teaser

15.3K 160 2
                                    


The one who got away. Iyon ang tingin ni Zoey sa ex niyang si Joey. Kaya nga kahit matagal na siyang walang balita tungkol sa lalaki ay ito pa rin ang laman ng puso niya. Hayun tuloy, napaglilipasan na siya ng panahon pero wala pa rin siyang mahanap na ka-forever.

Gawan daw niya ng paraan imbes na umaasa lang siya kay Batman, sabi ng bff niyang si Trixie. Pinilit din siya nito na hanapin ang lalaki gamit ang social media. Nang makita ni Zoey ang account ni Joey ay nagpadala siya sa ex niya ng friend request.

Laking tuwa niya nang i-accept iyon ng lalaki at maki-chat pa sa kanya. Pero hindi pala si Joey ang tumanggap sa request niya at naka-tsikahan niya kung hindi ang kaibigan nito na si Alaine.

Si Alaine dapat ang gagamitin niyang daan para maging close ulit sila ni Joey. Kaso ay kay Alaine siya naging close at unti-unti ay nagkakagusto na yata siya rito. Inisip niya pa nga niya na posibleng the feeling is mutual. Hanggang marinig niya mismo mula sa bibig ni Alaine ang tunay na nararamdaman nito para sa kanya.

Love Search (completed)Where stories live. Discover now