chapter 3

4K 66 0
                                    


FRIENDS sila kaya ewan niya kung bakit nang maghiwalay ito at si Joey ay pati sila ay naghiwalay na ang landas. But now, she's back. Rather, she wants to be back in Joey's life.

"Sorry, brod, may emergency. Kailangan kong ayusin 'to para hindi ma-delay iyong trip ko." Humahangos na bumalik sa tabi niya ang kaibigan. "Saka ko na pag-iisipan kung kukunin ko 'yang laptop. Nagmamadali ka ba? Kung may ibang buyer, sige lang."

"Oh, no, no. I can wait. Malay mo, baka magustuhan ko na rin ito eventually. O sige, iwan na kita para maasikaso mo ang dapat asikasuhin." Hindi na muna niya ini-off ang laptop. Isinara na lang niya ang lid saka ibinalik iyon sa bag at umalis na siya.

"Malay mo magustuhan na nga kita," sabi ni Alaine matapos ilabas ang laptop at ipatong sa desk niya nang nasa bahay na siya. Dahil hindi niya ito na-shutdown kanina, pagbukas niya ng lid ay sumindi na agad iyon. Pag-click niya sa icon ng Facebook ay bumukas iyon sa account ni Joey. Naalala niya, hindi nga pala nakapag-log out ang kaibigan niya kanina at dahil sa pocket wifi niya iyon naka-set na kumunekta ay hindi naputol ang kuneksiyon niyon sa internet.

Nag-atubili si Alaine. Dapat ay mag-log out na siya. Pero hindi niya ginawa. Imbes ay binuksan ulit niya ang mga friend requests ni Joey. Tinitigan niya iyong kay Zoey. Itinapat pa nga niya ang cursor sa confirm button. Malamang na kalbuhin siya ni Joey kapag in-accept niya ang request ng dalaga. Magla-log-out na sana siya nang may kumalampag sa sahig. Gulat na napabaling siya sa pinanggalingan ng tunog.

"Ikaw, Muning!" Pusa ng kapitbahay nila ang salarin. Nakapasok na naman pala ito sa kanila. Sumama siguro ito sa maid na hiniram niya sa kapitbahay para maglinis ng bahay.

Matagal nang nakapag-asawa ulit ang daddy niya at sa Cebu na nakatira ito kasama ang bagong pamilya kaya mag-isa na si Alaine sa bahay. Kapag hindi na niya matiis ang kalat sa bahay ay hinihiram niya si Manang Sylvia, ang maid ng kapitbahay niya. Hindi siguro nakasama ang pusa sa paglabas ni Manang. Hilig na hilig tumambay ni Muning sa bahay niya, siguro ay dahil tahimik doon. Sa tinitirhan nga naman nito ay may kasama itong tatlong hyper na Shitzu at dalawang makukulit na toddlers.

Bumaling siya sa computer at noon niya nadiskubre ang nagawang kasalanan ni Muning. Dahil nagulat siya ay nadutdot pala niya nang hindi sinasadya ang mouse. Friends na ngayon sina Joey at Zoey.

"Ooops!" nasabi ni Alaine. Hindi ko sinadya ah!

Na-curious siya kaya kli-nik niya ang profile ni Zoey. Halos walang nagbago sa itsura ng dalaga. Pero sa mga mata nito ay may naaninag siyang...lungkot ba iyon? Longing? Ewan niya. Basta may kung ano sa mga iyon na humatak ng pansin niya.

Maya maya ay may nag-message kay Joey.

"Hi, thanks for accepting my request." Si Zoey.

Nangati ang mga daliri ni Alaine.

Hep! Hindi puwedeng mangelam. You've done enough damage.

"You're welcome." Nakapag-type na siya bago napigilan ang sarili.

"Musta na?"

He took a deep breath. "Okay naman. Kaw?" Itinuloy na niya, tutal ay nasimulan na niya.

"Good."

Ilang sandali pa ay abala na siya sa pakiki-chat sa dalaga.

BAGO mag-reply sa message sa kanya ay napahiga ulit sa kama si Zoey.

In-accept niya ang friend request ko. Hindi lang iyon, ngayon, ka-chat ko na siya. Aaaaah! Nagkikisay na naman siya ng ilang segundo. Pero agad din niyang kinalma ang sarili. Umupo siya, nag-type sa keyboard.

Love Search (completed)Where stories live. Discover now