Chapter 6

3.1K 70 1
                                    

Kali's POV

Sinipat ko muna ang sarili bago lumabas ng washroom. Makikitang makapal ang make up ko ngayon kumpara sa palagi kong nilalagay nitong mga nakaraan. Nakasuot din ako ng hoodie upang pagtakpan ang mga pasa ko sa braso. Pinaresan ko din ito ng sunglasses upang itago ang pamamaga ng mga mata ko.

Sinigurado ko munang maayos ang postura ko bago pumasok sa classroom. As usual sinusundan na naman nila ako ng mga tingin nilang mapagmatyag. Maingat akong umupo sa upuan dahil hanggang ngayon ay masakit parin ang buo kong katawan. Ngunit hindi paman ako nagiging komportable sa kinauupuan ay sumulpot na sa harapan ko si Samantha. Nakataas na naman ang dalawang kilay nito, akala niya siguro kinaganda niya.

Ngunit maya maya'y nawaglit sakaniya ang atensyon ko, nang mula sa likuran niya ay dumating si Ate Bea kasama si Charity. Ang kaninang mataray kong pag-iisip ay napalitan ng lungkot, lungkot nang muling masilayan si Charity. Hindi ko alam kung bakit kasama niya ang Isa sa mga dahilan kung bakit nagkasira ang pagiging magkaibigan namin. Galit na galit si Charity sakin hindi ko alam kung ano pang pinagsasabi ni Ate Bea bakit ganyan na ang galit ni Charity sakin.

Subalit kahit ganon ay hindi ko magawang magalit sakaniya. Siya ang naging sandigan ko sa lahat, siya ang naging takbuhan ko pag may problema ako. Nakakalungkot na nawala yung kaisa isang taong pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Mas masakit pa yung nawalan ka ng best friend kaysa magbreak kayo ng boyfriend mo. Legit yung sakit.

Nawala ang atensyon ko kay Charity nang sumabat na naman si Samantha.

"Hey bitch natatandaan mo pa ba ang ginawa mo sakin?"-nakangisi niyang tanong.

Akala niya siguro ay matatakot niya ko sa pangisi ngisi niya. " Sino bang hindi makakalimot sa nangyari sayo? Umiiyak habang nagmamakaawa?"-sarkastika kong sagot nakita ko namang nagtangis ang mga bagang niya. Kaya napangisi nalang ako, well sino kaya sa atin ang unang mapipikon.

"You bitch!"-sambit niya at sasabunutan sana ako nang tinabig ko ang kamay nito. Muntik naman siyang mawalan ng balanse.

" Wag mong ihawak yang maduming kamay mo sakin dahil baka makita mo ang hinahanap mo!"- sinamaan ko siya ng tingin yung tipong matatakot siya at hindi ako pumalya dahil bigla itong napaatras.  "Bitch? Diba ikaw yun? Ayy wait hindi ka pala bitch, slut ka pala!"-nakangisi kong sambit, nang iinis. Napamaang naman siya, kinuha ko ang pagkakataon na yun upang kunin ang bag ko at talikuran silang lahat.

" Saan ka pupunta? Aalis ka? Natatakot ka?"-sabat naman ni Ate Bea.

"Aalis ako hindi dahil natatakot ako kundi dahil ayaw ko ng gulo. Hindi ako bobo para sayangin ang oras ko sa inyo!"- usal ko.

" Wait I like your group na. Anong tawag sa group niyo? Group ng mga taong insecure sa kagandahan ko? Wag kayong mag-alala bibigyan ko kayo ng autograph ko!"-pahabol kong sambit bago tuluyang nilampasan si Ate Bea.

Palabas nako nang magtama ang mga tingin namin ni Charity. Ngunit wala akong makitang ano mang emosyon sa mga mata niya.

Nilampasan ko nalang siya dahil baka maiyak lang ako sa harapan niya. Ang sakit kasi na mas pinaniwalaan pa niya yung taong hindi niya gaano kilala. Kaysa sakin na kilalang kilala niya.

Mamaya nalang siguro ako papasok. Nawalan nako ng gana dahil sakanila. Pumunta muna ako sa paborito kong tambayan. Sa garden, ang lugar kung saan ko nailalabas lahat ng luha ko.

Umupo ako dito habang dinadama ang preskong hangin. Ito yung lugar na palaging nakakasaksi kung paano ako umiyak at masaktan. Ito yung naging takbuhan ko magmula noong umalis sa tabi ko so Charity.

Ayaw kong ipakita sa lahat na mahina ako, na madali akong masaktan dahil ayaw ko ayaw kong kaawaan lang nila ako. Naalala ko noong mga panahong pinapakita ko sa lahat ang tunay na nararamdaman ko at mas inuuna ko pa yung iba kaysa sa sarili ko. Ngunit wala akong napala kundi puro sakit. Sakit na naging dahilan ng pagkasugat ng puso ko na hanggang ngayon nag iwan na ng marka at aral.

Araw araw pumapasok ako ng may pasa sa buong katawan at araw araw ko ring nakikita ang awa nila sakin na kahit kailanman ay ayaw ko ng titigan ako sa ganoong paraan. Ayokong maawa sila sa akin, ayaw kong maramdaman yung awa nila dahil feeling ko sobrang nakakaawa ako. Feeling ko walang nagmamahal sakin dahil puro awa lang nila ang nararamdaman ko.

Tinanggal ko muna ang sun glasses ko para punasan ang mga luha sa mga mata ko. Nawawala nadin ang mga make up na ginawa kong pantakip sa mga pasa dahil sa mga luha ko.

Kaya lantad na lantad na ang mga pasa ko ngayon. Isusuot ko na sanang muli ang sun glasses ko ngunit napatigil ako nang may nagsalita.

"Anong nangyari sa mukha mo? Bakit may mga pasa yan!"

Dali dali ko namang isinuot ang sun glasses ko at tumayo na. Ngunit talagang mapilit ang tao nato. Hinablot niya ang kamay ko sa paraang hindi ako masasaktan.

" Ano ba?"-pagpupumiglas ko dahil ayaw niya akong bitawan.

"Gusto kong makita!"-seryoso niyang sambit.

Ito yung unang beses ko siyang makitang seryoso dahil palagi ko siyang nakikitang nakangiti.

" Hindi pwede!"-pagmamatigas ko parin ngunit sa isang iglap ay mabilis  niya itong tinanggal. Napatitig naman siya sa mukha kong may mga pasa. Bigla akong napatitig sa mga mata niya nang makita ko yung awa, awa na kahit kailan ayaw ko ng makita.

Kaya agad kong tinakpan ang mukha ko at tinalikuran siya. Ngunit napakamapilit niya talaga.

"Ano ba ayaw mo paba ako tigilan huh, Jon Carlos ? Ano pabang gusto mo kaawaan ako, sige kaawaan mo ko! Diyan naman kayo magaling diba kaawaan ako pag nalaman niyo yung kalagayan ko diba? Ano pabang hinihintay mo sabihin mong naaawa ka sakin dahil palagi akong binubugbog. Kaawaan moko!"-sigaw ko , hindi ko na napigilan yung emosyon ko hindi ko napigilang pagtaasan siya ng boses.

Ngunit ay sunod niya ginawa ang hindi ko inaasahang sa lahat. Dahil — dahil niyakap niya ko, sinserong yakap na kahit anong gawin ko ay hindi ko maitatangging kailangan ko. Hindi ako makagalaw at hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Basta namalayan ko nalang na umiiyak nako habang yakap yakap niya ako.

Hindi ko maipaliwanang yung nararamdaman ko. Feeling ko safe ako pag yakap niya ko. Feeling ko hindi niya hahayaan na may manakit sa akin. Dahil gagawin niya ang lahat maging masaya lang ako.

" Shhhhh umiyak kalang nandito lang ako makikinig ako sayo! Nandito lang ako para sayo, hinding hindi kita iiwan" -sa mga katagang yun ay mas lalo lamang ako napahagulhol.

Ilang taon akong naglagay ng harang. Harang para sa mga taong magtatangka, sa mga taong magtatangkang saktan ako hindi physically kundi mentally. Kaya mula noon wala akong hinahayaang mapalapit saking iba.

Ngunit ngayon natibag ito. Natibag ito ng isang tao. Ngunit hindi ko alam hindi ko alam kung bibigyan ko ba siya ng pagkakataon para papasukin siya sa buhay.

Hindi ko alam kung bibigyan ko ba siya ng karapatan para pakialaman ako.

Dahil sa totoo lang natatakot ako , natatakot ako na baka dumating yung panahon na tuluyan na siyang maging bahagi ng buhay ko. Na hindi ko na kayang mawala siya sa akin.

Natatakot akong dumating yung panahon na masaktan ako. Dahil iniwan niya ako kung kailan hulog na hulog na ako sakanya. Na hindi niya pala ako kayang saluhin mula sa pagkahulog ko, mula sa pagkahulog ko sakanya.

Dahil pag dumating yun hindi ko alam kung anong mangyayari sakin.

Kaya hindi niya ko pwedeng masisi kung takot man akong magmahal.

A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon