chapter 6

3.3K 64 0
                                    


PASILIP-SILIP si Alaine kay Zoey. Obvious ba, na-bad trip ito. Siya kasi eh. Kung bakit kasi kung ano-ano pa ang sinabi niya? Pero ayaw lang naman niyang mag-isip ito ng hindi maganda sa kanya. Ang mga salitang ahas at oportunista ang ilan lang sa mga puwede nitong maitawag sa kanya.

He just wanted to see her reaction. Tutoo naman ang ibinigay niyang dahilan dito. Kaya bakit ito parang nabuwisit? May naisip siya. And the idea tickled him. Gusto ba nito na may iba pang ibig sabihin ang pagbibigay niya rito ng bulaklak bukod doon sa sinabi niya rito na practice lang iyon? Iyong mas common reason kung bakit nagbibigay ng bulaklak ang isang lalaki sa isang babae?

Hindi kinaya ng apog niya. Nahiya si Alaine sa naisip niya. Sobrang assuming lang? Hindi ba't ang turing nga ni Zoey kay Joey ay love of her life nito ang lalaki? That Joey is the one for her? Kaya bakit siya ang pag-aaksayahan nito ng panahon?

I' m just a nerdy guy.

Ganoon pa rin ang tingin niya sa sarili kahit ayon sa iba ay malaki na ang ipinagbago niya mula sa itsura niya noong mas bagets pa siya. He was skinny and lanky as a kid and as a teen-ager. Hanggang noong college siya ay patpatin siya. Nang nagtatrabaho na siya ay saka lang siya nagkaroon ng konting laman. Nag-work-out siya kalaunan kaya lumaki-laki ang kaha niya. Pero kay Joey ay lalabas siyang walang kadating-dating. Joey is his hunky friend. Bagets pa sila ay ito na ang napapansin ng mga girls. Ito ang crush ng bayan. Siya ay tiga-bigay lang ng love letters na ipinapaabot ng mga ito sa kaibigan niya.

Ang tagal na nun. At nag-level up naman na ako kahit paano. Naging habulin na rin siya ng chicks kalaunan. Pero kumpara kay Joey ay ang dami pa niyang bigas na kakainin.

At ang babaeng ito ay ex ni Joey. Si Joey ang rason kung bakit naging close ulit sila.

"Sorry na," sabi niya. "Huwag ka ng magalit. Ikaw din, papangit ka. Paano mo mada-dazzle si Joey sa beauty mo kung puro ka wrinkles?"

"Ikaw lang eh 'no, puro kalokohan." Mukhang nabawasan naman na ang init ng ulo ni Zoey.

"Oo naman. Ako pa?" ganti niya.

Iiling-iling na napangiti na rin ito.

"Alaine!" May tumawag sa kanya.

"O, Mae, nandito ka rin pala."

Napalingon din sa babae si Zoey. Umarko pa ang isang kilay nito nang halikan siya sa pisngi ni Mae.

"Fancy meeting you here," sabi pa ni Mae.

"Kunwari ka pa. You're stalking me, umamin ka," biro niya.

"Oo naman," sagot nito.

It was supposed to be a joke. Kaya lang parang hindi joke ang dating sa kanya. Seryoso ba ito?

"Hi." Kumaway dito si Zoey.

"Oh, nga pala, si Zoey. Zoey, si Mae," pagpapakilala niya sa dalawa.

"Hi, Zoey. Gf mo?" baling ni Mae sa kanya.

"Uh, hindi. Kaibigan lang. May hinihingi akong favor sa kanya kaya magkasama kami." Ang bilis sumagot ni Zoey.

Hindi naman masyadong halata na ayaw niyang maikabit man lang ng kahit sandali ang pangalan niya sa 'kin, sa loob-loob ni Alaine.

"Oo. Friends lang kami," ayon niya, may konting diin ang pagsasalita.

"I'd like to stay and chat some more pero nandoon na 'yong mga pinsan ko." Napatingin sa pinto si Mae. "Call me," bilin nito sa kanya.

"I will," sagot na lang niya.

"Pusuan na nga kasi 'yan," sabi ni Zoey nang makaalis na ang dalaga.

"Pupusuan agad? Hindi ba puwedeng..."

"Hindi puwede. Dapat go lang ng go. Anong petsa na? Anong age mo na? Hindi na bagay sa iyo ang torpe. Sa age natin na 'to, dapat marami na tayong na-achieve sa mga gusto nating gawin." Ang lakas ng loob nitong magsalita pero bigla rin itong mukhang nalungkot. "Ang galing kong magsalita pero ako ang dami pa ring di nagagawa. Siyam pa ang nakapila sa bucket list ko."

"May bucket list ka?" Curious agad si Alaine.

"Oo naman. Ikaw ba?"

"Hindi ko nililista. Patingin nga ng list mo?"

"Ayaw."

"Papilit?"

Natawa si Zoey. Inilabas nito ang phone, nag-swipe-swipe doon. Ilang sandali pa ay inilapag nito ang phone sa mesa, iniusod iyon papunta sa kanya.

"Huwag kang magkakamaling tumawa," banta nito.

Mabilis na binasa ni Alaine ang listahan.

"O, do-able naman lahat ah. And FYI, nagawa mo na kaya 'tong number 10. Ziplining?"

"Oo nga 'no. Thanks to you!"

"Ehem, ehem." Nag-bow pa siya. "Itong number one, kiss the guy I love on top of a mountain at sunrise. Pak na pak!"

"Mangyayari pa kaya?" She sounded sad.

"Bakit naman hindi? Tiwala lang. In the meantime, subukan nating i-fulfill iyong iba."

"Sasamahan mo 'ko?" Parang natuwa ito.

"Sa tamang halaga."

"Magkano?"

"Saka na ang TF kapag nagawa na natin."

"Baka masyadong mahal, di ko kayanin."

"Hindi. Murang-mura lang. So, go?"

Paulit-ulit ang pagtango ni Zoey.

"Itong viral video ang unahin natin." Bigla siyang lumuhod sa harap nito. At kumanta ng malakas.

Napatingin ang ibang customers ng resto sa ginawa niya.

Love Search (completed)Where stories live. Discover now