Chapter 13

2.4K 15 0
                                    

Pag dating ko sa hospital napakadaming tao agad ang sumalubong sakin. Hindi na sana ako mag clinic ngayong araw pero noong napadaan ako sa harap nito ay nakita kong madaming pasyente ang nagaantay sakin kaya napag desisyunan ko na magtatrabaho ako ngayon.

Sa dami ng pasyente ko hindi ko namalayan na naabutan na ako ng gabi at wala ako nakapag patingin sa doctor. "Susubukan ko na lang baka maabutan ko pa si Jana" yun ang naisip ko.

Nagligpit na agad ako ng gamit ako at umalis. Sinabihan ko din ang aking sekretarya na wala ako bukas at baka sa susunod na linggo na lang ako babalik para mag clinic dahil gusto ko talagang magpahinga.

Habang naglalakad ako sa loob ng hospital saktong nakasalubong ko si Jana. Isa din siyang doktor dito. Alam ko kasing siya ang makakatulong sakin dahil isa siyang hematologist-oncologist. Nagduda na kasi ako kung tama ba ang nasa isip ko na sakit ko.

Nagpa-konsulta na ako sakanya at pagkatapos ay sinabi niya sakin ang mga kailangan ko ipa lab test at binigyan ako ng consent.

I was on my way to the lab ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinilabutan ako ng mabasa ko ang pangalan ng nagpadala at ang mensahe nito.

It was from Chase and I think he is already in our house. He asked me kung nasaan ako at kung bakit wala ako sa bahay.

Sa sobrang busy ko ay nakalimutan ko na tumakas lang pala ako.

Dali-dali na akong umuwi dahil sa takot ko.

A Wife's SacrificeWhere stories live. Discover now