Chapter 19

2.7K 50 1
                                    

Kali's POV

Dumating ang araw ng biyernes at ngayon na magaganap ang exam namin. Ilang linggo ko itong pinaghandaan kaya pagsisikapan kong sagutan lahat.

Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan ko at hinihintay na ibigay sa akin ang test paper ko.

7am- 11am (4 first subjects)
11am-1pm (lunch break)
1pm-5pm(another four subject)

Yan ang schedule ko. 1 hour every subject that's why I need to focus.

Pagkasabi ng teacher namin na pwede na kaming magsimula ay agad na akong nagsimula, mahalaga ang bawat minuto kaya dapat hindi ko ito sayangin.

"Kamusta ang exam?"-tanong ni Jon pagkalunch break.

" Ayon sobrang stress, pero keribels dahil nag-aral naman ako!"-sambit ko. Kahit papaano ay nasagutan ko naman ang lahat

"Set A ka?"-tanong nito noong palabas na kami ng room.

Tumango ako. " Ikaw ba set B?"-tanong ko sakanya. Tumango lang din ito.

Agad kaming naghanap ng upuan noong nakarating kami sa cafeteria.

"Ako nalang ang mag-oorder!"-presenta ko.

" Sige maghihintay nalang muna ako dito."-sagot niya at tumalikod na ako.

Mabuti nalang hindi pa masyadong mahaba ang pila kaya madali akong nakaorder ng pagkain namin.

Binitbit ko naman ang isang tray na naglalaman ng pagkain namin. Malayo layo pa ako ngunit pansin ko agad si Ate Bea na nakaupo sa upuang  katapat ni Jon.

Ilang araw ko nadin silang nakikitang nag-uusap pero hindi ko nalang ito binibigyan ng kahulugan.

"Hmmm"-tumikhim ako noong nakalapit ako sa table namin.

" K-kali?"-sambit ni Jon. Halata ang pagkabila sa mukha niya.

"Oww Kali my dear sister magkasama pala kayo!"- nang iinis itong ngumisi. " Ohh well hindi ko na kayo iistorbuhin!"-bumaling ito ng tingin kay Jon. "By the way Jon you did a very good job!"-sambit nito bago umalis.

Nagtataka akong napatingin kay Jon ngunit umiwas lamang ito ng tingin.

" Anong ibig niyang sabihin Jon?"-tanong ko rito. Ngunit imbis na nakatanggap ng sagot ay tangingbuntong hininga ang narinig ko mula rito.

"Huh? Yun ba?! Wag mo na pansinin yun, about lang yun sa exam!"-paliwanag nito ngunit kita ko ang pagkatuliro nito. Animong may tinatago ngunit hindi ko siya magawang kwestyunin sa halip ay  tumango lang ako at nagsimula na kaming kumain.

Nang sumapit ang hapon nagsimula na din kaming mag take ng exams at gaya kanina ginawa ko ang lahat lahat para masagutan ko ito ng maayos.

Kasalukuyan akong nakatambay sa garden habang hinihintay si Jon Carlos, hindi pa kasi siya tapos sa exam kaya para hindi mabored dito muna ako.

Tumingin tingin ako sa paligid nang bigla kong mahagilap si Bea na papalapit sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin at hindi ko na ito pinansin dahil alam ko na maghahanap lamang ito ng away.

"Hoy babae!"-sigaw nito ngunit hindi ko ito pinansin. " Hindi mo ba ako naririnig!"-sigaw na naman nito. Ngunit tulad kanina hindi ko man lang ito binigyan ng pansin.

"Ano ba hindi kaba makikinig!"-sigaw nito at hinawakan ako sa kamay.

" Ako ba ang kinakausap mo?"-tanong ko sakanya na naging dahilan ng kanyang lalong pagkairita.

Mairita ka diyan wala akong pakialam.

"Sa tingin mo sino pa ba ang kakausapin ko."-tumayo naman ako upang harapin siya dahil nangangalay na ako kakatingala.

" You know baliw ka diba kaya malay ko bang may kinakausap kang hindi ko nakikita! "-mapang-asar kong sagot. Hindi ko gusto na sagot sagutin siya sa ganitong paraan ngunit hindi ko din gusto ang tono ng pananalita nito.

"Baliw? Me?"-sigaw nito. Nagsisimula na namang umusok ang ilong nito.

" Bakit hindi ba?"-nakangisi kong sambit.  "Tsaka para matapos nato dahil hindi ko gusto ang presensya mo, anong kailangan mo sa akin?"-walang gana kong sambit.

" Ikaw anong ginawa at sinabi mo na naman sa boyfriend ko bakit hindi siya pumasok at nabalitaan ko nalang na naglasing siya dahil sayo!"-galit na sambit nito.

Wala talaga akong alam sa pinagsasabi niya. "Bakit naman ako ang pinuntahan mo? At isa pa ang sinabi ko lang naman sa boyfriend mo ay layuan niya na ako dahil hindi ko naman na siya ginugulo. Diba yun naman ang gusto niyo? Bakit ngayon pilit naman akong nilalapitan ng boyfriend mo!"-sagot ko.

Hinawakan niya naman ako sa braso. " Hindi yan totoo! Inuto mo na naman siguro siya no? Dahil hanggang ngayon hindi mo parin tanggap na ako ang mahal niya! Dahil malandi ka at gusto mong agawin ang lahat sa akin."-sigaw nito.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at agad ko siyang sinampal. "Ako malandi? Sino ba sa ating dalawa ang malandi huh? At ano nga yun? Gusto kong agawin ang lahat sayo? Ha! Ha! Ha. Alam mo nakakaawa ka! Nakakaawa ka dahil hindi mo kayang tanggapin kung anong meron ka dahil kahit ikaw alam mo, alam mo sa sarili mo na ikaw ang mang-aagaw. Alam mo napakadamot mo dahil nasayo na ang lahat na pagmamahal ng magulang natin, at alam mong kahit katiting na pagmamahal nila hindi nila kayang ibigay sa akin pero anong ginawa mo inagaw mo pa yung kaisa isang taong nagmamahal sakin, siya nalang ang meron ako, siya nalang ang karamay ko noon pero kinuha mo pa siya! Kaya sa ating dalawa IKAW! IKAW ANG MANG-AAGAW!"-sigaw ko hindi ko na napigilan na isumbat sakanya lahat lahat. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay pagbintangan ako sa mga bagay na hindi ko ginawa. Pinilit niya akong magalit kaya sana hindi siya magsisi.

" Hindi, hindi totoo yan! Tandaan mo Kali magbabayad ka, sisiguraduhin kong maghihirap ka!"-sigaw nito bago umalis.

Nanghihina naman akong napaupo sa damuhan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sakanya. Haisst nakakabaliw na siya.

"Kali"-napalingon naman ako sa tumawag sa akin at nakita ko naman si Jon na nakatayo. " Tara na?"-tanong nito at inilahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman ito upang makatayo.

"Nasagutan mo ba lahat?"-tanong ko dito. Pilit winawaglit sa isip ang nangyari kanina.

" Oo naman ako pa syempre!"-mayabang nitong sambit.

Binatukan ko nga. "Tsk ang hambog nito!"-sambit ko.

" Aray naman Kali sobra ka talaga sa akin. Hindi pa nga tayo panay na ang bugbog mo sa akin!"-reklamo nito.

"Edi maghanap ka ng babaeng hindi ka kayang bugbogin!"-sambit ko dito at naunang maglakad. Agad niya naman akong hinabol.

" Oy baby Kali joke lang naman yun eh! Hindi ko kayang maghanap dahil hindi na ako makakahanap pa ng kagaya mo!"- kinakabahang wika  nito lihim naman akong napangiti ngunit hindi ko pinahalata dito.

"Heh wag mo akong tawaging baby!"

"Ehhh sorry na BABY Kali!"- pangungulit nito. Minsan talaga ay naaasiwa ako sa pagtawag niya sakin non. Hindi lang siguro ako sanay. " Sorry na!"-at kiniliti niya ako.

"H-hoy hahha ano ba Jon tumigil ka nga hahah Jon isa!"-saway ko dito dahil ayaw talagang tumigil.

" Sabihin mo na papatawarin mo na ako!"

"Oo hahah suko nako!"-agad niya naman itong itinigil at inakbayan ako.

" Yan okay na tayo huh?"-sambit nito natawa naman ako sa pagiging isip bata nito. Tsk!

-----



A Daughter Seeking For Love and AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon