chapter 8

3.6K 68 1
                                    


ABA AT talagang ginawa nga niya!

Paghinto ng sasakyan ni Alaine sa kalyeng kinatitirikan ng bahay niya Zoey ay nadiskubre agad niya na may nauna na sa kanya sa pagdalaw sa dalaga. Nauna sa kanya ng ilang segundo lang. Nakababa na si Joey ng kotse nito at naglalakad papunta sa bahay nina Zoey.

Wish bigla ni Alaine ay barumbadong tao siya. Para magawa niyang sugurin ang kaibigan at gulpihin ito. Ano ba kasi ang gimmick nito? Sabi nito, magbabakasyon ito ng matagal sa isang lugar na walang kominukasyon. Ngayon ay nandito na agad ang lalaki sa sibilisasyon? Nagulat siya nang malaman iyon. Tinawagan kasi siya ni Joey. Hindi na raw nito patatagalin ang bakasyon dahil may mga aasikasuhin ito. Kasama ba sa aasikasuhin nito si Zoey?

Ewan kung tinawagan nito ang dalaga. Mukhang. Dahil parang naghihintay na rito si Zoey. Kitang-kita niya nang humangos ito palabas para salubungin ang lalaki. Hugis malaking O ang bibig nito nang huminto ito ilang pulgada mula sa ex nito. Pagkatapos ay bigla itong yumakap kay Joey.

Napalingon sa dala niyang bouquet si Alaine na ipinatong niya sa passenger seat. Tiyak na imagination lang niya pero tingin niya sa mga bulaklak ay mukhang lanta ang mga iyon. Kagaya ng pagkalanta ng pag-asa niya? Noon niya naamin na umaasa siya. Na baka sakaling may namuo ng pagtingin si Zoey para sa kanya. At may dala siyang bulaklak ngayon para bumawi doon sa ginawa niya dati rito. This time, he would admit that he wanted to give her the flowers because...well, just because.

Wait lang ah! Nagulat siya roon. Natakot. Nag-alangan. Hindi yata tama ang manulot.

Ayaw na nga sa kanya ni Joey eh.

Pero parang hindi iyon ang ipinahihiwatig ng mga sinabi nito.

I think I'd want to see her, just to be sure. At 'wag mo na ring ayusin iyong ipinaayos ko sa iyo. Iyong pangengelam niya sa friend request ng dalaga ang tinukoy nito.

At hayun nga ang ginawa ni Joey. He came, he saw and he wants to conquer, or so it seems. Iyon ay kung ang iginanti nitong yakap sa dalaga ang pagbabasehan niya. Ang masaklap, may karapatan ito na gawin iyon dahil ex nito si Zoey.

Hindi kagaya noong si Tanya ang agawin nito. Nagtagis ang mga bagang ni Alaine, napakuyumos ang mga kamao, nang maalala ang pangyayaring iyon. Tanda niya kung paano niya nadatnan ang dalaga at si Joey sa condo unit ng nililigawan niya. Oo na, may usapan sila ng kaibigan niya na magkikita roon. Magdo-double date kasi dapat sila. Siya at si Tanya ang magka-partner samantalang si Joey naman ay ipapakilala sa kaibigan ni Tanya na si Cecille.

Ang saya ng kuwentuhan nina Tanya at Joey nang dumating siya. Sobrang saya. Kinutuban si Alaine pero sinabihan pa niya ang sarili na paranoid siya. Pero nagkatutoo naman ang hinala niya sa bandang huli.

Natuloy ang double date pero hindi ang inakala niyang papaganda ng pagtitinginan nila ni Tanya. Imbes na matamis na oo nito ang makuha niya ay isang nakakapagngitngit na lets just be friends ang natanggap niya galing dito. Nagtaka nga lang siya dahil hindi naman nagkaroon ng relasyon si Joey at si Tanya. Ibang babae ang naging girlfriend ng kaibigan niya.

Kalaunan ay saka niya nalaman ang kuwento. Kay Cecille pa nanggaling iyon. Hindi sinasadyang nagkita sila sa isang resort. The woman was tipsy already. May sama ng loob pala ito kay Joey.

Paasa ang buwisit na iyon, sabi nito. Na-type-an daw nito si Tanya and vice versa. Pero may mas na-type-an pa ang lalaki kaya hindi nito itinuloy ang pagpapa-cute kay Tanya kaya matapos ang ilang dates ay naghiwalay din ng landas ang mga ito..

Na-realize lang ni Alaine na hindi naman kawalan sa kanya si Tanya kaya hindi na niya dinibdib ang natuklasan niya. Ang ipinagngingitngit niya ngayon ay ang ideyang nananadya na yata si Joey. Lahat ba ng natitipuhan niya ay kailangan nitong subukang sulutin para lang mapatunayan na ito ang mas lamang?

Love Search (completed)Where stories live. Discover now