chapter 1

11.2K 113 6
                                    



"ANO NA?" Nilingon si Zoey ni Trixie, bff niya. Complete attire na ito, mula sa mga safety gears hanggang sa harness, ready to launch na sa zipline na napagkasunduan nilang patulan. Susugod na ito samantalang siya, ni hindi pa nagagawang ikabit ang kahit isa sa mga safety gadgets na ibinigay sa kanya. Ang dahilan, dinaga na naman siya. "O...M...G..." Exaggerated ang pagbulalas ni Trixie. "Don't tell me. Magba-back-out ka na naman."

"Hindi ko talaga kaya, bes." Kanda-iling si Zoey.

"Hel-lo, number ten pa lang ito sa bucket list mo. Kung hindi mo 'to kaya, paano pa iyong nine hanggang one? At bakit ka pa gumawa ng bucket list kung wala ka naman palang balak i-fulfill ang mga iyon, aber?"

Good question. Naisip din iyon ni Zoey. Well, may fulfillment na rin naman siyang nararamdaman kahit isinusulat lang niya iyong mga gusto niyang gawin. Kahit alam niya na malabong magkaroon siya ng lakas ng loob na magawa ang mga iyon ay nandoon lagi ang pag-asa na baka, BAKA, magmilagro ang langit at mabuhusan siya ng tapang at tibay ng damdamin para maging gora girl at hindi iyong nakagawian na niyang wallflower slash chicken ang peg.

"Lets do this, girl. Hindi na tayo bumabata. Dapat ma-experience natin ang maraming bagay bago tayo lumagay sa tahimik," pangungulit sa kanya ni Trixie.

Lumagay daw sa tahimik o? Kung tatawa siya o itutulak sa bangin ang bff niya, hindi malaman ni Zoey. Nagbibiro ba ito...ng masama? Paano mangyayari iyon eh hindi nga siya makahanap-hanap ng dyowa? And excuse me, hindi iyon dahil sa chaka siya. Nakailang boyfriends din naman siya kaya lang, lahat may diperensiya. Kung hindi man sa ekonomiya, as in sila pa ang nangungutang sa kanya, ay sa emosyon naman. Sobrang possessive, mainitin ang ulo, isip bata, and so on and so forth. Kaya hayun, sa edad na 26 going on 27 ay single and ready to mingle pa rin siya.

"Anong petsa na?" Nilingon ulit siya ni Trixie.

"Uh, s-sige, mauna ka na." Hindi yata talaga kaya ni Zoey.

Itinirik ni Trixie ang mga mata nito, umiling-iling saka muling humarap sa bangin.

"Bahala ka. Ako, gora na." Saka ito lumundag na. "Aaaaaaahhhhhh!" Binulabog ng malakas na sigaw nito ang kapaligiran. Hanggang makarating ito sa kabilang platform ay tumitili ito.

Panay ang talon nito nang maalis na ang harness na nakakabit dito.

"Ang sarap, bes," sigaw nito sa kanya. "Go na!"

Tumingin sa bangin si Zoey pati na sa napakalaking espasyong kailangan niyang liparin bago makarating sa kabilang platform. Wala, hindi talaga niya kaya. Umiling siya, umatras saka patakbo ng bumaba.

"I am such a loser, right?" himutok niya nang nagmemeryenda na sila ng kaibigan.

"Grabe siya o. Hindi naman. Slight lang." Tumawa si Trixie.

"Puro ka biro eh," maktol niya.

"Eh, bes, ano ba kasi ang gusto mong sabihin ko? Na oo, loser ka kasi hindi ka magkaroon ng lakas ng loob na gawin iyong mga bagay na deep inside ay alam mong gustong-gusto mong ma-achieve? Na malamang maging boring person ka na forever kasi iyong buhay mo, sobrang safe. Kasi ayaw mong sumubok ng mga bagay na labas sa comfort zone mo? Ganoon?"

"Aray lang ah! Dahan-dahan sa panlalait at medyo masakit sa pandinig," reklamo niya.

"'Tamo 'to. Kaninang binibiro, nagagalit. Ngayong nagsasabi ako ng tutoo, nasasaktan naman," sagot ni Trixie. "Daanin mo na lang sa inom. O." Inilapag nito sa tapat niya ang shot glass.

Love Search (completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ