chapter 10

7.9K 163 8
                                    

HUMIHINGAL na si Zoey. Nanginginig na rin ang mga tuhod niya sa pagod. Pero finally, achieve! Itinaas niya ang mga kamay sa hangin saka nagpakawala ng isang napakalakas na aaaaahhhhh!

Nag-echo ang boses niya sa kabundukan. Oo, nasa bundok siya. Sa tuktok, to be exact. Sa wakas ay nagawa na niya ang number one sa bucket list niya. Ang makaakyat ng bundok at sakto iyon sa pagbubukang liwayway. May kulang nga lang. Ang lalaking dapat ay kahalikan niya.

Ipinagpag niya ang mga kamay sa hangin para palayasin ang negative vibes na nagtangkang bumalot sa kanya. Kung meron man siyang natutunan nitong nagdaang mga linggo iyon ay ang kung paano maging masaya kahit mag-isa siya. Oo, masaya rin naman ang magkaroon ng ka-forever. Masarap ang ma-in-love lalo kung in-love din sa kanya iyong mahal niya. Pero hindi na siya para mag-emote dahil wala siyang ka-forever. Tuloy ang buhay kahit loveless siya.

Correction, tuloy ang MASAYANG buhay kahit loveless ako.

Kaya nga pinagsikapan niyang ma-achieve iyong nasa listahan niya ng mga gagawin kahit na wala siyang kasama. In fact, mas maganda nga na wala siyang kasama dahil masasabi niya na solo niya ang pagpupunyagi.

Tumingin siya sa gawing silangan kung saan nagsisimula nang sumilip ang ginintuang liwanag. Huminga siya ng malalim habang dinarama niya ang sayang hatid ng kaalamang ang pinagpaguran niya ay narating na niya.

Kung sana lang talaga ay kasama ko ang lalaking mahal ko...

Hindi niya inintindi ang ideyang iyon. Sa halip ay pinanood na lang niya ang ibang mga nakasabay niya sa pag-akyat na bundok na iyon. Kapareho ng sa kanya ang pakay ng mga ito, ang mapanood ang sunrise matapos ang mahaba-haba ring lakarin. Pinilit na rin niyang huwag mainggit sa mga couples na nandoon at nagsasalo sa magandang tanawin.

Mag-isa siya at puwede na rin sa kanya ang ganoon. Kakayanin niyang tahakin ang buhay na mag-isa kung iyon ang inilaan sa kanya ng kapalaran. Mag-isa lang siya kaya nang may kamay na dumantay sa balikat niya ay napaigkas siya. Handa na siyang karate-hin ang humawak sa kanya.

"Huwag po, hindi ako lalaban." Itinaas ng nabalingan niyang tao ang mga kamay nito.

Sandaling lumukso ang puso niya pagkakita kay Alaine. Pero agad din iyong lumagapak sa lupa nang maalala niya na hindi nga pala siya nito mahal. Inamin mismo nito.

"Sinisira mo ang view ko." Bahagya itong tinabig ni Zoey dahil nahaharangan nito ang magandang tanawin. Sigaw ng puso niya, mas maganda siyang panoorin kesa tanawin pero hindi niya iyon pinansin.

"Oh, sorry." Umisod si Alaine. Kaso ay halos nasa gilid na ito ng bundok. Malalaglag ito.

"Oy, ano ba?" Dinakma ni Zoey ang braso nito. "Malalaglag ka na lang dito pa sa harap ko. Mato-trauma pa 'ko."

Pumalatak ito. "Akala ko pa naman concerned ka. Ayaw mo lang palang ma-trauma."

"Ba't ka nandito?" tanong niya. Nakakainis kasi. Iyon ang moment niya, ang pagkatupad ng pinakahuli sa listahan ng mga gusto niyang gawin. Moment of triumph iyon pero kulang dahil wala iyong guy na mahal niya na hahalikan dapat niya.

Nandito siya, bulong ng madaldal niyang puso.

Oo nandoon nga pala. Nandoon ang lalaking mahal niya. Kaso nga, hindi siya mahal nito.

"Congrats!" sabi ni Alaine. "Achieve na achieve ka na. Number one on your bucket list."

"Oo naman. Ako pa." Nagyabang kunwa si Zoey kahit pa pakiramdam niya ay may napakalaki talagang kulang sa sayang nararamdaman niya.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jan 22, 2018 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Love Search (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang