Chapter 7

2.7K 22 0
                                    

Dahil sobrang sakit ng ulo ko at dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako agad.Mga 1am ay nakagising ako dahil sa ingay sa baba.

Siguro ngayon lang naka uwi si Chase.Kaya nagmadali akong bumaba dahil baka hindi pa ito nakapag dinner.Baka magutoman yun.

Pababa ako ng hagdan nagtaka ako dahil sobrang dilim.Bigla akong kinabahan dahil nakarinig ako ng mga boses.Isang lalaki at isang babae.

Nasa last 3 steps na lang ako ng biglang nag-on ang ilaw at nagulat ako sa nakita ko.

Si Chase may kasamang babae.

Hindi lang ito bastang babae dahil right in front of my eyes naghahalikan sila.

Naghahalikan sila na parang hindi ko sila nakikita.Na parang hindi ako nage-exist.

Sa mga panahon na yun tinanong ko ang sarili ko kung naging masama ba ako?hindi ba ako ka mahal-mahal?wala ba akong kwentang asawa?

Aakyat na sana ako sa kwarto ko ng bigla akong tawagin ni Chase.

"Hoy babae nagluto ka ba ng hapunan?Gutom na gutom na kami ng baby ko."Sabi ni Chase na may malabing na tono.

"Oo nga si Chase kasi eh,sobrang pinagod ako."Sabi din ng babae na kasama ni Chase sa malanding tono.

Hindi ko alam kung paano ko nakayang pigilan ang mga luha ko na hindi tumulo at matapang na hinarap sila.

"Ala-una na ng madaling araw sana bago kayo pumunta dito bumili na kayo ng makakain niyo.Balak niyo naman palang kumain."Matapang na sabi ko.

Biglang nag iba ang itsura ni Chase.Parang umuusok sa galit.Gusto ko tuloy bawiin yung sinabi ko sakanya.Kinabahan ako bigla.

"Baby punta ka na lang sa kusina baka may gusto kang kainin sa ref initin mo na lang.O baka iba ang gusto mo sa kwarto ka na lang dumiretso." Sabi ni Chase sa babae ng may ngiti sa labi.

"Sige akyat na lang ako sa kwarto mo.Antayin kita huh.Bilisan mo."Sabay halik ng babae kay Chase. "I love you Chase baby." Pahabol ng babae.

"I love you too baby. Susunod ako agad promise." Sabi naman ni Chase.

A Wife's SacrificeWhere stories live. Discover now