20th Chapter

1.8K 56 0
                                    

NARAMDAMAN ni Chiya ang pinaghalong takot at kaba ngayong kaharap na niya ang ama niya, si Rosa, at si Rosalia. Naroon siya sa bahay ng mga ito para humingi ng tawad sa inasal niya no'ng nakaraan.

Akmang hahawakan niya ang braso niya nang pigilan siya ni PeeCee. Kinuha nito ang kamay niya at hinawakan iyon. Marahil ay hindi nito gusto ang mannerism niyang 'yon dahil unconsciously ay nasasaktan niya ang sarili niya.

Nilingon niya si PeeCee. Titig na titig ito sa kanya. He nodded at her as if encouraging her to go on. Tumango rin siya bago hinarap ang pamilya sa harap niya.

Tumikhim ang kanyang ama. "Chiya, anak. Naiintindihan kita kung bakit nasabi mo ang mga bagay na 'yon. Hindi naman ako galit. Napatawad na kita," nakangiting sabi nito.

Nakahinga siya ng maluwag. Dumako naman ang tingin niya kay Rosa.

Ngumiti ang ginang. "Napatawad na rin kita. Sana ay patawarin mo rin ako sa nagawa kong pagsampal sa'yo. Hindi ko sinasadya 'yon," sinserong sabi nito.

Binigyan niya ng tipid na ngiti ang mga ito. "Salamat." Dumako ang tingin niya kay Rosalia. "I'm sorry, Rosalia. Ang lahat ng narinig mo ay hindi pagkakaunawaan lang."

Ngumiti ang dalagita at hinawakan ang kamay niya. "Ate, naiintindihan ko. Ipinaliwanag na sa'kin nina Papa ang lahat."

Nag-init ang magkabila niyang pisngi. Ngayon lang niya tuluyang natanggap ang pagiging ate niya rito. All her life she lived as an only child. Nakakapanibago na may kapatid na siya, pero masaya naman siya. "Thank you, Rosalia."

Bumungisngis ito. She suddenly saw her younger self in her. "Ang saya naman ng birthday ko. Natupad na ang isa sa mga wish ko na makilala ang ate ko."

"Birthday mo?" gulat na tanong niya.

"Sa isang araw na ang birthday ko, Ate. Thirteen na ko." Bigla itong inihit ng ubo.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ito. "Okay lang ako. Medyo napagod lang siguro ako kagabi kakaiyak..." Natigilan ito, kapagkuwan ay napangisi na lang uli. "Magpapahinga na lang ako sa kuwarto ko para bukas ay malakas ako. Ate, maghahanda ng spaghetti si Mama. Punta ka, ha?"

Tumango siya. "Oo naman."

Bumungisngis ito. "Thank you, Ate!"

Yumuko si PeeCee sa tapat ng tainga niya. "She's so much like you," bulong nito.

Napangiti lang siya. Tama si PeeCee. Naaalala rin niya ang sarili niya kay Rosalia dahil gano'n din siya tumawa. "I guess you're right."

Tumayo na si Rosalia. Pero naging mabuwal ang paglalakad nito. Mabuti na lang at naging maagap si PeeCee at nasalo nito ang dalagita.

"Woah. Are you really okay?" nag-aalalang tanong ni PeeCee dito.

Namula ang mukha ni Rosalia. "Okay lang ako, Kuya."

Napabuntong-hininga si Rosa. "Naku, ganyan talaga ang batang 'yan. Sinabi ko na kasing magpahinga na, sumige pa rin sa pagpupuyat."

PeeCee chuckled. "Ako na hong bahala sa mahal na prinsesa."

Sa kanyang pagkagulat ay bigla na lang binuhat ni PeeCee si Rosalia paakyat sa kuwarto nito na amimo'y isa itong prinsesa. May kung anong ngumitngit sa kanyang dibdib lalo na nang maalala ang pagbubuhat nito sa kanya na animo'y sako lang siya. It was unfair!

"Hija, ayos ka lang?" untag ni Rosa sa kanya.

"Ah, yes. I'm fine." Ipinilig niya ang ulo niya para maalis sa isipan niya si PeeCee. "Ano hong plano niyo sa birthday ni Rosalia?"

My Boy PeeCee (A Twelve O'clock Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon