chapter 2

4.8K 83 0
                                    



"AYAAAAAH!" Humilata sa kama si Zoey, panay ang kisay. One week na silang friends ni Joey sa FB at mula nang sabihin sa kanya na in-accept na nito ang friend request niya ay hindi na yata naalis ang ngiti sa labi niya. Hindi lang naman kasi tinanggap ng lalaki ang friend request niya, nag-PM pa ito sa kanya.

"Nice to hear from you," sabi nito.

Nagulat siya, siyempre. Ang mind set na kasi niya nang mga panahong iyon ay wapakels na ito sa kanya dahil sa isang linggong pande-dedma sa request niya.

"Di nga?" nai-reply tuloy niya.

"Oo naman. I didn't expect this. So, how are you?"

Humaba na ang kuwentuhan nila. Gusto na ngang i-suggest ni Zoey na mag-usap na lang kaya sila sa phone pero nahiya naman siya. Isa pa, mas relaxed siya kung nagpapalitan lang muna sila ng PM. Mas napag-iisipan kasi niya kahit konti ang isasagot niya sa mga sinasabi ng lalaki kesa kung kausap na mismo niya ito.

Dahil friends na sila ay nagawa na niyang i-view ang page nito. Hindi masyadong nagbago ang itsura ni Joey, nadiskubre niya.

Yummy pa rin, 'te. Kagat-labi siya habang sinasabi iyon. Dati pa naman ay ganoon na ito. Kaya nga rin siguro ang hirap mag-let go. Kundi niya pinairal si pride chicken, di sana ay may yummy bf pa rin siya hangga ngayon. O baka yummy husband na.

Anyway, ang mahalaga ay gumagawa siya ngayon ng paraan para itama ang naging pagkakamali niya. Nakahinga rin siya ng maluwag. Sa dami ng photos ni Joey na may kasama itong babae ay wala siyang makitang kahit isa sa mga iyon na mukhang special someone para rito. Later on ay umamin din ito na single ito sa mga panahong iyon.

Heto na iyon o. Ang destiny namin. Panay ang tili ni Zoey sa isipan niya habang kumikisay-kisay siya.

"Oy, may epilepsy ka na ba?"

May nanira ng kaligayahan niya. Ang mommy niya.

"Kanina pa kita kinakatok diyan, hindi ka man lang nagpaparamdam. Ba't ka ba parang bulateng binudburan ng asin diyan?" tanong nito na pumasok na sa kuwarto niya.

"Wala, 'my." Bumangon si Zoey at agad na ibinaba ang lid ng laptop niya. Mahirap na. Baka mag-uzi pa ang mommy niya. Siguradong may maririnig siya mula rito kapag nalaman nito na si Joey ang source ng kilig niya. Hindi naman sa galit ito sa lalaki. Saksi lang kasi ito kung paano siya naluka-luka noong mga panahong bagong break pa lang sila ng lalaki. Tulala siya, ayaw kumain, hindi napagkakatulog. Baliw-baliwan siya, inaamin niya kahit nakakahiya. But that's simply because she is just so madly in love with her boyfriend.

Ngayon, ah, dadahan-dahanin niya ang pagsasabi sa mommy niya ng panibagong yugto ng love life niya. Sosorpresahin na lang niya ito lapag sure siya na happy na ang chapter na iyon. In the meantime, sosolohin na muna niya ang kilig at saya.

"O, BROD, sure ka na talaga diyan?" tanong ni Alaine sa kaibigan.

"I told you I'd do it, didn't I? Mukha bang hindi ko tototohanin?" ganti ni Joey.

"Uhmmm..."

"Grabe ka! Inisip mo press release lang iyong mga sinabi ko?" bulalas ni Joey.

"Kinda." Umamin na rin si Alaine. "Pero, brod, kasi naman, sino ang mag-aakala na itutuloy mo nga ang pagli-leave? At hindi biro-birong leave 'yan ha. Ang tagal. Brod, makaya mo kaya?" Kabisado niya ang ugali ng kaibigan. Beloved wife ang turing nito sa trabaho sa isang travel company. Oo na, maganda ang bayad. Marami ring perks. Pero hindi iyon sapat para magpatali na rito ang kaibigan.

Love Search (completed)Where stories live. Discover now