chapter 5

4K 79 0
                                    

"ANG BILIS mo sa balita," komento ni Zoey nang pagbukas ng pinto ng hospital room ay si Alaine ang pumasok doon.

Dinala nila ni Trixie ang mommy niya sa ospital. Nabanlian kasi ito ng mainit na tubig. Hindi naman malala ang paso na tinamo nito pero dahil nadulas din ito at nauntog ang ulo sa sahig ay pinapanatili ito sa ospital ng 24 hours para obserbahan. Kani-kanina lang nadala sa room nito ang mommy niya pero nandoon na agad si Alaine. Na-touch tuloy siya sa ginawa nito.

"Nag-post si Trixie sa FB eh. May location doon. Eh mapapadaan din naman ako banda rito kaya heto, sumaglit na rin. Nasaan na pala si Trix?"

"Kakaalis lang. May meeting sila ng wedding coordinator eh."

"Oh, ikakasal na siya?"

Tumango si Zoey. Ewan ba niya pero natuwa siya sa ideyang hindi na puwedeng pagnasaan ni Alaine ang kaibigan niya dahil engaged na ito.

"Eh sina Rica, Wella at Frances?" Natandaan pa nito iyong mga friends niya.

"Married na lahat."

"Hala! Ikaw na lang ang single." Nang-asar pa ito.

"Kaya nga sabi ko maghanap na ng pakakasalan. Imbes na ma-fixate siya kay Joey." Tulog kanina ang mommy niya, epekto yata ng gamot na itinurok dito. Ang ganda lang ng timing nito na magising at ibuko ang mga sikreto niya.

"Mommy naman eh," himutok niya.

"Okay lang. Alam ko naman iyon," ani Alaine. "May deal nga tayo, di ba?"

"Deal?" Sumingit ulit sa usapan nila ang mommy niya.

"Excuse me po." Isina-isantabi siya ni Alaine saka ito lumapit sa mommy niya. "Good afternoon, Tita, uhm ako po si Alaine, bff ni Joey."

"Kaibigan mo si Joey? Buhay pa ba siya?"

"Oo naman po. Kaso out of the country."

"Ano 'yong deal na sinabi mo?"

Tinapunan muna siya ng tingin ni Alaine.

"Sabi ko po ilalakad ko siya kay Joey. Siya naman, tutulungan niya ako doon sa girl na nahihiya akong ligawan."

Tumitig sa lalaki ang mommy niya. "Ahhh..." sabi nito. "Eh mas maganda siguro kung kayo na lang nitong si Zoey ang magligawan."

"Mommy!" sita rito ni Zoey. "Pasensiya ka na," baling niya sa lalaki. "Epekto siguro 'yan ng gamot."

"Okay lang," pabale walang sagot ni Alaine.

"Oo, okay na okay kayong dalawa," sabad ulit ng mommy niya. Ewan nga lang ni Zoey kung alam nito ang sinasabi dahil mukhang groggy pa ito. Pumikit-pikit na kasi ito at maya maya pa ay nakatulog na ulit.

"So, talaga palang pursigido ka sa plano mong mabingwit ulit si Joey," baling ni Alaine sa kanya. "Bakit?"

"Bakit ka diyan. Hindi pa ba obvious? He's the one who got away 'no."

"Baka naman he's the one who's supposed to get away? O he's the one you should be thankful that he got away."

Matalin na tingin ang ipinukol dito si Zoey.

"Joke."

"Ano ba ang dapat kong gawin para magustuhan niya ako?" Hindi na siya nahiyang magtanong. "Wait, alam ko na. I should change." Madalas iyong sabihin sa kanya, hindi lang ni Trixie kung hindi pati ng ibang mga kaibigan niya. "Help me change. Gusto kong maging mas adventurous. Ang lumabas sa comfort zone ko. Kaso lang, nakakatakot. Kung may kasama ako, baka mas magawa ko. Samahan mo 'ko. Para kapag nagkita kami ni Joey ay ibang tao na ako. Iba na mula doon sa nakilala niya. Puwede ba iyon?"

Love Search (completed)Where stories live. Discover now