Chapter 22

3.1K 60 0
                                    

Kali's POV

Every fucking day I'm asking myself why am I still here?

Naramdaman ko na ang unti unting pagkawala ng balanse ko, kaya mapait akong ngumiti, I think this is the end.

Ngunit bigla akong napamulat nang maramdaman kong bumagsak akong muli sa kalsada.

"Kali!"-napalingon ako sa taong tumawag at sumira sa plano kong mawala sa mundo. Nanatili lang akong nakatingin sakanya at hindi man lang siya sinagot.

'It was Clyde'

" Kali please don't do this"-nagulat ako sa pagmamakaawa niya.

Ngunit agad din akong sarkastikong napatawa. "Sino ka para sabihin sakin yan?"-sambit ko nang tuluyan na akong makatayo.

Nakita ko naman ang pagrehistro ng lungkot sa pares ng kaniyang mga mata. "I-i'm sorry. Sorry kung sinaktan kita Kali! Sorry for all the things I've done but please believe me I didn't mean to do it!"-hindi ko maintindihan ang mga pinapakita nito lalo na ang pagtulo ng mga luha niya. Naguguluhan ako sa pag-aalalang pinapakita nito.

" What do you mean?"-wala sa sarili kong tanong. Nawawala ako sa tamang pag-iisip tuwing nakikita ko ang luha sa mga mata niya. Ilang taon ko siyang naging close at nakilala ngunit never ko siyang nakitang umiiyak. Ngayon lang, ngayon lang talaga.

"I didn't mean to broke your heart, it was Bea. Blinackmail niya ako na if ever hindi kita hihiwalayan ay magsusumbong siya sa parents mo at gagawa ng kwento. At kilala kita Kali alam kong sobra sobra kang maaapektuhan pag nangyari iyun. Sorry I was afraid that time, sorry naduwag ako kaya nagdesisyon akong piliin yung panandaliang sakit para sayo ngunit halos patayin ako tuwing nakikita ko ang lungkot at pag-iyak mo."-nakatingin lang ako sa malayo habang pinapakinggan ang sinasabi niya.

Dammit! Isang paliwanag na naman at isang malaking sakit na naman ang dulot nito sa akin. Gusto kong maiyak ngunit naubusan na siguro ako ng luha. Namanhid nadin ang buo kong katawan.

" Dammit! Pandaliang sakit? Sa tingin mo pandaliang sakit lang iyun para sa akin? Tama ka duwag ka nga. Dahil mas pinili mong saktan ako sa gitna ng mga paghihirap ko kaysa damayan ako! At yung tinatawag mong panandaliang sakit ay dala dala ko parin ngayon. Paulit ulit akong nagtatanong sa sarili ko kung bakit patuloy akong niloloko ng mga taong pinagkakatiwalaan ko. Ikaw lang ang makakapitan ko that time pero anong ginawa mo, niloko at trinaydor mo ako kaya kahit anong gawin mong pagpapaliwanag at paghingi ng tawad, hinding hindi kita mapapatawad."-galit na galit nako pero hindi ako umiyak. They don't deserve my tears nobody deserve my tears.

"I'm sorry Kali! Please forgive me. Mahal na mahal pa kita hanggang ngayon. Magsimula tayo ulit. I promise ipaglalaban na kita at pasasayahin kita. Just please give me another chance."-pagmamakaawa niya. Gusto kong maawa ngunit kapag naaalala ko ang ginawa niya noon ay hindi ko kayang maawa. Naging sunod sunuran siya sa kapatid ko at dahil doon nasaktan ako.

" What's the point of asking for second chance? Nakamove on nako Clyde!"-walang pag-aalinlangan kong sambit. Nakamove on nako at dahil yun sa isang taong nagparealize sakin na dapat maging masaya ako sa buhay ko. But then history repeats itself. He betrayed me.

"No Kali sinasabi mo lang iyan dahil galit ka sakin. Hindi ka pa nakakamove on, I can see it in your eyes, you're inlove!"

"Yes I'm inlove!"-nakita ko ang pagrehistro ng ngiti sakanyang mga labi ngunit ayaw ko siyang paasahin alam kong masasaktan siya sa sasabihin ko ngunit kailangan, kailangan kong sabihin sakanya ang totoo. "But not with you! I'm inlove with someonelse."-deritso kong sambit. Nawala naman ang mga ngiti niya.

Umiling siya habang hinahawakan ang braso ko."No you're just saying this dahil nasaktan kita please don't do this!"-halos lumuhod na siya sa pagmamakaawa.

"No. I'm saying this because it's the truth. Ito yung panandaliang sakit na walang halong pagsisinungaling!"- makahulugang sambit ko at tuluyang kinalas ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

Naglakad na ako palayo sakanya. I need to go home. I want to rest andami kong pinagdaanan ngayong araw na ito.

Akala ko talaga na pagdating ko sa bahay makakapagpahinga ako. Yun pala delubyo ang dadatnan ko.

Nasa labas palang ako ng bahay nang makita nila ako. Papasok na sana ko ngunit hindi natuloy dahil ang mga damit ko agad ang sumalubong sa akin.

" KUNG HINDI MO RIN NAMAN RERESPETUHIN ANG ATE MO EDI LUMAYAS KANA RIN SA BAHAY NA ITO!"-sigaw ni mommy habang patuloy na pinaghahagis palabas ang mga gamit ko.

I knew it nagsumbong talaga siya. Nang maubos na ang lahat ng damit ko ay bumaba na si mommy at lumabas ng bahay kung nasan ako ngayon.

Ilang sampal ang binigay niya sa akin ngunit hinayaan ko lang ito. This will be the last.

"Tapos napo ba kayo MOMMY?"-diniinan ko talaga ang salitang mommy. Ayaw ko itong gawin ngunit hindi ibig sabihin noon habang buhay nalang akong mananahimik at magpapakamartyr.

Masakit talikuran at sagutin ang mga magulang mo. Pero mas masakit yung mismong ikaw yung sumugal at nagmahal pero sa huli ikaw ang unang tatalikuran. Umasa akong mamahalin ako ng mga magulang ko. Nagtiis ako kahit na napakahirap ng pinagdadaanan ko pero nauwi lang sa wala ang lahat. Umasa ako pero sa huli ako parin ang nabigo.

" Wala ka talagang modo!"-sigaw nito. "Lumayas ka at wag ng bumalik pa!"-patuloy niyang pagtatabuyan sakin.

"As you wish! Sana lang hindi kayo magsisi!"-huling sambit ko bago umalis wala akong dinala kahit isang damit except sa suot ko ngayon. Ayaw kong may isumbat na naman sila sa akin. Hindi nila kayang isumbat yung pagpapalaki nila sa akin dahil kahit kailan hindi sila naghirap sa akin.

Umupo ako sa gilid ng kalsada. Wala ng masyadong tao o sasakyan na dumadaan.

The same feeling ang scenario many years ago. But then this time I know na walang tutulong sa akin.

Napahagulgol ako ng iyak. Damn those tears. Damn those memories. Dammit!

Napatigil ako sa pag-iyak at napaangat ng tingin ng makita ko ang isang pares ng sapatos sa harapan ko.

The same person again, the same person who helped me many years ago.

He is standing in front of me while offering his hand.

-------

A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon