Chapter 11

2.8K 18 2
                                    

Dali dali akong lumabas ng kwarto ni Chase at dumiretso sa kusina para ipagluto sila.

Tanga na kung tanga.Pero wala talaga akong magagawa takot akong iwan ni Chase.Takot akong mag isa.

Kaya kahit sobrang sakit na hanggang makakaya ko titiisin ko.Ayaw ko din namang iwan si Chase mag isa sa bahay na to.

Kasi kapag umalis ako wala ng mag aasikaso sa kanya kawawa naman siya.

Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Matagal pa ba yan?Gutom na ako eh."Mataray na sabi ng babae."Ang bagal mo kumilos."

Hindi ako kumibo sakanya.Nagpanggap ako na wala akong narinig.

Nagulat na lang ako ng bigla akong tinapunan ng babae ng tubig.

"Hoyyy babae kinakausap kita.Sumagot ka nga."Pasigaw na sabi ng babae.

"Katulong ka lang dito kaya wala kang karapatan tarayan ako" dagdag pa niya na nagpainit ng ulo ko.

"Ako katulong sigurado ka?!" Sabi ko sakanya. "Wag na wag mo akong masisigawan dahil ako ang asawa ni Chase kabit ka lang kaya know your place." Sabi ko sabay sabunot sa kanya.

Natauhan naman ako ng biglang dumating si Chase.

"What's happening here?"Tanong ni Chase.

"Babe that womah oh, kinakausap ko lang siya ng maayos bigla niya na lang akong sinabunutan.Tapos sabi niya asawa mo daw siya.Is that true baby?" Mangiyak ngiyak na sumbong ng babae kay Chase.

"Chase hindi totoo yun,Siya ang nauna.." bigla akong pinutol ni Chase

"Enough Irene.Naniniwala ako kay Mae kaya tumahimik ka na.Lagot ka sakin pag uwi ko mamaya." Sabi ni Chase.

"Hindi totoo yung sinabi niya sayo baby halika na ihahatid na lang kita sa inyo.Sa labas na lang tayo kumain." Sabi ni Chase kay Mae at sabay silang umalis ng bahay.

Napaluhod ako sa sahig sa kusina.Hindi ako maka paniwala na yung Chase na pinakasalan at minahal ko ay iisa sa Chase sa nanakit sakin.

A Wife's SacrificeWhere stories live. Discover now