Chapter 14

2.5K 21 1
                                    

Pagdating ko sa bahay namin lahat ng ilaw naka bukas sa first floor. Kinalibutan na ako dahil alam ko masasaktan nanaman ako ngayong gabi.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng bahay at wala ko pa ito tuluyang nabuksan ay may humila na ng pinto ng sobrang lakas kaya natumba ako at tumama ang noo ko sa doorknob.

Kasabay ng pagsirado ng pinto ay ang paghila sakin ni Chase papunta sa sala.

Tinulak niya ako ng malakas.

"Saan ka galing?!! Hindi ba sinabi ko sayo na bawal kang umalis ng bahay?"sigaw niya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Wala ka ng ngang kwenta wala ka pang silbi." Sabay samal sakin.

Hindi ko alam kung ano ang mas masakit yung sampal ba niya o yung mga sinasabi niya.

"Oh ano sumagot ka!" Bigla niyang hinila ang buhok ko. "Siguro nakipagkita ka sa lalaki mo!"

"Chase galing ako sa hospital. Ilang beses ko ba kailangan sabihin sayo na wala akong lalaki." Walang lakas na sabi ko.

"Madami akong pasyente na nag aantay kaya ako tumakas. Alam mo namang doctor ako at kailangan ako ng mga bata." Umiiyak na sabi ko.

"I dont care about your patients! Kung sana kasi inalagaan mo ng mabuti yung anak natin edi sana buhay pa siya ngayon! Wala ka kasing kwenta kaya ayun namatay ang anak nating dalawa. Doctor ka pa naman pero ano?! Wala kang naggawa! Napaka tanga mo!" Sigaw niya ulit sakin sabay suntok at sipa.

I think tatahimik na lang ako at hahayaan kung ano ang gusto niyang gawin kung hindi baka hindi na ako makabangon bukas.

Hindi na lang ako umimik ngunit bigla niya akong kinaladkad paakyat ng kwarto.

"Dito ka lang hanggat sinasabi at gusto ko. Wag ka ng mag isip na tumakas dahil pag nahuli kita lagot ka talaga sakin. At kukunin ko na din ang susi ng kotse mo." Sabi niya bago isarado ang pinto ng kwarto ko.

Humiga na lang ako sa aking kama at bigla akong napaisp "Why is this happening to me? I dont deserve to be treated like this!" Umiiyak na sabi ko at di ko namalayan na nakatulog na ako.

A Wife's SacrificeWhere stories live. Discover now