chapter 9

3.4K 59 2
                                    

NAKATINGIN sa magandang view si Alaine. Watching beautiful sceneries always uplifts his spirit. Pero hindi sa pagkakataong iyon. Kung tao nga lang siguro ang Lawa ng Taal ay mabubuwisit iyon sa kanya dahil sa mga sandaling iyon ay wa epek sa kanya ang alindog na taglay niyon. Ni hindi niya halos nakikita ang magandang tanawin. Masyado siyang abala sa pag-iisip.

Dapat siyang matuwa para kay Zoey pero paano ba siya matutuwa kung alam niyang posible itong masaktan. Ni hindi naman kasi siya sigurado sa motibo ni Joey sa pagpapakitang-gilas dito. Is it just to show him that he's the man? Nakikipag-compete sa kanya?

Ayaw niyang masaktan si Zoey. Napakuyom ang mga kamao niya sa realisyon kung bakit. It is because she had come to mean a lot to him. Gusto nga niyang ihagis sa lawa ang smartphone niya kaninang makita niya ang post ni Joey na kasama ito, at sa isang resto pa na may romantic ambiance. Umaariba na ang kaibigan niya, walang duda. Kung sana lang ay seryoso ito sa pakay at hindi para lang ipakita sa kanya - sa pang-ilang beses - na mas matindi ang sex appeal nito.

"Hey..." Mula sa likod niya ay may mga brasong pumaikot sa kanya. "Nagsosolo ka diyan."

Nilingon niya si Mae. Paalis na siya ng bahay nang dumaan ito sakay ng motor nito. Inimbitahan nito ang sarili sa lakad niya at naisip niya, why don't I give her a chance. Kesa naman nagpapaka-emo siya para sa isang babaeng hula niya, isang pitik lang ng ex nito ay magmamadaling patulan ito.

He was never in the competition. At noong una, wala talaga siyang balak sumali roon. Hindi lang niya napigilan na magkaroon ng kakaibang damdaming...

Ah! Iwinagayway niya ang kamay sa hangin. Pinalayas niya ang iniisip niyang damdamin na iyon saka siya bumaling sa babaeng nakayakap sa kanya.

"That's more like it," nakangiting saad ni Mae saka ito tumingkayad para abutin ang labi niya.

"WHAT'S up?" tanong ni Joey.

"What do you think you're doing?" Nanunumbat ang boses ni Alaine. Nagdidilim din ang paningin niya. Mabuti pala at sa telepono lang niya kinausap ang kaibigan niya. Kung kaharap niya ito ay hindi malayong masapak niya ito. Masyado lang talaga siyang nagngingitngit at baka hindi kayanin ng self-control niya ang nararamdaman niyang galit.

"Doing about what? May problema ka ba, brod?" Masyado namang kalmado ang boses ng kaibigan niya. Mas lalo tuloy nakakaasar.

"Iyong panliligaw mo kay Zoey, seryoso ka ba diyan?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy.

"Not that it's any of your business, but yeah, seryoso ako."

Nagtagis ang mga bagang ni Alaine. Masyadong light ang tono ng kausap niya. Parang hindi ito seryoso. Pero hindi rin naman niya ito maakusahan ng ganoon dahil malamang na isagot nito ay mas alam mo pa kesa sa 'kin.

"In fact, she's coming over and I'm preparing a romantic dinner for her," dagdag nito. Sa pagkakataong iyon ay may halo ng pang-iinggit ang tono nito.

"Siguraduhin mo lang. Baka naman sasaktan mo lang ulit siya..."

"Hey, Alaine, masyado ka yatang concerned sa kanya. May dapat ba 'kong malaman?" sabi ni Joey.

"Concerned ako dahil kaibigan ko siya. Kaya magtino ka." Iyon lang at pinindot na niya ang buton ng telepono niya.

Nagpalakad-lakad siya sa sala ng bahay nila. He just hates feeling that way, iyong napaka-helpless niya. Iyong hindi niya magawa iyong iniisip niyang tama dahil may pinangingilagan siya.

Screw you and your feelings, Joey!

DAPAT ay excited si Zoey. She is going to have a romantic dinner with Joey. Romantic dinner. With Joey. Inulit pa niya iyon sa isip niya. For emphasis. Baka sakaling madagdagan ang excitement niya na pakiramdam niya ay kapos na kapos.

Love Search (completed)Where stories live. Discover now