Chapter 12

2.8K 25 7
                                    

Pagkaalis nila niligpit ko na lang yung mga nagamit ko sa pagluluto at umakyat na sa kwarto para magpahinga.

Dala na din ng pagod at gutom kaya nakatulog ako agad.

Nakagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Kinapa ko yung mesa malapit sa kama ko para hanapin ang telepono ko pero wala ito doon. Hinanap ko din sa kama,sa ibaba nito, at sa banyo pero wala talaga. Naisip ko baka naiwan ko sa kusina kagabi. Nag ayos muna ako bago nag desisyon na lumabas na.

Nagulat na lang ako ng hindi ko mabuksan ang pinto ng kwarto ko. Hindi ako makalabas. Bigla pumasok sa isipan ko yung nangyari kagabi. Naisip ko baka si Chase ang may gawa nito.

"Chase, please madami akong trabaho ngayon. Ang mga pasyente ko nag-aantay na. Please naman Chase buksan mo na yung pintuan." Sigaw ko habang nagmamakaawa.

"Dahil sa nangyari kagabi hindi ka pwede lumbas ng kwarto mo. Pati na gumamit ng telepono, bawal! Subukan mo lang tumakas jan sa kwartong yan Irene makakatikim ka sakin." Sigaw naman pabalik ni Chase. At narinig ko na lang na tumunog yung pintuan at gate namin na tanda na naka alis na si Chase.

"Paano na yung lakad ko sa hospital mamaya? May schedule pa namana ko doon." Napaupo na lang ako sa kama sa sobrang inis.

Naka schedule sana ako magpatingin ngayon sa doctor dahil sa mga napapansin ko na mga pasa na nakakalat sa katawan ko. Sigurado naman ako na hindi galing sakanya yun dahil iba ang itsura ng pasa na to.

Bigla ko naalala na may hagdan pala ako sa kwarto. Mamaya pa naman ang uwi ni Chase sisiguraduhin ko na lang na una ako maka uwi.

Kailangan ko talaga pumunta ng hospital para magpatingin. Maya maya pa ay naka alis na ako ng bahay.

A Wife's SacrificeWhere stories live. Discover now