xi. eric's golden sword

1.6K 57 14
                                    


Eric's POV

SAWANG-sawa na ako rito sa kuwarto ni Vannie! Wala na akong makuhang pagkain dito anak ng teteng. Puro baril yata makakain ko ngayon e.

Nakapout akong lumabas ng kwarto ni Vannie dahil gwapong nilalang ako nang makasalubong ko yung boyfriend ni Vannie.

"What are you doing here?" Nakakunot pa noo niya sa akin ha!

Anak ng sampung pototoy naman oh! Bakit english na naman?!

"Humihinga, bawal ba 'yon?" Taas noo kong sagot.

Ha! 'Kala niya ha. 'Di porket boyfriend siya ni Vannie uurungan ko na english-english niya! Best in English kaya ko!

"Oo. Bawal para sa 'yo." Sabi niya sabay tapik ng balikat ko.

Potek, tinulak pa ako!

"ISUSUMBONG KITA KAY VANNIE!"

Nagkunwari pa akong pilay. Halos gumapang na ako pababa ng hagdan nila Vannie habang nagmamakaawa.

"Vannie! Si Axel! Binugbog ako! Papatayin niya ako!" Parinig ko sa buong mansyon.

Si Butler James tinignan lang ako ampupu! Bastos!

"Vannie!" Nasaan na ba 'yon? Hirap-hirap umacting e.

'Baka naman 'di na naman nakakaintindi ng tagalog 'yon?'

Sumimangot ako sa naisip.

'Ano naman? Best in English naman ako.'

"Vannie! Axel . . . bullet bullet me! He . . . He untog me and bomb my short!"

Oh ha! Tignan natin kung 'di pa ako maintindihan ni Vannie hehehe.

"What the fuck are you doing, Pires?!"

Oh, diba!

Humarap ako kay Vannie habang nakadapa pa rin sa isang hakbang ng hagdan. "Vannieee!" Sigaw ko at nagkunwaring umiiyak.

Gumapang ako na parang kokodile at inabot ang paa niya.

"Ah shit, Pires! Let go of me!"

"Vannie! Si Axel! Huhuhuhu." Emote ko habang nakayakap sa binti niya.

. . . pero nakangisi naman talaga ako.

"The fuck?! Come on, Eric! I will kick you on your face!" Pananakot niya pero lumambitin pa rin ako sa kaniya. "Fuck it."

Bakit ba pak nang pak 'tong si Vannie? Bet niya ba talaga ako? Huhuhu.

"Vannie, bawal 'yan . . . pure boy po ako."

Bago pa ako magpanggap ulit na umiiyak ay dumulas ang paa ko kasabay ng pagsipa ni Vannie kaya natanggal ang pagkapit ko sa paa niya! Ampupu! Pakineng shet! Parang slowmo ang paglanding ko hanggang sa maramdaman ko ang carpet sa likod ko.

Shet! Para akong nahilo. Nasa'n ba ako?

"V-vannie . . . ? Nasa'n ka?"

Nakarinig ako ng tunog ng sapatos.

"V-vannie? Vannie . . . ? Ikaw ba 'yan?"

Potek! Nasa'n si Vannie ko?! Sino 'yon?! Si Axel ba 'yon?! Potek naman oh, bakit wala ako makita!

"Vannie! Vannie!" Sigaw ko. "Vannie tulong! Wala akong makita!" Potakte, umiyak na ako na parang bata.

Umiiyak ako habang nakabukaka rito sa sahig. Hindi ko maisara hita ko! Baka mamaya lumabas ang espada ng kinabukasan potarages.

"Vannie! Wala akong makita! Tulunga—POTEK, SINONG HUMAWAK NG GINTONG ESPADA NG KINABUKASAN KO?!"

Ampupu, di na ako pure boy huhuhu . . .

"Dumbass, it's me!" Vannie?

"V-Vannie . . . ? Nandito ka Vannie! Tulungan mo ako, hindi kita makita!" Iyak ko na naman.

Napa-"Shet, ang kinabukasan ng sanlibutan!" ako nang maramdaman ko ang paghampas ni Vannie roon.

'Crash ba ako ni Vannie? Pangalawang hawak na 'yon ah!'

"You're closing your fucking eyes. Malamang wala kang makikita!"

'Ha . . .'

Minulat ko ang mga mata ko. Bakit may dragon sa harapan ko? Akala ko ba anghel ang nasa langit? Eh bakit may—

"Aray ko, Vannie!"

Huhuhu, binatukan pa ako. Nahulog na nga sa hagdan, hinampas na nga ang kinabukasan ng sanlibutan, binatukan pa ako, huhuhu. Magsama nga sila ni Axel!

"Get up. We have something to do." Utos niya kaagad at iniwan akong nakabukaka sa sahig.

"H-ha? Anong gagawin—saan ka pupunta, Vannie?! Wag mo 'ko iwan!"

Ampupu, bakit di ako makatayo?!

'AT BAKIT HINDI KO MAISARA ANG HITA KO?!'

"Vannie! Tulungan mo 'ko! Hindi ko maisar—PAKSHET, ANG SAKIT NG SINGIT KO. VANNIE!"






˚₊·͟͟͟͟͟͟͞͞͞͞͞͞➳❥ ꒰ ⌨︎ ✰ sofia ⁱˢ ᵗʸᵖⁱⁿᵍ··· ꒱ | ೃ࿔₊•
a.n: happy 50k reads!
٩꒰。•◡•。꒱۶

Meet The Mafia Queen: End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon