik niya kay Sword ang atenisyon niya. Pero wala na pala ang walanghiyang butler-slash-detective na 'yon! Marahil ay kinuha nito sa loob ng inn ang mga gamit naman nito.

"Nagkita na ba kayo ni PeeCee ngayong umaga?" tanong ni Janis mayamaya na bumasag sa katahimikang nakapagitan sa kanila.

Napansin niyang hindi na nito tinatawag na "kuya" si PeeCee. Had they become that... close? "Oo, dinalhan niya ko ng gamot kanina sa kuwarto ko."

My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon