chapter 4

3.6K 59 0
                                    


"THIS is it, Aling Marikit," bulalas ni Zoey habang nakaharap sa salamin. Natutuwa siya sa naging takbo ng pagkikita nila ni Alaine. Friends na ulit sila. At may deal pa sila. Tutulungan siya nito kay Joey at siya ay tutulungan ito sa kung sino mang babaeng hindi nito maligaw-ligawan. Natigilan siya, gustong matawa. Akalain mo, si Alaine pala eh may itinatagong katorpehan. Gaano ba kaganda ang babaeng iyon para dagain ang lalaki?

"Baka mabasag na 'yan." Mula sa likod niya ay may nagsalita. Kitang-kita niya sa repleksiyon ng salamin ang mukha ni Trixie.

"O, anong sabi ko sa iyo, di ba astang may sayad? Hayan o, kinakausap ang sarili." Mukha naman ng mommy niya ang nakita ni Zoey.

"Ako na naman ang napag-trip-an niyo. Naligaw ka?" baling niya sa kaibigan.

"Napadaan lang. O, ano na?"

"Nag-meet up kami ni Alaine," balita niya.

"Alaine?"

"Iyong bff ni Joey, ano ka ba?"

"Ah, si Alaine." Nakilala na rin ito dati ni Trixie. "O ano? Kayo na?"

"Gaga! Friend nga siya ni Joey, di ba? Tapos magiging kami."

"May bagong amendment sa saligang batas, bes? Bawal dyowain ang friend ng ex-dyowa? Akala ko pa naman kaya ang aliwalas ng itsura eh dahil sa kanya."

"Dahil nga sa kanya. Kasi magiging daan siya para maging kami ulit ni Joey."

"Pak ganern!" bulalas ni Trixie pero halatang sarcastic ito.

"Masama?"

"Hindi naman masyado. Slight lang."

"Ewan ko sa iyo. Sabi mo dati gawan ko ng paraan para matupad ang dream ko na maging kami ulit ni Joey. Ngayong may ginagawa na 'ko, di ka pa rin happy."

"Eh kasi naman..." Nagkamot ng ulo si Trixie. "Ewan. Eh di wow," sabi na lang nito. Mula sa likod niya ay dumungaw ito sa salamin. Tinignan nito ang repleksiyon niya pagkatapos ay lumingon sa kanya. "In fairness, nakakatingkad ng beauty ang pag-asa," anito.

"Mismo," ganti niya.

"I-push mo 'yan, bes." Tinapik-tapik pa nito ang balikat niya. "Pero bago ang lahat..." Itinaas nito ang smartphone, idinikit ang mukha nito sa kanya saka pinindot ang screen ng telepono. "Ipo-post ko lang sa IG ko," anito. "Gawa ka na rin ng account."

"Sige."

"Sabi mo rin 'yan last year."

"Gagawa na nga."

"Wait lang. Gusto kong makita pala ang itsura ni Alaine ngayon." Nag-log in ito sa FB saka hinanap ang lalaki. "Huwaaaw! Heto na siya ngayon?" anito pagkakita sa account ni Alaine. "Pusuan na 'yan, bes. Huwag mo ng pag-aksayahan ng panahon si Joey."

"Sira ka talaga! Tigilan mo 'ko sa mga kalokohan mo."

"Hmmm..." tanging komento nito na may kasama pang ismid.

"Di nga. May gusto siyang girl. Nagpapatulong nga manligaw."

"Torpe ang peg? Ay, type."

"Sorry, ikakasal ka na, di ba." Feeling possessive bigla si Zoey. Nadismaya kasi siya sa ideyang pinagnanasaan ng kaibigan niya si Alaine.

"Iyon lang. Pero, girl, kundi lang ako in-love kay Evan, aba, pagnanasaan ko talaga 'yan. Umph!" Pinagdikit nito ang mga labi.

"Aaaaay, Ateee!"

Malakas na sigaw ang pumutol sa ikokomento pa dapat ni Zoey. Boses ng katulong nila ang narinig niya.

"Si mommy moooo!"

Sabay silang humangos ni Trixie papunta sa kusina kung saan nanggaling ang sigaw.

Love Search (completed)Where stories live. Discover now